The Players

26 2 0
                                    

ANIM KAMING lahat na sumama sa Holiday vacation.

Si Xander na ang sarap hambalusin ng lumang candelabra matapos n'ya akong pangakuan ng nightlife. At dagat. Hindi n'ya sinabing setting pala ng Wrong Turn ang San Alfonso.

Si Gritchin, ang four-month girlfriend ni Xander. Nakakainis ngang isinama nito ang kababata kunong si Brendan---nag-iisang outcast sa tropa.

At syempre pa, si Charice. Kasubuan nito ang babaeng dumaig sa eggnog ko---si Amor. Na walang powers.

"So, ano'ng plano?" basag ko sa tahimik naming hapunan.

"Well, katulad ng unang plano. E-enjoy-in natin ang isang linggong bakasyon dito sa amin. Marami tayong pwedeng gawin dito." Ani Xander.

"Like do what?" si Amor. "Feed the cows? Climb the creepy, old trees. Maglinis nitong house? O lumangoy sa sapa na mukhang kanal? Wow, sounds fun."

"Why not?!!" Pinasigla ni Xander ang tinig. "At least maiiba ang trip natin this year. Sawang-sawa na rin naman tayo sa mga hang-outs natin sa Manila. Ano ba naman ang isang linggo na lasapin natin ang buhay dito sa probinsya."

"Nyemas! Magso-soul searching ka lang pala, dinamay mo pa kami. Last time I check, intact pa rin ang kaluluwa ko, pare."

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ko. I wasn't even joking. Inilabas ko lang ang kanina pang kinikimkim na sama ng loob.

"God, Emmett. May tinatago ka palang humor." Nakangiting komento ni Charice na ikinatigas ng aking...panga. At type ko ang pagkakasabi n'ya ng "God, Emmet". It sounded sensual. Pornographic to be exact. Sayang nga lang walang access sa YouPorn sa lugar na 'to.

"Okay, mga dudes. May naisip na akong pwede nating gawin dito. Speaking of soul-searching, bakit hindi na lang tayo mag-ghost-hunting? Sounds fun, right?"

Tumahimik kaming lahat pagkarinig sa suggestion ni Xander.

"Ghost-hunting? On a Christmas Week? Yeah, cool." sarkastikong sabat ni Brendan saka iiling-iling na pinukol ng tingin si Gritchin.

"I think it's not a good idea, Xander." Sang-ayon ni Gritchin.

"Bakit hindi? Wala namang holiday break ang mga ghosts at evil spirits. And besides, mapapatunayan natin kung totoong haunted itong bahay ni Lolo Ramon."

"You mean haunted talaga 'tong bahay?"

Tumikhim si Xander bago sinimulan ang kanyang kwento. "Sa pagkakaalam ko, may nakakatakot na history ang ancestral house na 'to---"

Nang parang sa horror film ay biglang umihip ang malakas na hangin. Namatay ang tatlong sinding kandila gitna ng hapag. Sabay-sabay kaming napasigaw. Nagpakiramdaman kami. Ang bawat paghugot ng hininga ay parang naka-amplify sa aming tainga.

Walang ano-ano'y, may umingit sa bahagi ng bintana na nakabukas pala. Ni-lock iyon ni Brendan bago kami kumain. Paanong nabuksan iyon gayong lahat kami ay nakadulog sa dining table?

"Bukas pala ang bintana, guys." Xander stated the obvious. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit kaibigan ko ang isang 'to.

"Baka si Mang Ambo ang nagbukas mula sa labas? Alam n'yo naman 'yon, parang kabute kung makasulpot." konklusyon ni Brendan.

Dahil wala pa ring kuryente sa malaking bahay, tanging sinag ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa kabahayan. Tumingin kami sa direksyon ng garden. There was something formidable in the eerie silence outside. May lumang water fountain roon at mukhang doon nagmumula ang lagaslas ng tubig. Pero walang suplay ng tubig ang fountain.

Kung gayon, saan nagmumula ang tunog?

Malakas ang kabog ng dibdib ko. Kahit ang matapang na si Brendan ay parang natatakot na rin. Saglit na napako ang mga mata ko sa estatwang centerpiece ng fountain, partikular sa microscopic nitong pototoy. Parang doon nanggagaling ang tunog.

Imposible.

May nakapasak na mga bato sa butas ng pototoy ni Adonis. Tawa nga nang tawa ang tropa habang nagse-selfie doon kanina.

"Oh, come on, guys. Wala lang 'yan. Baka bukas ang faucet sa---"

"Sssh..." sawata ni Gritchin kay Xander. "Guys, iyong t*te ni Adonis, tingnan n'yo!"

"Ang liit nga." Anang aking Bebelabs.

Kung makapanlait ng maliit na pototoy, as if may pototoy ang girlfriend n'ya.

"Hindi 'yong size ang tinutukoy ko. May lumalabas sa t*te."

Halos sabay kaming napatayo at pinagmasdang maigi ang estatwa sa hardin. Upang mas mapagmasdan ito, nagtutulakan kami patungo sa bintana na ilang metro lang ang layo sa fountain. Mas lumakas sa aming pandinig ang lagaslas. Singlakas ng kabog ng dibdib ko.

Then something jumped out of the dark!

Sigawan ang lahat. Kanya-kanyang yakap sa mga kasama. Naramdaman ko ang mainit na katawan na dumunggol sa aking likod. Akala ko si Xander 'yon kaya't sisikuhin ko sana. Ngunit nang napagtanto kong si Charice ang nakasiksik sa aking katawan, may kung ano'ng pumintig down there. Sa kabila ng takot, I savored the moment. Mas nanaig ang pagnanasa kaysa takot. At kung bangungot man ito, ayaw ko nang magising pa.

"Emmet, Emmet!" Malakas na pitik sa aking tainga ang nagpabalik sa 'kin sa reyalidad.

"What? Ano'ng nangyari?"

Nagtawanan ang lahat sa tanong ko. Nakasindi na ang mga kandila. Kumakain na rin sina Xander, Gritchin at Brendan. Si Amor, kausap si Mang Ambo. Nasa tabi ko pa rin si Bebelabs.

"Three minutes ka nang tulala. Don't worry, si Mang Ambo lang 'yong tumalon mula sa fountain kanina. Inaayos n'ya raw ang supply ng tubig saka ang generator. Siya rin ang nagbukas ng bintana. Masyado ka kasing nagpapaniwala sa ghost-hunting idea ng bestfriend mo kaya 'ayan tuloy."

The CaretakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon