Georgia's Point of View
Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin bitbit ang pala at timba na may laman na kaunting putik. Galing ako sa labas nag tatanim ng halaman.
Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa pagtatanim, mga iba't-ibang uri ng bulaklak, prutas, at gulay. Noon pa man ay palagi ko nang kasama si Mama sa pagtatanim, nakita ko ang pagpursige niya sa pag-aalaga ng mga halaman kaya naman nagustuhan ko ding gawin ang ginagawa niya kaya nagpaturo ako kung paano gawin ang mga ito.
Hanggang sa lumaki na ako at patuloy na ginagawa ang pagsasatanim ng mga halaman sa bakuran namin.
Ang bakuran namin ay hindi gaanong kalakihan pero madami kaming naitanim na halaman, bulaklak at prutas. Noon iyon, ngunit nang dumating ang bagyo nung nakaraang desyembre ay malaki ang damage nito.
Kaya naman ngayon ay patuloy kong isiniaayos ang mga ito, nagtanim ng panibagong bulaklak, prutas at mga gulay para mabuhay ulit ang bakuran namin kung ano ang dating itsura ay dapat ganon pa rin ito ngayon kaya pursigido akong ayusin muli ito.
Nilapag ko muna sa sahig ang pala at timba at umupo sa sofa. Pagod na pagod kong sinandal ang ulo sa headrest ng sofa at napabuntong hininga.
Mahigit isang oras din ang inilaan ko sa pagsasaayos ng bakuran namin at oo ako lang mag-isa dahil may lakad sila Mama at Papa, nag puntang San Miguel dahil may sagala na nagaganap.
Balak pa nga nila Mama na ako ang pasalihin pero tumanggi ako dahil may trinabaho ako dito sa bakuran saka isa pa hindi ako mahilig sa mga sagala sagala. Naintindihan naman iyon nila Mama kaya naman ang pinsan kong si Zen nalang ang pinasali. Tawang tawa pa nga ako dahil hindi din iyon mahilig sa mga ganitong celebrasyon pero wala siyang nagawa at pumayag dahil hindi din niya naman mahindian sila mama kaya malaki ang ngiti nila pagkaalis.
Kaya ngayon ako muna mag isa dito sa bahay, wala namang problema sakin kasi may araw pa.
Napamulat ako mula sa pagkapikit at sinulyapan ang wall clock, mag e-eleven na pala.
Tumayo ako at kinuha ang pala at timba. Naglakad ako papuntang basement, madadaan muna ang mga kwarto namin bago makarating aa basement at weird man pero dito talaga ang basement. Lumiko ako pa kanan at binuksan ang pintuan ng basement.
Pagbukas ko ay madilim pa kaya naman ay hinawakan ko ang lubid na nakasabit at hinila pababa. Bumukas ang ilaw at tuluyan akong bumaba sa hagdan.
Pagbaba ko pa ay hindi ko maiwasang kilabutan ng konti dahil tumutunog pa ang hagdan sa tuwing bababa ako.
Nang makababa ay isiniayos ko ang pala at timba at inilagay sa lalagyanan. Paalis na sana ako pero napansin ko di pa pala nalinis yung timba kaya naman kinuha ko ulit ito sa lalagyanan.
May faucet naman dito para linis kaya di na ako mahihirapan. Binuksan ko ang faucet at inumpisahang linisin ang timbang may putik.
Habang nililinisan ay may nadinig akong kalabog sa taas. Natigilan ako at sinilip ang daan pataas. Napailing ako nang maalalang si Reik lang iyon na naglalaro.
Nang matapos ay agad ko na itong niligpit at nagpunas ng kamay. Umakyat na ako at pinatay ang ilaw ng basement.
Pagkalabas ay nadatnan ko si Reik na may kagat kagat na tsinelas.
"Naku reik!" nagmamadali akong lumapit dito at binuhat. Tumahol naman ito at dinilaan ang pisnge ko.
"Wag mo na ulitin iyon ha kundi sa labas ka talaga matutulog" sermon ko dito at tumahol lang ito.
Naglakad ako papunta sa sofa at umupo, nilaro laro ko muna si Reik at nang magsawa ay nilapag ko na ito. Tumakbo naman ito papuntang kwarto, sa tingin ko dun na naman iyon mag lalaro.
Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv. Pagbukas ay tumambad sa akin ang kagimbal gimbal na balita na nag dala ng kilabot saking katawan.
"Nagbabagang balita: Suspek umano sa pagpatay ng mahigit 20 ka tao sa bayan ng San Miguel ay natagpuan na!"
Naintriga ako bigla sa nangyari kaya tutok na tutok ako sa balita.
Alam ko ang incidenteng nangyari sa bayan ng San Miguel, madaming namatay. Ngunit hindi ko alam kung ano ang dahil pero sa balitang ito ay napagtanto ko ang nangyari!
"Kinilalang si Arman Lopez ang suspek sa pagpatay dito sa San Miguel. Ayon sa pulisya, isinigawa nila ang imbistigasyon nung Sabado may nakapagreport sa kanila ukol sa nangyari at sinasabing si Arman Lopez ang suspek sa patayan na naganap sa bayan."
"Pinuntahan ng mga polisya ang bahay ni Arman Lopez na sa bayan lang din ng San Miguel. Isinigawa nila ang imbistigasyon at may nakita silang mga patalim, ang iba pa nito ay may bakas pa na sariwang dugo na animo'y bago lang nasagawa ang pagpatay."
Napakunot ang noo ko sa nalaman, Arman Lopez? Hindi ako pamilyar sa pangalan ngunit sa mga binalita ngayon ay parang kinilabutan na ako.
Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa center table at sinagot ang tawag na hindi tinignan kung sino ang caller dahil nasa tv ang atensyon ko.
"Hello?" sagot ko
Kumunot ang noo ko nang wala akong nadinig na sagot, tinignan ko muna kung sino ang caller ngunit unregistered number lang ito. Napailing nalang ako, baka nantitrip lang ito at nagaaksaya ng oras.
Ibaba ko na sana ang tawag nang madinig ko ang paghinga nito, na para bang may humahabol sa kanya.
"Hello? Sino ho ito?"
Mas lalong kumunot ang noo ko nang may narinig akong bumagsak.
"Hello? Hindi ka ba sasag-"
"T-tulong! Tulungan mo ko!"
"Ano? Teka, sino ka?"
"Tulong! M-may humahabol sakin!"
Bakas sa boses nito ang takot at kaba, "Alam mo, kung wala kang magawa sa buhay itigil mo to. Hindi nakakatawa." inis kong tugon.
Ibaba ko na sana ang tawag nang magsalita ito ulit, "H-hindi, Georgia ako to si Job t-tulungan mo ko! Paparating na siya! P-papatayin niya ako!" nang madinig ko ang boses niya ay napatayo ako bigla.
"Job!? Ano bang nangyari hindi kita maintindihan! Nasan ka ba?" kulang nalang ay mataranta ako kakatanong.
"N-nasa bahay! Tulungan mo ko! Parang awa mo na--acckk" huli kong narinig bago namatay ang linya.
"What the hell is happening to him?" naisabi ko
Tumingin ako sa wall clock at alas dose na. Tumayo ako at kinuha ang cellphone at susi sa kotse.
Pupuntahan ko si Job para alamin kung ano bang nangyari sa kanya at kung bakit ganon ang mga pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
DALI MASK
Misteri / ThrillerYOU BETTER WATCH OUT YOU BETTER NOT CRY BECAUSE DALI MASK FACE IS COMING TO TOWN Started: 6/6/2023 Ended: