Maria Angela's POV
"Kuya, manyakis ba yang amo mo?" tanong ko kay kuya Doming ng mapag-isa nalang kami at pumasok sa opisina nito ang boss.
Hindi ko alam kung nasaan ang opisina nito, basta bigla nalang nawala parang isang nuno.
At hindi parin nawawala ang pag-iinit ng aking pisngi ng pikit-mata kong sinunod ang sinabi nitong uupo sa hita nita upang tingnan kung may bukol ito sa likod ng kanyang ulo.
At ang laki ng aking pagsisisi dahil parang ang aking mga dugo ay tila naglagablab sa sobrang init ng aking pakiramdam. Para akong nasusunog sa loob, at alam kong pati ang aking kaluluwa ay nasusunog na sa impiyerno dahil sa hindi magandang ehemplo ng aking aksyon.
Kung sana'y may mas maganda trabaho ay malaki rin ang kita, hindi ko titikisin ang mga nakakawalang moral na pinapatrabaho nito.
Naalala ko ang nangyari kanina, at tila nasa ilalim ako ng nag-aapoy na impyerno sa sobrang kahihiyan.
Diyos na mahabagin, patawarin niyo po ako. Ginagawa ko lang po ang aking trabaho.
Uupo sa hita ng lalake at ramdam na ramdam ang bukol na bukol nitong tite? Hindi trabaho iyon, Angge. Pananamantala iyon. Kwestyon naman ng kalahating parte ng aking isipan na may may moral.
Ang animal na amo ko!
Pero forty thousand iyon, mahal na panginoon. Alam mong kailangan na kailangan ko iyon.
Mabilis kong pinakiramdaman ang likuran ng ulo nito kung may bukol, at agad ding bumaba mula sa hita nito at umiwas na mapatingin sa kanya. At nakahinga ako ng maluwag ng lumabas ito ng sasakyan at mukhang mainit ang ulo.
Kaya nga ng pagdating namin dito sa restaurant niya, agad kaming iniwan.
"Shhh!" biglang baling sa akin ni kuya Doming. Kita ko ang pagkadisgusto sa sinabi ko. "Hindi siya manyakis. Ano bang ginawa sa iyo?" biglang tanong nito ng makapag-isip isip yata. Nanlalim ang linya sa noo nito.
Matanda na nga ang asawa ng pinsan ko, naisip ko.
"Wala, kuya. Naisip ko lang. Ignorahin niyo nalang ang tanong ko." Ngumiti ako upang pawiin ang pagdududa sa mga mata nitong kulang ng tulog.
Nanlalalim.
"Duon muna ako sa garahe. Linisin ko ang sasakyan at mamaya daan muna sa shop upang magchange oil," paalam nito. "Punta ka sa kusina at tingnan mo kung may maitutulong ka. Nasa opisina na si boss at siguradong abala na iyon sa pagtawag-tawag sa mga branches ng business niya," dagdag nito bago ako iniwan.
Parang tangang tumango nalang ako.
Wala pang mga katao-tao sa restaurant.
Ang laki nito, at kakasya yata ang isang daang kostumer. Maraming mga mesa na gawa sa mga de kwalidad na kahoy na kulay kape, mga upuang may kutson, at dulong bahagi, mga mesang napapaligiran ng sofa na gawa sa pulat balat, at napakasosyal naman.
Lahat ng mga dekorasyon ng restaurant ay mamahalin at nangingintab.
Halos ang mga naroroong nagtatrabaho ay nakauniporme ng puti at itim, at may mga nameplate silang silver na nakaipit sa bandang dibdib ng kanilang suot na uniporme.
Kahit ang mga uniporme nila, napaka-elegante din.
May necktie din silang pulang ribbon.
Nang isa sa mga nasa bar ang nakapansin sa akin na parang tangang nakatayo sa gitna, nilapitan ako ng may maluwang na ngiti.
"Hi," sabi nito. At diretso ang aking mga mata sa nameplate nito.
ALAN
At sa ibaba ng pangalan niya ay nakasulat sa maliit na lettra ang 'bartender.'
YOU ARE READING
Billionaire's Den (Black Omega Psi Series 4)
RomanceWarning: CONTAINS MATURE SCENES, SWEARING, AND GRAPHIC SCENES. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE BE WARNED! A DARK STEAMY ROMANCE He charmed her to his world that nobody knew, not even his friends nor his family. She loves him too much th...