𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟷

45 2 0
                                    

“Tiktikman o Tatakpan?” kunot-noo kong basa sa caption sa profile ng isa kong classmate at nakalabas pa ang boobs nito, hindi man lang tinakman ng sticker o ano. Wala na talagang respeto sa sarili ang babaeng to’ akalain mo yon pinakita ba naman ng buo ang suso niya na parang papaya sa laki, psh.

Bilang babae ay nakakabastos din yan. Imbis na husgahan siya ay naawa ako sa kaniya, oo classmate namin siya pero isang buwan na siyang hindi pumapasok sa eskwela, tapos wala na din kaming balita sa kaniya. Tanging itong facebook lang niya kami nakakasagap tungkol sa kaniya.

“Tignan mo nga itong si Mikaela, grabe ba hindi man lang nahiya sa sarili kababaeng tao walang respeto sa pagkababae niya! Nakakainis na ah. Alam mo ba marami na ang nagshare at nagcocomment dito, ang masama pa doon ay titikman ang karamihang mga lalaki ang nagcocomment! Urgh!” kanina pa siya nagsasalita dyan at parang hindi nauubusan ng sasabihin, kaibigan ko si Lyca Maharlika.

Nag-scroll up na ako at hindi man lang ako nag-abala na i-like o i-share ang profile pic niya. “Hayaan muna, buhay naman niya yan ei” ang tanging nasabi kona lang. Wala naman kaming magagawa kung sisitahin namin siya, dahil sa totoo lang pangalawang beses na niya itong ginawa. Ang ginawa namin ay chinat namin siya pero di naman siya nagrereplay or nagseseen man lang, online naman siya.

“Hmp!” halata sa mukha nito ang pagkabadtrip. Ewan koba sa kaibigan kong ito, masyadong pinapansin ang mga nangyayari sa social media,naku.

Tinago kona ang aking cellphone atsaka ako dumukdok sa aking armchair. Collaborative time namin ngayon kaya wala kaming guro, free kaming lahat, pwede kaming matulog, mag-cellphone at mag-ingay wag lang ang mag-away. Dahil na din siguro sa new normal na schedule namin sa school, by schedule kasi niyan. Kaming mga grade 12 ay monday, thursday at friday lang ang pasok namin. Ang grade 11 naman ay monday, Wednesday at friday din. Ganon din sa junior high. Anyway hindi na mahalaga iyon, dahil halos lahat ng mga classmate ko ang merong mga social media accounts ay nakita nila ang profile ng isa namin classmate na nakahubad.

“Titikman o Tatakpan! Hahaha tangina ang ganda sana ni Mikaela eh kaso parang natikman naman ata to ng ibang mga lalaki! Pota.”

“Grabe ba ang sexy naman yarn, Mikaela! Hahaha”

“Oi nakita niyo na ba yung profile ni Mikaela? Nangyaya makipag-sex oh! Hahaha tara puntahan natin!”

Napatingin kami ni Lyca sa mga kaklase naming ang lalakas ng boses makipag-usap. Mga manyakis talaga ang grupo nila, hayok sa sex. Hindi ba sila natatakot na makakuha ng sakit galing sa mga nakakasiping nila? Ang mga tsismis kasing mga nasasagap namin tungkol sa kanila ay nakikipagtalik din sila sa mga lalaki/gay.

“Mga manyak talaga kayo! Tigilan niyo nga si Mikaela! Hindi niya alam ang ginagawa niya!” bigla nalang sumigaw itong si Jennie, ang alam ko close sila ni Mikaela kaya ganyan siya magreact ngayon. Yung mukha niya, galit na galit siya. Habang ang mga pinagsasabihan naman niya ay tumatawa lang at mas lalo pang nilalaan ang mga pang-aasar nila.

“Hey girl! Hindi naman sana mababastos yang bff mong si Mikaela kong kaya niyang respetuhin ang sarili niya! Nakita mo naman itong profile niya diba!? Tanga kaba o bulag ka? Duh! Ano siya bobo na hindi niya alam ang ginagawa niya?.” umepal si Grace, ang pinakabitch sa room. Walang nagtatangkang kumalaban sa kanya dahil sa kilay nitong napakataray. “Ang laswa naman kasi talaga beh. Haha she's like a..” huminto muna siya bago niya nginitian ng nakakaloko si Jennie na halos makapatay na dahil sa sobrang sama ng paningin nito.  Well yan naman ang gusto ni Grace, ang maraming nagagalit sa kaniya. “Well, I'm sorry sa gagamitin kong word pero you know what? Sa lagay nyang yan ay para siyang prostitute! Haha” masungit nitong sabi, at dahil sa sinabi niya ay natawa naman ang iba naming mga kaklase na ngayon ay nakikinig na sa tensiyong nagaganap.

Titikman o TatakpanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon