PART 1: WHAT HAPPENED?

265 27 3
                                    

GELO'S POV

"Pagpasensyahan mo na ang nanay at tatay mo, anak. Hindi namin ito ginusto, pero kailangan."

Napayuko na lamang ako dahil sa pinaghalong dismaya at lungkot kapag naaalala ko ang mga salitang iyon galing sa aking mga magulang. Siguro nga hindi talaga kasalanan ng aking ama ang nangyaring aksidente, pero dahil mahirap kami, ano nga ba naman ang laban namin sa isang mayamang pamilya.

Sa huli, kahit kami ang tunay na biktima, kami pa rin ang talunan.

Isang normal na taxi driver lamang ang aking ama, hindi pa amin ang kotseng kanyang ipinapasada.

Gabi noon, tandang-tanda ko pa nang makita ko ang balisa at hindi mapakaling kilos niya nang makapasok sa pintuan. Halatang may nangyari dahil bakas sa kanyang mata ang takot, pero kahit ganun ay wala siyang nabanggit kahit kaunti sa amin.

"Hijo, itingala mo nang kaunti ang mukha mo," saad pa ng babaeng make up artist.

Sinunod ko naman ang kanyang utos kaya tuluyan nang nawala sa aking isipan ang pagbabaliktanaw na nangyari at napabalik sa katotohanan ang aking ulirat.

Nasaan nga ba ako ngayon at bakit maraming mga kababaihan ang nakapalibot sa akin para ayusin ang aking itsura. Daig ko pa ang isang prinsipe na pinagsisilbihan, o baka naman isang alay na walang kalaban-laban.

Kahit labag sa aking kalooban ang mga nangyayari ay wala naman kaming ibang pagpipilian. Bata pa ang aking mga kapatid at simpleng labandera lamang ang aking ina. Hindi rin namin kaya ang tuition sa college kaya bilang panganay at kuya ng lahat mas pinili ko ang dapat.

Tumutulong na lamang ako sa aking mga magulang sa pagtatrabaho, pero kahit gaano kahirap ang aming buhay, patuloy pa rin kaming lumalaban. Ngunit minsan talaga kahit gaano ka na kalugmok sa buhay, may darating na pagkakataon na parang gusto mo nang sumuko.

Tulad na lamang ngayon.

"Ayan! Ang ganda--- ibigsabihin ko ay ang gwapo mo talaga hijo!"

"Tama, bagay na bagay sayo," masaya at magiliw na saad pa nila, habang hinahaplos ang mamahalin at eleganteng tuxedo na aking suot.

Puti ito, dapat lang para sa isang kasal.

Nagumiti na lang ako nang tipid at pilit na sinikmura ang kanilang mga papuri.

Isa akong lalaki, halata naman sa aking mukha at sa kaunting muscle na nakuha ko sa matinding pagtatrabaho bilang kargador sa palengke. Pero, hindi ko rin maipagkakaila na may mga nagsasabing maamo nga daw ang aking mukha, medyo may kaputian din ang aking balat kahit hindi ito makinis.

"Salamat po," magalang, pero walang emosyon kong tugon sa kanila.

Ngumiti lamang naman ang lahat, maya-maya pa ay may dumating na lalaki at ginabayan ako patungo sa isang puting limousine bilang bridal car. Halos mapasipol ako nang makita ang maganda at makintab nitong pintura.

'Iba talaga ang mayayaman, kaya nilang bilhin at gawin lahat dahil sa kanilang pera, kaya nga napilit nila ang aking pamilya na ipakasal ako sa taong hindi ko naman kilala. Basta ang alam ko lamang ay lalaki rin ang mapapangasawa ko,' saad ko pa sa aking isipan, habang pasakay sa bridal car.

At isipin pa lang ang bagay na iyon ay may kakaibang kilabot na akong naramdaman.

Habang tahimik na nakatanaw sa bintana ng sasakyan ay muli kong naalala ang ilang pangyayari nitong nakaraang linggo lamang.

Dahil sa mga chismosa sa aming lugar, mabilis pa sa alas kwatro ang pagkalat ng balita.

Naging tampulan ng tukso ang aming pamilya. May nagsabi na baka daw sa isang manyak at matandang lalaki ako ipapakasal at may espikulasyon rin na baka daw sa patay gaya ng pelikula ni Kim chui noon.

Daig pa namin ang mga clown na kapag nakikita nila ay bigla na lamang silang napapatawa. Pati yung mga tambay sa kanto, ang tawag na sa akin ay bakla dahil daw lalaki ang pakakasalan ko. Hindi naman ako bakla lalong-lalo na at hindi rin ako baliw para patulan sila kaya hindi na lang ako umiimik. Bahala silang isipin ang gusto nilang isipin.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakaupo sa loob ng magarang kotse na ito. May hawak din akong isang bouquet ng bulaklak. Habang nakasilip sa bintana ng sasakyan ay muling nagbalik sa aking isipan ang nangyari nang gabing iyon.

"Nakabangga ka Greg!? At isang mamahaling sasakyan pa!"

Tumango lamang ang walang kalaban-laban kong ama matapos marinig ang hindi makapaniwalang boses ng aking nanay.

'Hindi lang basta kotse ang nabangga ng ama ko kung hindi isang mamahaling kotse na nagkakahalaga ng milyon, pero ang mas ikinababahala ko ay hindi lamang isang gasgas ang natamo ng kotseng iyon mula sa aming taxi.' Naiyuko ko na lamang ang aking ulo dahil sa bigat ng kalooban na aking nararamdaman.

Kung yung gasgas nga baka nagkakahalaga na ng ilang libo. Paano pa kaya kung halos matanggal ang bumper nito dahil sa malakas na pagkakasabit? Wala naman nasugatan o nasaktan sa nangyaring aksidente. Sa totoo nga niyan ay hindi kasalanan ng aking ama ang lahat.

Ayon sa kwento ni tatay, maayos at nagdadahan-dahan siya sa pagmamaneho sapagkat umuulan nga, nang bigla na lamang may mabilis na kotseng biglang sumulpot sa kanyang tagiliran. Naiwasan nitong mabangga ang taxi, pero sumabit ang bumper nito sa unahan ng taxi kaya naman malaki talaga ang naging sira sa parehas na kotse.

Kaya pala ginabi ang uwi ni tatay sapagkat nang galing sila sa police station. Kasamaang palad, walang CCTV sa nasabing lugar.

Itsura pa lang at tindig ng lalaking may ari ng kotse ay sumisigaw na ito ng pera at kayamanan kaya naman sa huli kahit gaanong paliwanag ng aking ama. Bulag at bingi ang mga pulis.

"Paano tayo niyan Greg!? Hindi natin kayang magbayad ng Milyon. Saan tayo kukuha?" umiiyak na saad ng aking ina.

"Ayun na nga ang problema, pero hindi naman nila ako kinasuhan kapalit ng isang kondisyon," bulong pa ni tatay.

Kahit ako'y napatunghay din dahil sa kanyang pahayag.

"Anong kondisyon?"

Pansin kong napalunok ng ilang beses si tatay bago magsalita.







"Kailangan daw natin ipakasal ang panganay nating anak sa kanila."

🌈MARRIED TO WHO? [SHORT STORY]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon