Chapter 05

95 11 25
                                    

Destin Hart (Point of View)

Ilang araw na magmula noong nangyare ang kahihiyan na ginawa ni Lucas. Nandito kami ngayon sa field ng school habang nakatanaw sa naglalaro ng football. Umiinom ako ng milk tea at kape naman ang iniinom ni Lucas. Hilig sa kape eh, nakahanap pa tuloy ng Lasallian.

Nasa kape ang true love talaga.

"Lucas, bawas bawasan mo nga 'yang ngiti mo. Hindi ba nangangawit pisnge mo kakangiti?" Panunukso ko. Kanina pa kasi siya panay ngiti at bungisngis habang tutok na tutok sa phone niya.

Sino naman kaya ang kachat nito?

Bigla naman siyang bumusangot at bumaling sa'kin. "Pinagsasabi mo? Di nga ako nakangiti eh," pagdedepensa niya.

"Sige, kunware di ko nakita."

He just rolled his eyes on me. "Wala talaga! Issue ka! Di naman ako nakangiti habang kachat yung guwapo pero pangit ang ugali na taga DLSU, eh!"

Ngumisi ako dahil sa sinabi niya. DLSU pala, ah. "Ah sus! Crush mo nga talaga 'no!? Hala sige magpa-uto ka!"

"Wow naman, po! Parang hindi uto-uto ah," sarkastikong sagot niya.

"Hi pres! Hi destin." Sabay kaming napabaling ni Lucas sa nagsalita at nakita si Sebastian na hinihingal at pawisan.

Naglalaro kasi siya ng football kaya nga nandito kami eh, syempre para matanaw ko siya habang naglalaro.

"Oh! Hello Grayson! Tapos na ang laro?" Nakangiting tanong ni Lucas.

"Hi," bati ko gamit ang maliit na boses.

Malapad na ngumiti si Sebastian sa'min. "Di pa pres. Kinuha ko lang 'tong bola tsaka break daw muna," sagot niya kay lucas tapos bumaling sa'kin. "Hey cutie! Wala ka bang project ngayon?"

I blushed. Rinig ko ang pagtawa ni Lucas ng marinig ang sinabi ni Sebastian.

"Actually! Meron! Boyfriend challenge daw, Grayson! For YouTube content lang sana. Kung hindi mo kasi alam content creator at vlogger 'tong si Destin!" Si Lucas.

Agad na sinamaan ko ng tingin si Lucas dahil sa sinabi niya. Gagong 'to! Pinapahiya talaga ako eh!

"Is that so?" Nakangising tanong ni Sebastian sabay baling sa'kin.

Umiling ako. "Hin-" agad na sumabat si Lucas.

"Nako! Oo nga! So, ano? Payag ka ba? Kung ayaw mo meron naman kaming isa pang option. Yung captain ng basketball team sa DLSU."

Kumunot ang noo ni Sebastian at binalingan si Lucas. "Kairos Sullivan?"

Agad na kinurot ko ang bewang ni Lucas. Ano bang pinagsasasabi nitong kupal na 'to!? Dinamay pa talaga si Kairos!

"Oo!" Sagot ni Lucas sabay tango.

"I doubt that he'll agree. He's one tough guy." Si Sebastian.

Ngumisi ng malaki si Lucas. Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. "Sure, he will! Si destin na 'to eh! Crush niya!"

"Hoy pinagsasabi mo diyan!?" Bulyaw ko sabay takip sa bibig niya at awkward na tumawa kay Sebastian.

"Pasensiya kana, seb, ah. Assumera kasi talaga 'tong si Lucas," nahihiyang ulat ko, tumawa naman si Sebastian sa'min.

"Pero totoo ba na vlogger ka?" Si Sebastian

"Uhm, ano lang...gumagawa ng make up tutorials," nahihiyang sagot ko, totoo naman yung sinabi ni Lucas na nagv-vlog ako pero ayaw ko naman ipagsigawan 'yon. Nakakahiya kaya!

✓ FATE | SUNKI FFWhere stories live. Discover now