PART 4: END

212 16 0
                                    

GELO'S POV

MATAPOS ang ilang oras na byahe pabalik sa na rin kami sa sitio na aking kinalakihan. Halos mga dikit-dikit na bahay ang mga nakatayo dito. Maingay at marami ring tambay sa kalye.

Nauna akong bumaba sa sasakyan, sabi ko intayin na lamang niya ako. Tumango naman siya kaya mag isa akong pumasok sa aming lugar.

Kahit katanghaliang tapat, hindi mawawala ang mga mag iinom na daily routine na ata ang makalaklak ng alak.

"Oi, si Gelo pala. Ano kumusta ang kasal mo!?" sigaw pa ng lasing at tumawa pa nang malakas. Hindi ko na lamang pinansin.

Pero kita ko ang mga matang puno nang pangungutya mula sa mga marites na nakatambay sa bawat tindahan na aking madaanan.

"Oo nga, matandang manyak ba ang napangasawa mo!?" mayabang na hiyaw ni Aling Concha ang lider ng mga chismosa dito sa aming lugar.

At nagtawanan na nga sila na para wala nang bukas. 'Ang saya talaga nila, mga pakialamero, hindi buhay nila ang kanilang atupagin,' napapailing na saad ko sa aking sarili.

Medyo malapit na naman ako sa aming bahay nang makasalubong ko ang aking pinsan. Galing ata sa amin, mas bata siya sa akin at nag aaral pa.

Mas may nakaka angat kasi ang buhay ng pamilya nila kaysa sa amin, pero nung kailangan namin ng tulong nila, iniwan nila kami sa ere. Katulad na lamang ngayon, kahit alam kong kita na niya ako, hindi man lang ako binati o pinansin man lang.

'Okay lang yan,' isip-isip ko pa.

Nang makarating ako sa aming bahay ay nagulat ako nang makarinig ng mga sigawan. Naabutan kong inaaway ng landlord ang nanay ko.

"Ano pong nangyayari?"

Sabay namang napatingin sa akin ang nanay ko at ang babaeng landlord na kanina pa ata nagwawala.

"Oh nandito na pala ang anak mong nagpakasal sa mayaman. Eh bakit hindi pa rin kayo makabayad sa upa ng bahay nyo!?" iskandaloso pa nitong sigaw na gusto atang iparinig sa buong barangay ang sinasabi niya.

"Wala namang kinalaman iyon dito, at saka isang buwan pa lang kaming di nakakapagbayad," sagot naman aking ina. Tunay iyon sapagkat nasira nga ang taxi na dinadala ng aking ama. Mula ng ikasal kami ngayon lamang ako nakabalik dito kaya hindi ko alam ang nangyayari.

"Wala akong pakialam, bakit hindi humingi ng pera yang anak mo sa matandang mayaman niyang asawa!" mayabang na utos pa nito.

Napahawak na lamang ako sa balikat ng aking nanay para pakalmahin siya. Kahit naman kasal na kami ni Seb, wala akong karapatan sa pera at kayamanan niya. Nagpapasalamat na nga ako na maayos ang trato nila sa akin doon.

Naiyukom ko na lang ang aking kamao dahil sa galit na nararamdaman. Anong karapatan nilang ipahiya kami ng ganito.

"Kung hindi kayo magbabayad ay magsilayas na kayo!!!" hiyaw ulit nito na halatang gusto lang mag eskandalo at pag usapan na naman kami ng mga kapitbahay.

"How much did they owe you?" seryosong saad ng isang boses mula sa likod ng aming landlord.

"Seb, anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong.

Hindi naman niya ako pinansin at mabilis na kinuha at binuksan ang wallet galing sa bulsa.

"How much?" seryosong tanong niya dito.

"This much?" aniya sabay pakita ng pera at mabilis na inabot sa nagwawalang landlord kanina.

Matapos maibigay ang pera sa gulat at di makapaniwalang may ari ng bahay ay seryoso muli niya itong binigyan ng tingin.

🌈MARRIED TO WHO? [SHORT STORY]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon