CHAPTER THREE

22 2 0
                                    


"It's been a while since you have that baby. Wala ka bang plano na sabihin sa akin kung kanino ang batang inako mo, my love?" tanong ni Phillip sa kasintahan.

Isang gabi na bumisita siya rito. Kung ang iba ay malilinlang na anak nito ang sanggol, siya ang higit na nakakaalam na wala itong katutuhan. Dahil siya ang kasintahan nito at kailanman ay hindi sila lumampas sa linya. Maaaring nasa Los Angeles California sila subalit hindi sila sumabay sa pagka-liberated ng mga tao sa naturang lugar. Pinanatili nilang parehas ang respeto sa isa't-isa.

"Alam kong may nalalaman ka, my love. At bago ko sasagutin ang tanong mo ay tanungin din kita. Hindi mo ba nakikita ang batang iyan? Tama, nakasunod siya sa pangalan kong Harden dahil ako ang registered mother niya. Ngayon, tanungin kitang muli, wala ka bang naramdaman sa kaniya? Wala ka bang naaalala sa kaniya?" balik-tanong ni Whitney Pearl imbes na sagutin ang tanong nito.

Dahil dito ay napatingin si Phillip sa kasintahan. Di yata't nababasa nito ang nasa isip niya. May hinala siya kung sino ang ninuno ng dalawang buwang sanggol. Subalit wala siyang lakas ng loob na itanong ng diretso. At sa pahayag na iyon ng kasintahan niya ay mas tumibay ang hinala niya. Biglang naglaho ang BFF nitong kasintahan ng half brother niya. Sila ang nasa isipan niya na pinagmulan ng sanggol na inako nito.

"See? Hindi ka makapagsalita, my love. Alam kong alam mo kung kanino ang sanggol na iyan. Pero ito ang tandaan mo, ako ang kikilalanin niya bilang ina. Hindi ko ibibigay sa tunay niyang pinagmulan dahil wala silang karapatan kahit katiting." Napakuyom ang palad ng dalaga dahil sa pagkakaalala sa yumaong kaibigan. Ang ina ng sanggol na nasa kaniya. Subalit mas nagngingitngit ang kalooban niya dahil ang ama nito ay walang iba kundi ang half brother ng kasintahan niya.

Kaso!

"Then let's get married, my love. Kung wala kang balak ibigay sa kaniyang ama o sa tunay niyang pamilya ang sanggol na iyan ay magpakasal na tayong dalawa. Tayo ang kikilalanin niya bilang tunay na magulang. Tama ka, nakikilala ko ang kapatid ko sa kaniya dahil iisang dugo lamang ang nananalaytay sa aming dalawa. Subalit maari ko bang malaman kung nasaan ang kaibigan mo? Kung si Kuya Howard ang ama niya ay sigurado akong si Miss De Janeiro ang ina niya. Again, nasaan siya? Dalawang buwan na ang nakalipas simula noong nakikita ko sa iyo ang pamangkin ko pero simula noon ay hindi ko na rin siya nakikita," pahayag ng binata.

Dahil dito ay napatingin si Whitney Pearl sa kasintahan. Mahal na mahal niya ito subalit hindi niya inaasahang yayain siya ng kasal at itatayo ang pamangkin. Tama rin naman kasi ito, dugong Hudson ang nakikita sa sanggol na si Kenjie. Ang kutis lamang nito ang nakuha sa ina.

"Huwag mo sanang isipin na kaya kita niyaya na magpakasal na tayo dahil lang sa pamangkin ko. That's my second reasons. Parehas tayong nasa tamang edad, may stable job. Oras na rin upang lumagay tayo sa tahimik. At ang pamangkin ko ang magiging unang supling natin. I love you, my love." Lumapit at yumakap ang binata sa kasintahan dahil nanatili itong nakatingin sa kaniya.

Isa na sa pinakamatatag na taong nakilala niya ang kaniyang kasintahan. May sarili itong paninindigan. Pagdating sa trabaho ay wala itong kinikilingan. Dahil naniniwala itong ang batas ay batas. Kapatid niya ang tinutugis nito at alam niyang nag-aalangan ito sa proposal niya dahil magkapatid sila ni Howard Hudson. Ang ama ng sanggol na nasa pangangalaga nito at anak ng kaibigan. At higit sa lahat ay ang taong tinutugis ng departamentong kinabibilangan nito.

"Thank you, thank you for understanding me, my love. And yes, magpapakasal tayo, my love. Subalit sa ngayon ay kailangan ko munang gawin ang nararapat. Ang ipagpatuloy ang tungkulin ko sa bayan. At may ipapakiusap sana ako sa iyo, panatilihin mong lihim ang tungkol dito dahil iyan ang huling habilin ni Sandra. And yes, her last wishes because the day that she delivered her son she lost her life too. At iyan ang dahilan kung bakit bigla siyang nawala. That jar contains her ashes." Kumalas siya sa pagkakayakap ng kasintahan ilang sandali ang lumipas. Itinuro niya ang kinaroroonan ng abo ni Sandra.

"May God bless her soul and may she dwell in peace in the kingdom of God. Don't worry about your secret because it's safe with me. I'll treasure it as I value you. About my brother? Go ahead, I'll not stand on your way because I know that he's tracking the wrong way. I confronted him for how many time but he never listen to me. So, go ahead, my love. Use the race tracks to deal with him. I will support you as long as I can. I love you, my love." Muli niyang niyakap ang babaeng pinakamamahal.

Riyadh, Saudi Arabia

"Sama ka sa amin, Patrick Niel. Aba'y dalawang buwan ka na rito sa Riyadh subalit hindi ka pa yata lumabas ah," wika ni Bernard sa binatang abala sa paperwork's.

"Sa susunod na lang, Bro. May tinatapos akong report ko sa Sunday," sagot ng binata na hindi man lang pinagkaabalahang lingunin ang kaibigan.

"Bro, nasa iisang pagamutan tayo at iisang linya ang kinabibilangan natin kaya't alam namin ang mga paperwork na iyan. Subalit kaya nga may masasabing day off upang magpahinga mula sa trabaho kaso sa tulad mo ay dinaig mo na yata ang kumakayod para lang may maipadala. Binata ka naman ah." Pumaikot si Alfred na kasama ni Bernard na nangungulit sa kaniya.

Dahil dito ay tuluyan niyang ibinaba ang pinag-aaralang papeles. Isinara niya ito ay hinarap ng maayos ang kaibigan. Ayaw niyang maging bastos subalit masa ayaw niya ang lumalabag sa patakaran. Wala siyang balak sasama sa mga ito dahil sa loob ng dalawang buwan niya sa bansang Saudi Arabia ay nakita na niya ang gawain ng mga ito. Nambababae silang dalawa. May mga kaibigan silang tumutulong and vice versa, nagtutulungan sila upang mairaos ang init ng kani-kanilang katawan.

"I'm sorry, Bernard, Alfred. Pero sana maunawaan ninyo kung bakit hindi ako sumasama sa inyo. Inaamin kong malaki ang takot ko sa kultura nila rito. Ayaw kong mapahamak ako dahil sa paglabag sa kultura at batas nila. Kayo na lamang mga Bro ang pupunta. Huwag kayong mag-alala dahil panatilihin kong sarado ang labi ko. Wala kayong maririnig mula sa akin. Again, I'm sorry for refusing to come with you," malumanay niyang pahayag.

"As you wish, Bro. Sa ngayon ay iiwan ka namin dahil sigurado kaming naninibago ka pa lang sa sinasabi mong batas at kultura. Pero sa susunod na yayain ka namin ay sa mismong kaarawan mo. At sa araw na iyan ay hindi kami papayag na hindi ka sasama. Ganyan ang buhay dito sa Saudi." Tumayo na rin sina Bernard at Alfred na bahagyang yumuko sa study table niya. At nagsimula na ring lumakad palabas sa silid niya. Nasa iisang building naman kasi sila nakakadalaw ang dalawa sa kaniya anumang oras.

"Enjoy your day off mga Bro," tugon na lamang niya saka pinanood at hinintay na makaalis ang dalawa bago isinara ang pintuan.

"No, I will not do what you are thinking. Hindi ako gagawa ng ikapapahamak ko rito sa Saudi. Idinadalangin ko nga lamang na sana ay huwag kayong mabuking sa mga pinaggagawa ninyo dahil kapag nagkataon ay kulungan ang patutunguhan ninyo," bulong niya.

Muli siyang naupo sa harapan ng laptop niya at muling binuksan ang mga paperwork niya. Ganoon naman ang buhay niya sa Saudi sa loob ng dalawang buwan. Trabaho, bahay lamang. Kahit ang personal niyang gamit ay sa jamiya (store) na katabi ng accommodation ng Al-Jazeera niya binibili. Natatakot siyang makagawa ng ikapapahamak niya dahil baka kagaya nang sinabi ng kapatid niya ay baka kaligayahan niya ang maputol kaysa ang ulo niya!

BROKENHEARTED BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon