𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸

24 1 0
                                    

  Lyca Maharlika

“Hoy! Ano ba yan mika ang laswa naman yarn!”
                                 Like     Reply

“Bakit kapa nagcomment dito, mamaya niyan mareport pa ang account mo.” sabi ko habang nagbabasa sa comsec, ang tinutukoy ko ay ang profile pic ni Mikaela. Trending na kasi ito at siya nalang lagi ang laman ng newsfeed ko. Ngayon ay umabot na sa 555k like, 626 comments at 70k shares. In just 1 day nakaabot na siya, sobrang famous na niya.

“Hayaan muna hindi naman nila mapapansin pa yan, sa dami ba namang nagcocomment possible namang mapansin pa yang akin.” tugon niya habang nakaharap naman sa cellphone niya. Hindi nalang ako umimik, oo nga naman may point naman siya.

Tinitigan kona lang siya, ano bang meron sa cellphone niya at buong araw siyang nakababad dyan. Ang alam ko wala naman siyang boyfriend or girlfriend e.

Friday ngayon at pasado alas otso na ng gabi, pareho kaming hindi makatulog ng maayos ni Lyca kaibahan nga lang ay siya busy sa pagfefesbok, samantalang naman ako ay iniisip ko ang nangyari kanina sa room. At sa sinabi ni Jessa kanina, bigla akong nakonsenya kung sana tinulungan ko siya hindi sana mangyayari ito.

“Oh bakit ang tahimik mo dyan?”

“Iniisip ko lang yung nangyari kanina bakit nga ba hindi natin siya tinulungan kanina–”

“Shhh ano kaba ilang beses ko bang sasabihin sayo, wala kang kasalanan doon. Yung president ang sisihin mo, anong klaseng president siya aabsent absent alam niyang may responsibilidad sya sa room aabsent sya, yan tuloy hindi nya alam ang nangyari tsk.” naiinis na niyang paliwanag.

Speaking of the president, si Daniella Dawson, oo nga wala siya kanina dahil may importante silang pinuntahan. Valid reason ba yon? Ewan ko, basta excuse daw sya eh.

“Omg bes!” bigla namang napasigaw itong si Lyca, “Shh bakit ba?” inis kong sita sa kaniya dahil nagulat ako sa pagsigaw niya.

“Tignan mo nga!!” sabi niya sabay pakita ang screen ng cellphone niya.

Lyca Maharlika
“Hoy! Ano ba yan mika ang laswa naman yarn!”
  5m                              Like     Reply

                Mikaela Garosa
               Tiktikman o Tatakpan?

               6m                  Like     Reply

               Lyca Maharlika

              Syempre tatakpan! Duh ayokong tikman ka noh, no way! Yuck
Just now.             Like     Reply


“Like duh? Ang lakas ng loob niyang itanong sakin yan, jusq hindi na nahiya. Seriously, ano bang nakain ng babaeng to” paghihimutok niya matapos ipakita sakin ang sagutan nila sa comsec.

Napailing nalang ako. “Oa mo talaga akala ko kung ano na, tsk matulog kana nga wag munang pansinin yan. Maaga pa tayo bukas, magsimba tayo para naman kahit papaano mabawasan ang karumihan natin.” sabi ko, at nagsimulang ayusin na ang higaan ko. Double bed ito, siya sa taas ako naman sa baba. Kaboardmate kami.

“Ayoko nga, kahit naman maaga kang natutulog tanghali ka parin naman nagigising.” kontra niya sa akin. Natawa ako ng mahina, totoo naman yon.

Titikman o TatakpanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon