Habang hinintay nilang lahat sina Warren at Cielo sa Airport.Nakita nila si Kareen na sinalubong ang matandang asawa nito.Lantaran pa ang PDA nito.
"Ewww pumapatol pala si Kareen sa matanda.?Pero infairness mayaman may mga bodyguards pang kasama."bulalas ni Venice at kinikilabutan sa nakikita.
"Mas ok iyon kesa maging stalker siya habang buhay ni Waylen ko."nakayakap naman si Casmier sa braso ni Waylen.Moody siya at sobrang pasensyoso naman nito.Mas pasensyoso pa ito ngayon kesa noon.
"Ano Tito iyan ni James malayong Kaanak na nga lang.Byudo iyan I wonder na gusto ba ng mga anak ng Tito mo iyang bagong asawa niya."bitbit naman nina Candice at James ang tatlong mga anak.
"I dont think so.Kasing edad lang iyang Kareen sa bunso niyang anak.Lima na ang anak niya ikaanim iyang pinagbubuntis ni Kareen.Babaero iyan siguro anak lang habol ni Tito kay Kareen.Sure ako lalake ang baby nila.Puro babae kasi lahat niyang anak.At puro maldita di ko alam kung nakilala na ng babae na iyan mga anak ni Tito.Nakakahiya man pero buhay nila iyan.Wala akong pakialam naman."kwento pa ni James.
"Ate Cielo,Warren.!"biglang sigaw at kaway ni Casmier dahil paparating na ang dalawang hinihintay nila kanina pa.Parang tuwang tuwa pa si baby Caylen din.
"My baby I miss you."kukunin sana ni Warren anak niya pero inisnab siya.Si Cielo ang nilapitan.
"Ako second Mommy niya kaya ako gusto niya.Bleeeh Warren inisnab ka ng anak mo."tawang tawa si Cielo dahil napakamot sa ulo si Warren.
"Kumusta mga pare namiss nyo ba ako."niyakap ni Warren isa isa ang mga lalake.Kay dami nilang pasalubong lalo na sa mga bata.
"So pare buti may Lovelife ka na.Congrats pare ha."natutuwa si Waylen isa na sa kanila si Warren may asawa na rin.
"Cielo seduce me hinubaran niya ako pare kasi while nalasing kami pareho."biro pa ni Warren.
"Thanks Camile binasura mo si Warren.Kaya pinulot ko pwede pang papakin."maligalig si Cielo pero matinik na abogada ito.
"Nga pala Cielo ang asawa ko si Venice."pagpapakilala ni Troy sa misis niya na nahihiya pa.
"Kay ganda pala niya mas maganda pa siya ni Candice.Kaya pala pinag aagawan siya ng dalawang lalake."puri pa ni Cielo habang kinakabit ni Casmier sa kanya ang baby carrier ni Caylen.Medyo mabigat na kasi ito dahil panay pakain ni Waylen sa anak nila ng kung anu ano.Tsaka na daw ito magdiet mas cute daw ang tabachingching na baby.
"Di naman po ate Cielo."nakangiting ani ni Venice.
"Wag ka ng mahiya sa akin.Jologs ako Venice ito lang dalawa ang maarte naman.Simula ngayon parte ka na sa clan namin."winewelcome ni Cielo si Venice bilang pamilya nila.Pamilya kasi turingan nila walang iwanan kumbaga.
Kaya nga kay dami nilang dumalo sa panig ni Venice at Troy.Si Waylen sinadya wag dumalo sa hiring na iyon.Susundin niya ang payo ng parents niya wag makialam dahil kaibigan niya si Gary mismo.
"So Casmier talagang nangunguna ka na kalabin ninyo si Gary ano.?"Paepal si Cassey at Kareen doon.Wala namang kinalaman sa kaso na iyon.Kunwari dinadamayan nila si Gary.
"Cassey kilala kita ayaw mo din sa anak ko.Hoy Gary kung if ever na makuha mo si Caleb.Ipaalaga mo sa bruha na ito.?As if gusto ni Cassey alagaan ang anak ko."galit na ani ni Venice sa ex bf niya.
"Ayaw mong bumalik sa akin.Kaya napipilitan akong gawin ito Venice."seryosong ani ni Gary.
"Titingnan lang natin kung sino papanigan ng judge.!"matapang na ani ni Venice.
Nagsimula ang hiring unang magtatanong ang atty. ni Gary kay Venice.
"Pwede mo bang isalaysay sa hukuman na ito ang simula ninyo ni Gary dela Paz.?"pasiunang tanong ng atty. sa kabilang panig.
"Nagkaroon kami ng relasyon nong college kami.Dahil na rin kina Waylen at Casmier.Si Casmier bff ko at si Waylen naman bff ni Gary.Pinangakuan niya ako na maging masaya daw ako blah blah.Pero ng pinakilala ako niya sa parents niya.Doon na nagsimula ang kalbaryo ko.Di nila ako gusto dahil so so lang daw status namin sa buhay.Sinabi ko sa kanya na di ako gusto ng parents niya.Ang sabi niya dapat maimpress ko daw sila."kwento ni Venice.
"Diba ganun naman ang dapat gawin mo para magustuhan ka ng magulang ni Mr.dela Paz.?"parang sarkastiko pa ang atty. ni Gary.
"Objection your honor lalake kayo kaya feeling ninyo obligado ang mga babae na maging alipin sa mga inlaws.!"pagtatanggol ni Cielo kay Venice agad.
"Thats below the belt atty.Santos.The story must go on.!"sabi ng judge syempre titimbangin nito ang sitwasyon.
"Ok Mrs.Venice nong mabuntis ka ba pinaalam mo ba kay Mr.Gary ang sitwasyon mo.?"tanong uli ng atty.
"Kasama ko si Casmier nagpunta sa bahay nila mismo.Wala doon si Gary may bussiness trip daw.Tapos inalok nila ako ng 3 million kapalit paglayo ko kay Gary mismo.Pinunit iyon ni Casmier sa harapan nila.At simula noon nakakatanggap na ako ng mga harsh na message.Galing sa kanila at dinadamay nila pa magulang ko.Tinanggal nila sa trabaho si Papa.Napipilitan lumipat siya sa ibang company.At ang masaklap noon pinapadalhan ako ni Cassey mismo ng death rate.Nandito po ang mga ebedensya po your honor.May video pa kami ni Casmier incase maipablotter namin sila.Inipon ko ang mga text message nila sa akin po."makapal ang ibedensyang hawak ni Venice.
"D-di iyan totoo gawa gawa lang nila iyan."namutla si Cassey dahil ilang beses niyang pinadalhan si Venice ng death rate.
Napagulgol naman si Gary sa nakikita niyang iyon.
"Your honor igive up ko na ang costudy ng anak namin.!"biglang sumuko si Gary grabe pala ang napagdaanan ni Venice sa parents niya at kay Cassey mismo.
"Krimen ang ginagawa nila Mr.Gary.Isusuko mo ba ang costudy para maabswelto sila sa kaso naisampa namin sa kanila.?"taas kilay na tanong ni Cielo sumuko agad pala si Gary.
"Nope wala na din akong pakialam sa kanila.Venice I'm sorry dinamay ko pa si Casmier.Gayong parents ko talaga ang may problema.Sana balang araw mapatawad mo ako."yon lang at lumabas sa court room si Gary.Sobrang wala na siyang lakas para mabuhay pa.Dali dali siyang sumakay ng kotse.Pero mabilis na sumakay din si Waylen.Nasa labas lang pala siya.Incase na matalo si Gary sa hiring.Dadamayan niya ito.
"Waylen bumaba ka gusto ko ng magpakamatay."kay bilis ng paandar ni Gary sa kotse nito.
"Pare kung tatalikuran ka man ng buong mundo dadamayan kita sa huli.Maghunusdili ka Gary itigil mo itong kotse."pilit na inaagaw ni Waylen ang manebela.
"Wala ng saysay ang buhay ko Waylen.Kaya bumaba ka sabi.!"binuksan ni Gary ang kotse nagdilim ang paningin niya naitulak niya si Waylen at nagagip ito ng sasakyan sa kabilang lane.Natauhan siya bigla at tinigil niya ang kotse.Kitang kita niyang Duguan na ang ulo ni Waylen nakahandusay sa gitna ng highway.
"Tulong tulungan niyo ako.Waylen di ko sinasadya pare.Lumaban ka alang alang sa mag ina mo.!"hiyaw ni Gary habang kanlong ang kaibigan.
Nang malaman nila Casmier ang nangyari kay Waylen.Nahimatay siya bigla.Grabe ang natamo nito.Napuruhan ang ulo ni Waylen mismo.
"Patawarin ninyo ako Tita at Tito.Pinipigilan ako ni Waylen wag magsuicide.Pero tinutulak ko siya habang umaandar ang kotse sa high way."hagulgol ni Gary at lumuhod sa paanan ng parents ni Waylen.
"Waylen risk his life for you Gary.You not even deserve to die.!Wiston mabubuhay ang anak ko diba.?"impit na iyak ni Willa sisihin man nila si Gary nangyari na ang aksidente.
"You should cherish your life from now on Gary.Kahit gusto kitang bugbugin ngayon.Alam ko di gugustuhin iyon ni Waylen.Willa magdasal tayo walang imposible sa Dyos."nag iisa nila Wiston na anak si Waylen.Kaya sobrang apektado sila pag nasaktan or naaksidente lang ito.
"Balae may himala nabuhay nga si Casmier namin diba.?Di pababayaan ng Dyos si Waylen."may hawak hawak na maliit na Rosaryo ang Mommy ni Casmier.Buntis ang anak nila kaya pati ito delikado ang lagay.
Samantalang sinisi nina Troy at Venice mga sarili nila.Talagang nadadamay ang mag asawang Waylen at Casmier sa paglalaban nila ng costudy.
"Walang may kasalanan kundi mapaglaro talaga ang tadhana.Ang mabuting gawin natin ay magdasal ngayon."sabi ni Cielo na karga karga si Caylen na nakatulog sa kakaiyak.Siguro ramdam nito ang nangyayari sa parents nito.
Nanalangin silang lahat na maging ok si Waylen.Walang imposible sa maykapal ika nga.