GELO'S POV
Habang maririnig sa paligid ang masaya at malakas na sigawan. Iba't ibang pagbati at masiglang pagdiriwang ang makikita sa buong lugar. Kung hindi siya lumapit para ibulong ang kanyang sasabihin siguradong hindi ko iyon maririnig dahil sa matinding ingay dito.
"Your husband."
Napalayo naman ako nang bahagya upang tingnan ng maayos ang kanyang itsura. "Ha? Tunay ba pre?"
Tumango siya ng kaunti bago lumapit ulit at bumulong. "Bakit sino ba ang inaakala mong pakakasalan mo ngayon?"
Hindi ko lang masabi na akala ko ay yung matandang sumalubong sa amin kanina. Napuno naman ng hiya ang aking dibdib. Jusko akala ko talaga ang matandang iyon ang magiging asawa ko. "H-Ha? Ano ---"
"Then let's go," saad niya at mabilis akong inakbayan.
▼△▼△▼△▼△
"Gwapo ba ako?"
"Asa ka naman," nakasimangot at napapailing na tugon ko bago humarap sa ibang dereksyon. Hindi lang ako makapaniwala na tulad niya ang mapapangasawa ko.
Bukod sa bata pa, mukhang hindi naman siya bakla, at napaka gwapo pa. Na nanaginip ba ako? Imposible kasi talaga. Sa itsura pa lang ng lalaking ito ay halata namang marami-rami na siyang napaiyak na babae dahil sa kanyang astig na tindig at pamatay na ngiti.
"Haha wag ka nang mahiya, normal lang yan honey. Na fall in love ka na ba sa akin?" pang aasar pa niya sabay hawak sa aking bewang.
"Gago ka ba? Tama na nga kasi," inis na saad ko naman at mabilis na tinanggal ang kamay niya. Napanguso lang naman ang siya sabay inom ng wine na nasa kanyang harapan.
Narito na kami sa reception, kung saan ay nasa loob lamang ng mansion. Napakarami pa ring tao, nandito rin ang aking mga magulang. Kita ko sila sa di kalayuan, nasa isang table kasama ang magulang ata nitong ulol kong napangasawa.
"Pre ka nang pre, hindi mo ba narinig ang pangalan ko kanina nung kinakasal tayo?"
'Ni hindi ko nga tanda kung paano ako nakapunta dito, yun pa ba maalala ko.' Pinigilan ko na lamang ang aking sarili na sabihin iyon sa kanya. Kahit chill lang kasi siya, hindi pa rin namin alam kung ano ba talaga ang balak nila sa akin at sa pamilya ko.
"Hindi," tipid kong sagot at hinarap na lamang ang mga platong puno ng pagkain na nasa tapat ko.
"Aray naman hon, di mo kilala ang asawa mo?" Nag inarte pa siya na kunwari ay nasaktan. Inip na tiningnan ko lang naman siya.
"Oo na, ako si Sebastien Martin Vettel, always remember your husband's name, okay?" may pagtaas-baba pa ang kilay niya ibinubulong na naman sa akin ang mga bagay na iyon.
Hindi ko rin alam bakit ba ang hilig niyang dumikit sa akin. Sa halip na mainis ay may bagay na pumasok sa aking isipan.
'Hm, edi Vettel na rin pala ang apelyido ko?'
"Yes, Mr. Angelo Vettel," sagot pa niya. Narinig ata niya ang ibinubulong ko.
"Pakiramdam ko biglang may umampon sa akin," makatotohanan ko namang saad sa kanya. Kahit gusto kong mainis at mag isip ng masama ay hindi ko magawa sapagkat wala naman akong nararamdamang masamang intensyon mula sa kanya. Napaka-laid back niyang tao.
Ngayon nga, sa halip na mailang sa kanya dahil sa naganap na kasal. Pakiramdam ko ay nagkaroon lamang ako ng bagong tropa. Hindi rin naman siguro nagkakalayo ang edad namin.
"Totoo yan, dahil mula naman ngayon ay dito ka na titira," kaswal na saad niya na tila ba ay parang normal na araw lang ang pagpapakasal sa hindi niya kilala at isa pang lalaki na tulad ko.
BINABASA MO ANG
🌈MARRIED TO WHO? [SHORT STORY]✔
Short StorySi Gelo, isang normal na binata. Galing sa hirap at napilitang ipakasal kapalit ng pagka abswelto ng kanyang ama sa kasalanang nagawa. Sino nga ba ang pakakasalan niya at ano ang magiging buhay niya kasama ang lalaking di niya kilala? Sa huli kaya a...