Chapter 1

40 1 0
                                    

Bryce's PoV


Shit shit shit! Traffic! Kailangan kong makarating dun agad!


Ano ba kasing nangyare sakanya?! She's such a troublemaker, kung hindi lang tumawag ang kaibigan niya ay hindi ko pa malalaman.


Nang makarating ako sa ospital ay pinark ko agad ang sasakyan ko. Patay ako kay lolo pag may nangyaring masama sakanya.


Hindi na ko nagtanong kung saan siya dahil ang sabi ng kaibigan niya ay nasa emergency room daw siya. Gaano ba kalala ang nangyare sakanya? Kahit kung pano siya napunta dito ay hindi ko rin alam.


Nang makarating ako sa tapat ng ER ay agad akong naglakad papasok kaso


"Sir bawal po kayo dito, maghintay nalang po kayo dito" pagpigil sa'kin ng isang nurse.


"Kapatid ko yung nasa loob, papasukin niyo ko" pagmamapilit ko, kailangan ko talaga siyang makita.


"I'm sorry po" pagpapaumanhin nito at yumuko. Wala talaga siyang balak papasukin ako.


Dahil wala akong magagawa ay umupo nalang ako. I hope my sister is okay.


Siya nalang ang pamilya ko, maliban kay lolo.


Matapos ang halos isang oras ay lumapit ulit ako sa nurse. Antagal naman?


"Matagal pa ba?" inip na ko, antagal naman niya


"Sorry sir, the patient is undergoing surgery" what?! ganun kalala? Ano ba talagang nangyare sa kapatid ko?


"Surgery? Bakit, ano bang nangyare?"


"Nagkadamage po yung ulo niya at nagka-internal bleeding daw po sa bandang tagiliran niya sa kaliwa."


"Kamusta naman siya?" sana maging okay ang surgery niya, mamaya ko nalang aalamin kung anong nangyari sa kanya. Basta maging okay siya.


Pasaway kasi talaga eh.


"The last time I checked po ay 15 minutes ago, okay naman po yung pasyente. Stable po ang vitals niya kaya wala pong problema sa procedure." thank goodness


"Ganun ba? Sige. Update mo nalang ako pag okay na siya. I'll be right there" at tinuro ko yung kinauupuan ko kanina.


"Sige po" tumango ito


Umalis na ko at bumalik sa kinauupuan ko kanina pa.


10 minutes ago nung huli kong tinanong pero nakakaramdam ako ng uhaw. Tumayo muna ako para bumili ng maiinom. This seat is killing me.


Nakarating na ko sa entrance pero hindi ko parin mahanap ang vending machine nila dito, ni hindi ko nga alam kung meron.

Blood type: O-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon