Pauwi na sa bahay nila si Ashley at laman ng isip niya ang sinabi nung tito ni Beth sa San Miguel. Galing kasi siya sa sa lugar ng San Miguel kung saan hinatid niya si Beth, ang kaibigan ng kapatid niyang si Ella. Nag punta kasi ito sa bahay nila kanina dahil may tinapos na school works kaya nag represinta na rin siyang ihatid ito pauwi sa kanila dahil gabi na rin at baka ano pang mangyari sa bata.
"Mag-ingat ka pauwi miss baka may makasalubong ka sa daan na nakakatakot." natatawang sabi ng Tito ni Beth na nag-ngangalang Arman.
"Ho? Anong ibig niyo pong sabihin?" nagtatakang tanong niya.
"Bali-balita kasi na may serial killer ang nakarating dito sa lugar ng San Miguel. Nung una di kapanipaniwala pero sunod-sunod kasi ang mga balita nito sa tv maging sa radyo at may nag sasabi na totoo nga daw ang serial killer na ito." naiiling na sabi ni Arman.
"Baka naman pinaglalaruan lang po tayo ng mga yun." natatawang sabi ni Ashley.
"Sana nga kaso hindi eh, kanina bago kumagat ang dilim may bagong biktima ulit." seryosong sabi ni Arman at tinitigan ng mariin si Ashley.
Natigilan si Ashley at kunot noong tinignan si Arman nang maramdaman niyang may kakaiba sa sinabi nito, biglang lumabas si Beth at lumapit sa kanila, "Ate Ash, maraming salamat po uli sa pag hatid sakin dito." napalingon naman siya nito nakangiti ito sa kanya at lumingon sa tito nito at tumingin ulit sa kanya, "Huwag niyo pong pansinin ang mga sinasabi ni Tito Arman, sadyang ganyan lang po talaga siya pag lasing kung anu-anong sinasabi."
Umiling-iling si Ashley at inalis sa isip niya ang sinabi nung Arman.
Jusko wag naman sana matatakutin pa naman ako.
Biglang tumigil ang sasakyan niya sa gitna ng daan saktong palabas na sana ng San Miguel. Nasa gilid ng highway ito at kokonti lang ang mga sasakyan dumadaan dahil gabi na. Inis siyang napabuga ng hangin at lumabas. Binuksan niya ang hood ng kotse at napaubo siya, "Oh my god" bulaslas niya nang malanghap niya ang amoy ng gasolina.
"Shit naman bat ngayon pa tumirik kung kailan papauwi na ako eh!" inis na sigaw nito. Pumasok siya sa kotse, iniwan niyang nakabukas ang hood maging ang pinto. Kinuha niya ang cellphone niya at nag dial ng numero.
Dialing...
Dad
Ring lang ito ng ring at hindi sinasagot ang tawag kaya naman inis na binaba niya ito. Nanalangin siya na sana ay may dumating para tulungan siya.Lumabas siya ng sasakyan at nag tungo sa likod para buksan ang compartment ngunit natigilan siya nang may nakita siyang taong nakatayo sa di kalayuan. Hindi niya mawari kung babae ba ito o lalake dahil hindi niya makita ang mukha.
Madilim ang parteng kinatatayuan nito at siya lang natapatan ng ilaw kaya nahihirapan siyang alamin kung ano ba ang kasarian nito.
Baka matulungan niya ako..
Nagkaroon siya ng konting pag-asa na baka sakaling matulungan siya nito. Kaya walang pag da-dalawang isip itong naglakad sa kinaroroonan nito kung saan nakatayo lamang ito.
Natigilan siya sa paglakad nang biglang umihip ang malakas na hangin, tinangay ang mahaba niyang buhok. Napatingala siya nang maramdaman niyang may tumulo sa ulo niya iyon pala ay umaambon na. Saka lang niya napansin na malapit pala sa gubat ang highway ng San Miguel.
Walang katao tao ang lugar kaya di niya maiwasang kabahan pero sa mga oras na ito ay kampante na siya dahil may pag-hihingian na siya ng tulong at iyon ang taong nakatayo ng ilang pulgada sa kanya, malapit sa naglalakihang puno.
BINABASA MO ANG
DALI MASK
Tajemnica / ThrillerYOU BETTER WATCH OUT YOU BETTER NOT CRY BECAUSE DALI MASK FACE IS COMING TO TOWN Started: 6/6/2023 Ended: