𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟻

16 0 0
                                    

“Sigurado kabang may tao dyan?”

“Oo naman.”

Nandito kami ngayon sa harap ng bahay nila Jennie. Kakamustahin lang namin siya, kahit naman hindi namin siya kaclose ay concern parin kami sa kaniya.

Simple ang kanilang tahanan, meron lamang itong bakod at isang maliit na gate. Maayos naman ang kanilang bahay at masasabing may kaya sila.

“Tao po!”

Hindi pa man kami nagtatagal sa labas ay may lumabas mula sa pintuan nila, isang ginang  na sa hula ko ay ito ang kaniyang ina. Nakasuot ito ng apron at may hawak na sandok.

“Sino sila?” tinig ng ginang. Lumapit siya sa amin at pinagbuksan kami ng gate.

Nakangiti kaming napatingin sa kaniya. “Magandang tanghali po ante.” magalang naming bati sa kaniya.

“Oh ganon din mga iha, sino kayo?” sabi niya habang nakangiti din.

“Ah eh kami po yung classmate ni Jennie” bigla namang nag-iba ang reaksiyon niya. “Ah ante gusto lang namin siyang kumustahin kung maaari po.”

Ilang segundo siyang natahimik. Mukha hindi ata niya kami papasukin e.

“Sige mga iha, wala namang problema.” sabi niya na may ngiti sa labi at nilakihan ang bukas ng gate nila upang makapasok kami.

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila ay nilibot ko ang paningin. Maayos at nakaorganize ang mga gamit at mga furniture.

“Maupo kayo”

Umupo naman kami.

“Isko! Ilabas mo nga si Jennie, meron siyang bisita” bigla namang sumigaw ang ginang,

Ah pasensiya na kayo, ako nga pala si Josephine. Kayo sino kayo?”

“Ako po si Aunice, tapos ito namang kasama ko ay kaibigan ko si Lyca.” pakilala ko sa sarili at tinuro si Lyca na nasa tabi ko, tahimik lang siya at kanina ko pa napapansing hindi siya mapakali, ewan koba dito. “Uhm..hindi naman po namin masyadong ka-close si Jennie, pero maniwala po kayo hindi naman po kami kasali sa pambubogbog sa kaniya. Pasensiya na kayo at hindi namin siya natulungan, masyado po kasing wild ang mga classmate naming nambogbog sa kaniya pati kami eh gusto nilang idamay.” kwento ko kay ginang Josephine.

Tumango-tango naman siya at meron siyang pilit na ngiti. “Masakit sa akin bilang ina ang ginawa ng mga classmate mo sa kaniya, wala silang karapatan para saktan ng ganon ang anak ko. Ni minsan nga hindi ko pa yan napagbuhatan ng kamay, tapos kayo..sila ganon lang kadali sa kanila na manakit ng kapwa nila tao..” nahihimigan namin sa kaniya ang lungkot sa kaniyang tinig, at..galit.

Napayuko kami dahil sa kahihiyan. “Sorry po. Dahil wala kaming nagawa para sa anak niyo.” paumanhin ko habang nakayuko, hindi ko kayang pagmasdan ang mukha ng ginang sapagkat ako ay nasasaktan din.

“Josephine..”

Napatingin kaming tatlo sa tumawag sa ginang. Isang lalaki at napakaseryuso ng kaniyang tindig. “Si Isko, asawa ko nga pala. Ang ama ni Jennie. Wag kayong mag-alala mukha lang siyang nakakatakot ngunit di naman nangangagat yan pft.” pakilala niya sa kaniyang asawa at ginatungan niya ng biro. Kahit pa nagawa niyang magbiro ay nandoon parin sa kaniyang mukha ang lungkot.

Naglakad si Mang Isko habang tulak tulak ang wheelchair ni Jennie, halos hindi ko makilala si Jennie. Punong-puno ng benda ang kaniyang mukha maging ang tuhod nito ay nabendahan.

Hanggang sa makalapit sila sa aming kinaroroonan ay hindi agad kami nakaimik, napaiwas ako ng tingin nang tumingin sa amin si Jennie.

“Ilang minuto niyo lang dapat kausapin ang anak ko, kailangan niyang magpahinga.” sabi ni Mang Isko sa seryusong boses, napalunok ako at tila walang mahanap na salita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Titikman o TatakpanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon