"Will you please stop crying, Cassandra! Ano ba ang problema mo at wala na yatang katapusan ang iyong pag-iiyak?!" malakas na tanong ni Whitney Pearl sa kaibigan."He left me already, my friend." Hagulhol pa nito habang sapo ang mukha.
Hindi man nito aminin at banggitin kung sino ang tinutukoy ay alam na niya. Ang drug lord nitong kasintahan. Matagal na nila itong pinapaalalahanan kasama ang isa pa nilang kaibigan subalit hindi ito nakinig sa kanila. Hindi rin naman nila masisisi ng lubusan dahil kagaya rin lang nila itong tao. She's just same as the other women around the world who fall in love with a guy. Iyon nga lang ay sa may pananagutan na sa buhay. Idagdag pa ang pagiging drug lord nito.
"I'm sorry for shouting you, best friend. At sa pagkakataong ito ay nais ko ring ipaalala sa iyo na hindi kami nagkulang ni Jhayne sa pagpapaalala sa iyo sa bagay na ito. Subalit ayaw ko ng dagdagan pa hinagpis mo kaya't wala kang ibang maririnig sa akin kundi kalimutan mo na siya ng tuluyan. Tahan na, besty." Niyakap niya ito dahil awang-awa na rin siya rito. Iyak nang iyak kaya't mas naiinis siya sa lalaking matagal na nang tinutugis ng departamento nila.
"I wish I can do that, my friend. Kahit gustuhin ko mang kalimutan siya ay hindi maaari. Hindi ko kaya, best friend. I really love him," anito.
Sa narinig ay napakuyom ang palad niya. Kung siya nga lamang ang masusunod ay baka matagal na niyang napatay ang herodes. Hindi na nga nila ito mahuli-huli dahil ginawang panangga ang kasintahang iyakin. Si Cassandra De Janeiro. Katrabaho niya ito subalit sa opisina ito samantalang siya ay mas madalas siya sa field of investigation kaya't madalas siyang nasa labas.
"Marami pa namang lalaki sa mundo kaya't tahan na. Para kang hindi alagad ng batas eh. Hayaan mo pag-uwi ko sa Pilipinas ay isasama kita. Malay mo may magustuhan ka sa mga pinsan ko. We belong to a big family, so you can choose among them," pagbibiro niya.
Dahil ayaw na ayaw niya ang nakakakita nang umiiyak lalo na sa mga mahal niya sa buhay. Subalit bumalik ang pagngingitngit niya nang nagsalita ito. Buong akala niya ay ang pag-iwan lang ng kasintahan nito ang problema. Ngunit laking pagkakamali niya dahil may mas mabagit pa pala itong rason kung bakit walang katapusan ang pag-iiyak.
"I'm afraid I can't do that. Dahil kahit gustuhin ko mang kalimutan siya ay hindi ganoon kadali. Buntis ako at siya ang ama. Alam mo namang hindi kami puweding magsama dahil may sarili siyan pamilya. At ngayon ay natatakot akong malaman nina Mommy at Daddy. They will kill if they will learn about my pregnancy without any boyfriend." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya kaya't kitang-kita niya ang malungkot nitong mukha. Bukod sa namumugto ang mga mata nito ay wala ring kabuhay-buhay ang buong mukha.
"So what's your plan now? I mean what do you want to do?" tanong niya.
"Makikiusap sana ako sa iyo, besty. Hayaan mo akong makipanuluyan sa iyo hanggang sa paglabas ni baby. Hindi ako maaaring uuwi sa bahay dahil sigurado akong mapapatay ako ng mga magulang ko lalo na at kalaban ng departamento natin si Howard. Don't worry because I'll help you in all the expenses---"
Ayos na sana! Kaso may idinagdag pa! Kung hindi lang sana ito umaming buntis ay baka nabatukan na talaga niya ito. Isang alagad ng batas subalit napakakaiyakin.
"Will you stop talking nonsense, Sandra? Maaari kang tumira rito hanggat gusto mo pero huwag na huwag mong babanggitin ang tungkol sa expenses. Nais man kitang pauwiin dahil mga magulang mo sila subalit alam ko ring hindi mo gagawin. Kaya't pakiusap ko sa iyo, besty, alang-ala sa nasa sinapupunan mo. Magpakatatag ka," aniya na lamang.
Tumango-tango na lamang din ito. Alam niyang mahirap ang sitwasyun nito kaya't hindi niya ito puweding pabayaan. At isa pa ay matalik niya itong kaibigan. Gagawin niya ang lahat upang mapasaya ito. Saka na lamang niya haharapin ang galit ng mga magulang nito dahil sa pagtatakip niya sa kaibigan.
Subalit hindi pa pala doon nagtatapos ang problema nito. Dahil kahit ginawa niya ang lahat upang pagtakpan ito sa mga magulang dahil na rin sa pakiusap. Subalit mas nayanig ang mundo niya dahil sa naging kapalaran nito. Sa mismong kabuwanan nito, sa pagamutan kung saan niya ito itinakbo dahil sa panganganak.
"Take care of my child, best friend. Isunod mo siya sa pangalan mong Harden. Ikaw ang kikilalanin niyang ina," anito.
"Ano ka ba naman, Sandra? Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Para ka namang namamaalam eh. Hold on a little bit. Your OB doctor is on her way now," pananaway niya rito dahil naninindig ang mga balahibo niya sa paraan ng pananalita nito.
"Alam kong hindi na ako magtatagal sa mundo, best friend. Tanggap ko na ang kapalaran ko simula't sapol. I have a heart problem not because of my child's father but because of my weak heart. I'm sorry my friend for leaving you alone with my child." Ngumiti ito na walang mabanaag na pagsisi sa mga binibitawang salita.
"Hindi, Sandra. Mabubuhay ka, mabubuhay kayo ng anak mo. Tutulungan kita---" subalit hindi na niya natapos ang sinasabi dahil inagaw nito ang pananalita niya.
"I know, I know that my friend. Dahil kung hindi dahil sa iyo, sa inyo ni Jhayne ay matagal na akong wala sa mundo. Kaya't tiwala akong iiwan ang anak ko sa iyo. When I will die, take my ashes with you and give it to my parents when the right time come. Please extend my love and greetings to our best best friend Jhayne. I love you, my dearest best friend," nakangiti nitong sabi.
Mga salitang binitawan ng matalik niyang kaibigan bago ipinasok ng mga nurses sa labour room. Sa bilis ng mga pangyayari ay halos hindi pa siya nakakilos o nakaimik sa mga salita ng kaibigan niya. Napatulala siya ng ilang sandali dahil ayaw tanggapin ng isipan niyang namamaalam na ito. One of her beloved best friend. Kung ilang sandali siyang nakatulala sa harapan ng labour room ay hindi niya alam.
"Miss Whitney Pearl Harden?" pukaw sa kaniya ng isang nurse na galing sa loob ng labour room.
"Yes, it's me. How's my friend?" agad niyang tanong subalit ang Doctor na nagpaanak dito ang sumagot na halata ring kagagaling sa loob.
"She delivered successfully a healthy baby boy, Miss Harden. But I'm sorry to tell you that she passed away as he said her last word. She told us that we will name the baby boy to Miss Whitney Pearl Harden," anito kaya't agad siyang napalingon sa kinaroroonan ng Doctora.
At bago pa niya napigilan ang sarili ay wala siyang pasabing tumakbo papasok sa labour room. Dito niya napatunayang hindi sila nagbibiro. Wala ng buhay ang isa sa matalik niyang kaibigan. Mainit-init pa ang katawan nito subalit wala na ang pulso. Wala na ang kaibigan niya. Patay na ito at tuluyang iniwan sa kaniya ang ang anak.
Cassandra De Janeiro was dead but she left her child to her. And as she wishes, she will legally adopted her child. She will name her best friend's child, Kenjie Harden.
BINABASA MO ANG
BROKENHEARTED BILLIONAIRE
General FictionHeavy drama that contains some explicit words.