CHAPTER TWO

38 2 0
                                    

CHAPTER TWO

"What did you just say, Patrick Niel?" hindi makapaniwalang tanong ni Weng sa anak. Naunawaan naman niya ang ipinahayag nito subalit hindi lang siya makapaniwala na iiwan daw nito ang permanenting trabaho dahil mangingibang-bansa.

"Alam ko naman po na narinig at---"

"Shut up! Just shut up your mouth! Are you still thinking or not? You have a permanent position in the hospital but you still want to go overseas? Okay, fine! You are quitting to your job here but you will go in Middle East as a doctor too? I guess you've gone mad!" Mrs Aguillar said furiously.

Nagpaalam naman kasi si Patrick Niel upang subukan ang magtrabaho sa ibang bansa. Sa katunayan ay nakahanda na ang lahat ng papeles niya sa pagpuntang Riyadh Saudi Arabia. Wala naman kasing problema sa kaniya dahil pagiging doctor din ang trabaho niya roon. Kaso nabigla yata ang Mommy niya kaya't nasigawan siya samantalang wala silang hiniling na magkakapatid sa mga magulang nila na hindi sinang-ayunan. Sa katunayan ay nasa Korea ang kambal niya at siya ay sa Baguio General Hospital siya nagtatrabaho bilang surgeon doctor. At ang bunso nilang babae ay isa ring alagad ng batas at naka-base ito sa Ilocos Sur. Isa itong Chief Inspector.

"Mommy, nauunawaan ko naman po ang galit mo. At sana maunawaan mo rin sana ako dahil gusto ko rin pong makatulong sa ibang tao. Tama po, marami na akong natulungan dito sa bansa natin subalit gusto ko rin po na subukan ang buhay sa ibang bansa. I'm sorry, Mommy, pero nakahanda na po ang lahat kaya't kahit po magalit ka sa akin ay itutuloy ko pa rin po ang pagpuntang Riyadh Saudi Arabia." Lumapit siya sa inang galit na galit dahil sa pagpapaalam niya.

Galit ito pero hindi niya sinalubong. Instead, malambing siyang yumakap dito. Alam niyang kaunting lambing lang ang kailangan niya. May kasalanan din naman kasi siya dahil hindi siya nagpaalam ng mas maaga. Kung kailan ilang araw na lamang ang nalalabi niyang araw sa bansa ay saka pa siya nagpasabi. Malambing at supportive ang mga magulang nila kaya't kailangang lambingin niya ito.

"Ano ba kasi ang naisip mo at kailangan mo pa ang magtungo sa Saudi? Kagaya nang sinabi ko kanina ay permanente naman ang trabaho mo rito ah. Saka Hindi naman tayo namumulubi upang sa ibang bansa ka pa makipagsapalaran," anitong napabuntunghininga.

"Mommy, alam mo naman pong hindi involve ang pera sa pangingibang-bansa ko. Dahil laking pasasalamat naming magkakapatid dahil pinag-aral at sinupurtahan n'yo kami simula't sapol. And all of us has a stable job. Ang tangi kong rason ay gusto ko ring maranasan ang mabuhay sa ibang bansa bilang isa sa mga libo-libong manggagawa. At saka ayaw mo po ba iyon, Mommy? Malay natin baka doon ko makakasalubong ang magiging manugang mo sa akin," malambing niyang pahayag habang nakayakap.

Kaso hindi pa nakakasagot ang kaniyang ina ay basta na lamang bumukas ang pintuan sa kanilang sala. Bukas naman ang door wood subalit may screen pa ito na mabubuksan bago papasok at lalabas.

"At ano naman ang nakain mo, Kuya? Huwag mo nang itanong kung paano ko nalaman dahil galing ako sa kabila at nabanggit ni Papa Chester ang tungkol diyan. Bakit kailangan mo pa ang mangibang-bansa? Hindi mo ba alam na maraming kaguluhan ngayon sa Saudi? Bukod sa civil wars nila sa loob mismo ng bansa ay may alitan pa sila ng Qatar. So anong gusto mo, Kuya, papatayin mo kami sa pag-aalala? Think about it, Kuya!" Napalingon silang mag-ina dahil bukod sa lagabog ng pintuan ay malakas pa ang boses nito.

Kaya naman ay agad tumayo si Patrick Niel. Di yata't maaantala ang pagbiyahe niya dahil pumangalawa na ang kapatid niya sa mga tumutol. Actually, nagpaalam na siya sa kaniyang mga ninuno. Ay iyon ang sabi nila na sa mga magulan niya siya magpaalam dahil hindi nila iyon madesisyunan. Kaso ibubuka pa lamang niya ang kaniyang labi ay naunahan naman siya ng ama na nakasunod pala sa bunsong kapatid.

"Calm down, Samantha. Mapag-uusapan naman natin ito ng maayos. Ako bilang ama ninyo ay susuportahan ko kayo sa anumang gusto n'yo. Ang bawat isa sa inyo ay may kaniya-kaniyang trabaho at nasa tamang edad. Ibig sabihin ay nasa inyo nang magdesisyon kung ano ang nais ninyong gawin, kung ano ang landas na tatahakin. Dahil kahit kami ng Mommy ninyo ay sa Manila nagkakilala dati. Ang pagkakaiba n'yo nga lamang ay international na. Si Ethan nasa Korea dahil din sa tawag ng tungkulin, ikaw Patrick Niel ay gusto mo ring magtungo sa Saudi Arabia ay ikaw Samantha ay pasulpot-sulpot lang din dito sa bahay. Kaya't ang masasabi ko lamang sa inyo pag-isipan n'yo ng mabuti ang inyong desisyun." Agad itong lumapit sa kanila dahil sa lakas ng boses ng bunsong anak.

Dahil ayaw rin naman nilang hahantong sa hindi pagkakaunawaan ang magkapatid ang pagsalungat nito sa kagustuhang mangibang-bansa ni Patrick Niel ay pumagitna na rin ang ilaw ng tahanan. Ito na ang kusang nagsalita.

"Nagalit man ako pero bunga lamang iyon ng pagkagulat ko. At bilang ina ninyong magkakapatid ay nag-aalala rin ako para sa inyo. Kaya't huwag kayong magalit sa akin dahil alam ninyong para rin sa inyo iyan," aniya saka bumaling sa anak na binata.

"Patrick Niel anak, kung ang pangingibang-bansa ang idinidikta ng puso mo ay sige ibibigay ko ang blessings mo. Subalit kagaya nang sinabi ng kapatid mo ay maging mapagmasid ka. Crimes are everywhere so don't blame your sister in saying those words to you. Ang tangi kong masasabi ay mag-ingat ka sa pupuntahan mo dahil ibang bansa iyon at iba rin ang kultura nila," sabi niya rito at saka naman hinarap ang bunsong anak na halatang hindi kumbinsado.

"My Princess, huwag ka nang magalit sa Kuya mo. Kagaya nang sinabi mo ay may civil wars doon at may international conflicts between Qatar and Saudi. Actually, kahit saan sa sulok ng mundo ngayon ay may kaguluhan as your Kuya Ethan in Korea. He is with the Seoul national and we are all aware or the civil wars between South and North. Ang pagkakamali ko lang kanina ay nasigawan ko ang Kuya mo. But the fact is I'm just worried for him as you are. Hayaan natin siyang magtungo sa Saudi at atin siyang suportahan. Let's trust each others ability." Ipinatong niya ang mga palad sa anak na lady inspector.

Sa narinig ay agad yumakap ang binata sa ina. Iyon ang pinakahihintay niyang marinig mula rito. Ang blessings sa kaniyang pangingibang-bansa. Ayun naman kasi sa kanila ay nasa dugo na nila ang pangingibang-bansa.

"Thank you very much, Mommy. And at the same time I'm sorry for not telling you before. Huwag po kayong mag-alala ni Daddy as bunso does . Dahil tatandaan ko po ang mga paalala n'yo. I love you, Mommy," aniya habang nakayakap dito.

Pero kumalas din siya rito at sa kapatid naman humarap. Hinawaka niya ito sa balikat at ngumiti.

"Salamat, bunso, dahil alam kong para sa kaligtasan ko ang inaalala mo. I'm not going to say not to worry about me but try not too. Saka sa Riyadh ako magtutungo, protected iyan ng gobyerno. Dahil diyan ah centre ng Saudi kaya't hindi basta-basta nagagalaw ng ibang bansa. And besides, ayaw mo ba iyon? Baka sa pagpunta ko sa Saudi ay makikilala ko ang magiging hipag mo? Kaya't kalma na bunso," aniya.

"Siguraduhin mo lamang iyan, Kuya. Subalit ayaw ko ang Saudis ha dahil...ah! Basta! Tama na si Gwendolyn na nakapag-asawa ng arabo. Maraming Pinay pero huwag kang gagawa ng kababalaghan doon dahil baka junior mo ang maputol hindi ang kaligayahan... Ah, parehas pala iyon. Basta mag-ingat ka roon dahil alam mo ang pagkakaiba ng kultura natin sa kanila." Sa wakas ay tumango-tango na rin ito bilang pagsang-ayun.

"Ayan, nasabi na ng kapatid mo ang sasabihin ko sana, anak. Hindi ko na uulitin pa dahil iba ang sasabihin ko. Huwag basta-basta magtiwala sa mga kasama, anak. Makipagkaibigan ka, makihalubilo ka pero piliin mo ang mga taong pagkakatiwalaan mo. Alalahanin mong karamihan ngayon sa ibang bansa ang mga magkababayan na rin ang nagsisiraan. So you need to keep yourself from those possibilities of danger. You have my full blessing too, anak." Nakangiting tinapik ni Ace Cyrus sa balikat ang anak na naghahangad ding makapagtrabaho sa Saudi Arabia.

Patrick Niel endlessly expressed his gratitude of appreciation to his family. He gained their blessings for him to go and work overseas particularly in Riyadh Saudi Arabia. He will be working as a surgeon doctor in Al-Jazeera Hospital.

BROKENHEARTED BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon