Kabanata 2

0 0 0
                                        

Georgia's Point of View

Magkababata kami ni Job, nagkakilala kami sa isang birthday party ng kaklase namin nung 10 taong gulang pa lang kami. Isa siyang makulit at mapaglaro na bata, isa sa katangian na hindi ko nagustuhan noon pa man dahil nasakaihan ko kung paano siya nambubully ng mga kaklase namin. Hanggang sa nag high school kami wala pa ring pinagbago ito at umabot pa nga sa punto na naireport na ito sa principal namin at kamuntikan pang ma drop out dahil sa mga kagagawan nito. Ngunit kahit ganon ay alam ko namang mabait ito tinatamaan lang talaga ng saltik.

4th year college na kami ngayon at nag-aaral sa San Lorenzo Colleges dito sa bayan namin, ang bayan ng San Diego. Magkaiba kami ng kursong kinuha, Information Technology kinuha ko habang siya naman ay Hospitality Management.

Habang nag mamaneho papuntang San Francisco, kung saan siya nakatira ay bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa dashboard at pinindot ang answer button.

Caller...

Mama

Tinapat ko sa tainga ang cellphone, "Hello po ma?" bungad ko

"Nak? Nasaan ka? Kakauwi lang namin may dala kaming pagkain."

"Ah, umalis po ako ma. May pupuntahan lang sa San Francisco, uuwi ako agad." sabi ko

"Oh ganon ba? Baka may madaan kang Convenience Store nak, may papabili sana kami ng Papa mo. Hindi na kami nakadaan kanina dahil traffic." 

"Sige po ma, ano iyon? Teka ililista ko nalang para di ko makalimutan." binuksan ko ang drawer at kinapa kapa ang ballpen at papel.

May nahawakan akong papel kaya kinuha ko ito kaso may nahulog na ballpen kaya umusog ako ng kaunti para abutin ito.

Nasa daan ang tingin ko at medyo nahirapan pa sa pag-abot ng ballpen kaya madalian ko itong sinulyapan muna.

Mabilis ko itong kinuha at bumalik sa maayos na pwesto nang laking gulat ko nalang na may sasakyan ang nakasalubong ko na muntik ko nang mabunggo.

Malakas itong bumusina at buti nalang mabilis akong nakaiwas rito. Kinabahan ako ng konti at napabuga ng hangin.

"Muntikan na yun." bulong ko

"Anak!? Ano bang nangyari? Mag-ingat ka nga!" dinig kong sabi ni Mama sa kabilang linya

"May nakasalubong lang po, muntikan na. Ano nga po pala yung ipapabili niyo ni Papa?" tanong ko kay Mama.

Nang sinabi niya ang ipapabili niya ay agad ko itong inilista. Agad siyang nagpaalam dahil magbibihis pa daw ito.

Binaba ko ang tawag dahil nakarating na ako sa San Francisco..kung saan nakatira si Job. Nang makarating sa bahay nila ay agad akong bumusina ng dalawang beses bago bumaba. Nagtaka pa nga ako dahil walang taong lumabas usually kasi nasa labas sila Tita Grace at Tito Ran, mga magulang ni Job.

Binusina ko ulit ang sasakyan ko ng dalawang beses at sinarado ang bintana. Naglakad ako papasok sa malaking pintuan ng bahay nila.

Isang malaking bahay ang nasa harapan ko ngayon, mayaman sila Job at may mga negosyo ang kanyang pamilya. Dalawa silang magkakapatid at siya ang bunso, yung eldest ay babae nag tatrabaho abroad habang siya naman ay kasalukuyang nag-aaral.

Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses.

Ding dong!
Ding dong!

Ilang segundo ay may narinig akong kaluskos malapit sa kinaroroonan ko. Lumingon-lingon ako pero mga kahoy lang ang nakapaligid dito. Sumulyap ako sa wrist watch ko at alas dos na pala ng hapon.

May narinig ulit akong kaluskos kaya lumingon lingon ako nang biglang may pusang tumakbo sa kinaroroonan ko. Hindi ko iyon inasahan at muntik pa akong matumba kung di lang ako napahawak sa pinto.

Laking gulat ko nalang nang biglang bumukas ang pinto. Hindi pala ito naka lock.

Pagbukas ng pinto ay tumambad sakin ang maliwanag na sala nila.

"Hindi naman siguro ako malalagot pag pumasok nalang ako ng basta basta." bulong ko at pumasok sa loob.

Walang katao tao kaya naman napag-desisyonan kong sumigaw.

"TAO PO!?" umaalingaw-ngaw ang boses ko sa buong bahay nila.

"TAO PO!? JOB!? NASAAN KA?" sobrang tahimik kaya naglakad lakad ako para hanapin si Job baka kasi may ginagawa lang.

Nakarating ako sa dining area nila at may nakita pa akong pagkain na nakasalang sa cooking pan. Napa-'tsk' ako at pinatay ang kalan baka ito ang rason para masunog tong mamahaling bahay nila.

"Nasan na ba yun? Tsk" napalingon ako sa CR nila nang may madinig akong parang dumadaing.

Napataas ang kilay ko at napailing. Hindi ko maintindihan itong trip ni Job at sa CR pa talagang naisipan mag tago. Sana naman galingan niya pa iyong tipong bibigay ako kakahanap.

Mabibigat na hakbang kong tinungo ang CR at hinawakan ang door knob at malakas na hinila para buksan.

"WAAH!! SABI NA NGA BA DIYAN KA---" natigilan ako at nanlaki ang matang napatitig sa taong nasa harapan ko ngayon.

Napasigaw ako sa gulat at ganon na lang ang gulat ko nang maramdaman ang matulis na bagay ang bumaon sa sikmura ko. Bumagsak ako sa sahig at sinapo ito, umagos ang dugo pababa sa paa ko.

Nanlalaki ang matang napatingin ako sa taong ito, may suot na maskara sa mukha. Kinilabutan ako sa itsura nito at napasigaw.

Pagtingin ko sa gilid ng banyo ay andun si Job, naka sandal sa may paanan ng bath tub may saksak sa leeg at nakamulat ang matang nakatingin sa akin.

Mas lalo akong kinilabutan at binalik ang tingin sa taong nasa harapan ko na pala. Sinapak ko ito dahil sa gulat at pinagsisipa, nabitawan pa nito ang hawak na patalim kaya daling-dali ko itong hinablot ngunit di ko pa ito nahawakan ay napahawak ako sa buhok ko dahil sa lakas ng pwersa ng hawak nito.

Napasigaw ko nang sinabunutan ako nito at inuntog sa babasaging lamesa dahilan kung bakit nasira at nagkalat ang mga pagkain.

Nahilo ako at bumagsak sa sahig, nakita ko itong naglakad para kunin ang patalim. Pagkakuha ay lumapit ito sa akin at tinapat ang patalim sa leeg ko.

Takot na takot ko itong tinignan at napasigaw nang maramdaman ko ang dulo ng parte nito ang pagbaon sa leeg ko.

*Slash!*

"ACCCKKK" naramdaman ko ang malakas na pwersa nito sa pag gitil sa leeg ko at naramdaman ang pag agos ng dugo sa leeg ko papunta sa dibdib ko.

Tuluyan akong nanghina at nilamon na ako ng kadiliman. Ngunit bago ako nilamon ng kadiliman ay nakita ko ang pag-alis sa suot nitong maskara. Kusang tumulo ang luha ko nang makita ang itsura nito at tuluyang nilamon na ako ng kadiliman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DALI MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon