GELO'S POV
"A-Anong ibigsabihin mo? At kanino ipapakasal?" natatarantang tanong ni nanay.
Ako naman ay nakaramdam ng kilabot at kaba, dahil din sa sobrang pagkabigla ay hindi na ako nakapag kumento pa.
"Hindi ko rin alam, Julie," tugon ni tatay sa aking ina.
"Iyon lamang ang sinabi niya pagkatapos ibigay sa akin ito," dugtong pa nito.
May ipinakitang calling card si tatay, dahil abala sa pagsabunot sa buhok si nanay dulot nang pamumublema. Ako na lang ang tumanggap sa nasabing papel.
'AXA CORPORATION AND TRADING' yun ang nakasulat. Talaga ngang mayaman ang na-argabyado namin. Sa likod ng kapirasong papel ay may nakasulat na date at lugar. Iyon lamang at wala na.
"Hindi na ako nakatanggi dahil ikukulong nila ako sa mismong oras na iyon kung hindi ako papayag," pagrarason pa ng aking ama.
Alam kong medyo makasarili ang pahayag na iyon, pero kahit sino naman ata ang nasa ganung sitwasyon ay pipiliin din ang sarili.
"Jusko Greg, hindi nga natin alam kung anong balak nila sa anak natin," nai-iyak na ani nanay.
Hindi na lamang nakapagsalita si tatay. Sa mga oras namang iyon ay parang na-blangko na ang aking utak. Makalipas ang ilang araw, nalalapit na ang date na nakalagay sa likod ng calling card. Kailangan na namin magdesisiyon.
Nang humarap ang aking mga magulang, ipinagpalagay ko na ang aking kalooban sapagkat alam ko na ang kanilang naging pasya.
"Sir, nandito na tayo."
Nagising ako dahil sa mahinang katok sa bintana at boses ng driver na nakasilip din pala sa akin mula doon. Tumango naman ako kaya binuksan na niya ang pintuan ng limousine na aking sinasakyan.
Paglabas ko pa lamang ay makikita na agad ang isang malaking mansion sa aming harapan. At mapapansin ang maraming kotseng narito.
'Jusko, marami atang bisitang nandito ngayon,' kinakabahang saad ko pa sa aking sarili, habang napapasilay sa paligid.
Kahit marami ang mga sasakyang nakaparada, wala naman akong nakikita kahit isang tao. 'Nasaan kaya sila?'
At saka ang tahimik pa dito, hindi kaya tunay na sa isang bangkay ako ipapakasal. 'Jusko wag naman sana.' napa-sign of the cross pa ako.
Dahil sa pagkatulala ay hindi ko agad napansin ang paglapit sa akin ng isang hindi katandaang babae. Kahit ma-edad na ay napakaganda pa rin niya siguro dahil mayaman.
"Hijo, salamat at narito ka na," maligayang aniya at inilagay sa aking ulo ang belong puti na kanyang hawak. Hindi na ako nakapagsalita nang mabilis niya akong hinawakan sa braso para isama kung saan.
Sumunod lang naman ako sa kanya habang napapaisip kung narito din ba ang aking mga magulang. Nung ihatid kasi nila ako sa salon kanina, bigla na lamang silang naglaho. Hindi na nga nagpaalam sa akin, inabanduna na ata ako.
"Saan po tayo pupunta?" lakas loob ko pang tanong sa babaeng humihila sa akin.
"Doon sa backyard, garden wedding kasi ang kasal nyo," nakangisi at parang kinikilig pang turan ng ale sa akin.
"A-Ah, ganun po ba," yun na lang ang nasabi ko.
'Woah, garden wedding nga,' isip-isip ko pa habang napapasilip sa aking bangs at belo na tumatabon sa aking mata at buong mukha. Maganda ang lugar at talagang napakaraming tao.
Nang makapasok kami sa venue, biglang bumungad ang aking mga magulang.
"Gelo!"
"Anak!"
"Nay, tay, salamat naman nandito kayo," saad ko pa, baka kasi bigla na lamang akong mahimatay dito dahil sa kaba at least nandito sila para magsugod sa akin sa ospital.
Niyakap naman nila ako, at hindi pa maitago ang luha sa mata ng aking ina at puno rin ng pag aalala ang ekspresyon ni tatay.
Kahit ganun ay tipid na nginitian ko sila upang mapalagay ang kanilang kalooban at di na mag alala pa.
"Okay lang po ako, magiging maayos din po ang lahat," saad ko na lamang.
Pero, halos mapangiwi ako nang bigla na lamang may matandang lalaki na sumulpot sa likod ng aking mga magulang. Ngiting-ngiti pa sa akin. Napalunok ako nang wala sa oras, ang aking nanay at tatay naman ay nagpaalam na sa akin, babalik na daw sila sa upuan.
Patago ko namang hinawakan ang laylayan ng damit ni nanay. Ayaw kong nagpaiwan sa matandang ito. Sa huli hindi ko rin sila napigilang umalis.
Parang mga edad 75 na ito, maputi ang buhok at medyo kuba na. May salamin din at may hawak na tungkod, ngunit kahit ganito na ang itsura niya, ramdam ko ang pagkakaiba ng estado nang pamumuhay niya kumpara sa akin.
"Hi, Gelo, nice finally meeting you," ani pa ng matandang lalaki, sa tingin ko ay may lahi rin siya. Kahit matanda na kasi ay gwapo pa rin.
"A-Ah, masaya rin po akong makilala kayo," magalang, pero hindi maipinta ang aking ekspresyon.
"Good to hear that, Come on, we need to go," aniya at humawak pa sa aking braso. Hindi ko alam ang nangyayari lalo na nang gabayan niya ako patungo sa altar.
Dahil sa kakaibang kahihiyan na aking nararamdaman mula sa pangyayaring ito at mga tingin ng lahat ng mga bisitang narito ay nagawa ko na lang na maipikit ang aking mata. Mabuti at hindi nila pansin dahil sa belong nakalagay sa mukha ko.
Kaya naman habang naglalakad at hanggang makarating sa altar ay wala pa rin akong nakikita. Hindi ko na alam ang nangyayari at parang di ko kayang tanggapin ang lahat.
'Tunay ba talaga? Ikakasal na talaga ako ngayon at sa matandang lalaki pa. Ano to 4 M's, Matandang Mayaman Madaling Mamatay?'
Mabilis lang ang naging kasal o talagang lumilipad lang talaga ang utak ko habang nakapikit kaya hindi ko na namalayan ang mga nangyari. Naramdaman ko na lamang na may nagtaas ng telang nasa mukha ko. 'Jusko ito na ata talaga.'
"Now you may kiss your husband," rinig ko pang ani ng pari, kaya napalinya ng tuwid ang aking labi at mas hinigpitan ang pagkakasara ng aking mata.
'Kailangan kong ihanda ang aking sarili, baka kapag naglapat ang labi namin ay mapasuka ako.'
Nagtaasan ang balahibo sa aking batok nang maramdaman ko ang paghawak sa magkabila kong braso ng lalaking pakakasalan ko. Maya-maya pa nga ay naramdaman ko na ang hininga niyang tumatama sa aking pisngi at palapit sa aking labi.
'Gelo! Kaya mo yan!' sigaw pa ng utak ko.
Nang maglapat nga ang aming labi ay medyo nagtaka ako. Ang pagkaka alam ko ay mas matangkad ako sa matandang lalaki na kasama ko kanina. Bakit parang bigla naman ata siyang tumangkad, kasi hinawakan niya ang baba ko para mahalikan ako.
Dahil sa pagtataka ay mabilis kong naimulat ang aking mata. Hindi ko na nga napansin ang masayang anunsyo ng pari tungkol sa pormal naming pag iisang dibdib.
Napataas ang aking kilay nang makita ang lalaking nasa aking harapan. Bukod sa bumata ito ng halos 50 years ay hindi naman ako tanga para hindi malaman na ibang tao na ang nasa harap ko ngayon.
"Sino ka?" naguguluhang bulong ko pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
🌈MARRIED TO WHO? [SHORT STORY]✔
Short StorySi Gelo, isang normal na binata. Galing sa hirap at napilitang ipakasal kapalit ng pagka abswelto ng kanyang ama sa kasalanang nagawa. Sino nga ba ang pakakasalan niya at ano ang magiging buhay niya kasama ang lalaking di niya kilala? Sa huli kaya a...