KABANATA 2

16 3 0
                                    

Kasabay ng pag labas ng lalaki ay ang pag pasok naman ng isang serbidora. 

"Queen Atarah." Nag bow sa akin ang serbidora.

Napansin ko ring hindi siya ka uri ng mga faerie na nakatayo sa gilid ng silid. Mukha siyang normal.

"Naiutos po sa akin ni King Kovan na bihisan kayo. Haharap daw po kayo mamaya, pakatapos kumain, sa dating hari't reyna" nakayuko nitong sabi.

Wala akong pakealam sa sinasabi niya. Mas kapansin-pansin ang kaniyang anyo. Ibig sabihin ay hindi lang ako nag-iisang tao rito.

"I-ikaw!" pasigaw at pabigla kong tawag.

"K-ka uri ba kita?" kinakabahan kong tanong.

Nanatili lang siyang nakayuko at hindi nag abalang sagutin ang aking tanong.

Nasisiguro kong hindi siya faerie. Tao rin siya kagaya ko!

"Magbibihis akong mag isa. Iwan mo na ako."

Nag alangan ang serbidora, ngunit wala rin siyang nagawa. Lumabas ito kasunod ng mga babaeng faeries sa gilid ng silid.


'Ano na naman ba to? Panaginip pa rin ba ito?' 


Kung panaginip ito, sasakyan ko nalang ba ang lahat ng nangyayari hanggang sa magising ako? 

Wala akong ibang choice kundi ang mag bihis at mukhang hindi nababagay ang suot kong pambahay sa ganitong lugar.


Sinuot ko ang flowy gown na umaabot sa sahig ang haba. Kulay asul ito na may mga paru-parong disenyo. Hindi ko nga lang matukoy kung disenyo ba ito o tunay na paru-paro.

Hindi pa rin makapaniwala ay tinitigan ko ang aking sarili sa napakalaking salamin sa aking silid. 

Bumabagay ang maalon kong buhok sa damit na aking suot. 

'May filter ba rito sa panagip na to? Ang ganda ko!'

Sa kalagitnaan ng pananalamin ay may tumawag sa akin. Isa rin itong serbidora, kagaya nung nauna nag bigay galang din ito sa akin at nanatiling nakayuko.

"Queen Atarah. Pinasusundo po kayo ng hari. Nakahanda na po ang pagkain niyo."


Nag aalinlangan man ay sumunod pa rin ako sa serbidora. 


'G kung panaginip lang ito please mamaya mo na ako gisingin. Kakain muna po ako.'

Sumunod ako sa serbidora. Maraming pasikot sikot ang palasyong ito. Nilibot ko ang paningin, hindi ito pang karaniwang palasyo. Maraming paru-paro, nag kikintabang mga gamit kahit saan man lumingon. May malalaking bintana rin sa nadaanan namin pasilyo, tanaw rito ang maganda at mukhang enkantadong tanawin.


Pababa sa malawak na hagdan, nakita ko na ang hari na nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. Nasa kaliwa naman nito ay ang magkatabing babae at lalake na sa tingin ko'y ang nabanggit na dating hari't reyna. 

Seryosong nakatingin sa akin ang hari habang pababa ako ng hagdan. Lalo akong kinabahan dahil pati ang dalawang kasama niya sa hapag ay sa akin din nakatuon ang atensyon. 


Mabagal akong nag lalakad habang wala sa sariling pinag lalaruan ang mga daliri dahil sa kaba. 


'Bakit ba sila nakatingin!'


Sa pag lapit ko sa aking upuan ay awtomatikong yumuko ang mag-asawa, tila nag bibigay galang sa akin. Ngumiti sila sa akin matapos ng kanilag kortesia. 


Sa gulat at taranta, ginaya ko ang ginawa nila. Nakakahiyang sila pa talaga ang nagbibigay galang! Ako ang bisita rito!


Sa kalagitnaan ng aking pag yuko ay may kamay na humawak sa aking baywang. 


"What do you think you're doing?" he said with amusement.


Nanlaki ang mata ko sa gulat at sa pagkakalito. Ano ba? Ano ba ang gagawin ko!? May script ba? Hindi ko nabasa kung ganoon!


"A-ahm nag bibigay galang sa mga m-magulang mo?" nahihiya kong sagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VI: Wish MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon