"No, Mommy! Sabihin mong nagbibiro lang kayo ni Daddy! Hindi ito maaari! Phillip is not dead!" malakas na saad ni Whitney Pearl dahil sa ibinalita ng ina.
"I wish that's the case, Hija. Pero totoo ang sinabi ng Mommy mo. Nakumpirma ko mismo sa presinto na kabilang ang kasintahan mong si Phillip sa mga pasaheros ng bus na nahulog sa zigzag road. Sad to say but no one survive on that tragedy." Pangungumpirma ng ama.
Kaya naman ay napaupo siya. Hindi niya matanggap o mas tamang sabihing hindi kapani-paniwalang patay na ang kasintahan niyang sumunod sa kaniya sa bansa upang hingin ang palad niya sa mga magulang.
"Kasalan ko ito. Kung hindi lang sana siya sumunod dito sa Baguio ay baka buhay pa siya hanggang ngayon. Ako na lang sana ang nagsuhsstiyong sa Los Angeles kami kumuha ng lisensiya. It's my fault that he was gone forever." Kasabay nang pagsalampak ni Whitney Pearl sa sahig ay ang paninisi sa sarili.
Ang ganda nang usapan nilang magkasintahan. Pinauna nga lang siya nito upang maabisuhan ang mga magulang para sa sa plano nilang kasal. Ngunit ang kasal na iyon ay nauwi sa isang trahedya. Kaya't hindi niya maiwasang sisihin ang sarili.
"Anak, huwag kang magsalita ng ganyan. Wala namang may gusto sa aksidente. Kaya nga tinawag na aksidente dahil walang may kasalanan." Agad itong nilapitan ni Ginang Florida Bryana.
"No, Mommy. Kasalanan ko dahil sumunod siya rito sa bansa para sa kasal sana namin. Kung---" Subalit dahil sa sakit na nanunuot sa kaibutuwiran ng puso ni Whitney Pearl ay tuluyan na siyang napahagulhol habang yakap-yakap ang sarili.
Kaya naman ay wala ring nagawa ang Ginang kundi ang yakapin ito. Bihira itong sa bansa dahil sa Los Angeles ito nagtatrabaho. Ngunit kung kailan ito umuwi ay saka pa nangyaring naaksidente ang nobyo nitong half-American and half-Filipino. Batay na rin sa salaysay ng anak ay may balak ang mga itong magpakasal. Hinayaan na rin niyang umiyak nang umiyak ito sa balikat niya.
"BAKIT ganoon, Mommy? Kung sino pa ang mabait ay ito pa ang nauunang namamatay? Sa dinami-dami ng mga kriminal sa buong mundo ay bakit si Phillip pa ang naunang pumanaw? Pinaparusahan na ba ako ng DIYOS dahil sa mga pinapatay ko sa bawat operasyong kasama ako? Tell me, Mommy, Daddy, is it wrong to kill those pest who are ruining the world? Did HE really punished me by taking the life of Phillip?"
Mga ilan lamang sa katanungang nanulas sa labi ng dalaga. Kaya naman ay napatingin ang Ginang sa asawa. Business woman siya at alagad ito ng. Hindi naman sa wala siyang alam sa batas ngunit mas tiwala siyang masasagot lahat iyon ng asawa.
"Hija, kung hindi ka lang sana naghihinagpis ay ipapasapak kita sa pamangkin mo. Alam mo kung bakit? Maari mong itanong ang lahat ng katanungan sa mundo dahil karapatan mo iyan bilang tao. Subalit hindi ibig sabihing puwede mo nang kuwestiyunin ang MAYKAPAL. Instead, ask him to guide and help you to accept the painful truth.
"Sa uri ng trabaho natin ay hindi maiwasan ang pumatay alam mo iyan, anak. Dahil bahagi na nang sinumpaan nating tungkuli ang magsilbi sa bayan. Kagaya nang sinabi mo ay kriminal sila at kailangan nilang pagbayaran ang kanilang mga nagawang mali. Kaya't tanggapin mo nang walang may kasalanan sa pagkamatay si Phillip. It's accident, Hija."
Mahaba-habang paliwanag ni Ginoong Terrence sa bunsong anak. Awang-awa siya rito pero hindi rin naman niya puwedeng hayaan itong sisihin ang sarili, ang kuwestiyunin ang MAYKAPAL at higit sa lahat ay sinumpaang tungkulin.
SA pahayag ng mga magulang niya ay hindi na sumagot si Whitney Pearl. Dahil kahit bali-baliktarin man niya ang mundo ay tama ang mga ito. Subalit ang puso niya ay umiiyak. At gusto niyang mapag-isa.
"I'll be in my room, Daddy, Mommy. Kayo na po muna ang bahala kay Kenjie. Huwag po kayong mag-alala dahil wala po akong balak sumunod sa kasintahan ko sa kabilang buhay. Marami pa akong hindi nagagawa." Tumayo na rin siya at hindi hinintay na makasagot ang mga ito. Dumiretso na rin siya sa hagdan at umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang silid niya.
Samantalang hinayaan na lang din ng mag-asawa ang dalagang umakyat. Tama rin itomg kailangang mapag-isa. Dahil ang rason nila ay palilipasin muna nila ang init ng ulo nito.
"Kawawa naman ang anak natin, Honey. Ano kaya ang maitutulong natin?" patanong na pahayag ng Ginoo.
"Ang pinakamahalang maitutulong natin sa kaniya ay ang suporta natin sa kaniya," sagot ng asawa.
Hindi na rin sumagot si Ginoong Terrence dahil tama ang asawa niya. Kaya't binalingan nila ang stroller ng batang iniuwi rin nito. Saka na lamang nila ito muling kakausapin. Kapag okay na ang lahat.
AL-JAZEERA HOSPITAL
"Congratulation, Doctor Aguillar." Masayang salubong ng hospital director si Niel Patrick.
"Para saan po, doktor? May party po ba? I mean, you congratulated me for what, Doctor?" magalang na tanong ng binatang doktor.
"Maybe your superior didn't tell you yet. But since I started, I'll finish it too. Walang party ngunit kung magpa-party ka ay magkaroon tayo. Why I'm congratulating you? Naturally because you are promoted from your previous position. Once again, congratulations, Surgeon Aguillar." Masayang inilad ng doktor ang palad sa binata.
'Huh! Na-promote pala ako na walang kamalay-malay,' sambit niya sa isipan.
"Thank you, Sir. Pasensiya na rin po kung naparami ang tanong ko. Hindi lang po ako makapaniwalang sa ilang buwan ko rito ay promoted na po ako." Tinanggap ni Patrick Niel ang palad ng doktor bilang pagbati sa kaniya.
"Your welcome, Surgeon Aguillar. Keep up the good work. And I can say as well, you are an asset to this hospital. The way you care and tend your patient. Since you came, I never heard any negative feedback about you from your companions. Allah will bless you. And before I'll forget, there will meeting this afternoon. All the head doctors including you and you will receive your certificate of promotion. Again, congratulations," nakangiti nitong pahayag.
He is speechless that makes him answered the director by nodding his head. As he turned around and went back to his office while grinning ear to ear because of happiness. Well, it's a blessing from God. And he is eager to tell his parents even it's in the internet.
BINABASA MO ANG
BROKENHEARTED BILLIONAIRE
General FictionHeavy drama that contains some explicit words.