Chapter 3

61 1 2
                                    

Ang hirap mag keep-up ng PoV ng lalaki, lalo na pag babae ka. T.T


Bryce's PoV


"How is she?" tanong ko dun sa nurse


"Ilang beses niya na pong naigalaw yung daliri niya kanina, ang sabi po ni doc ay magigising narin siya mamaya."


"Okay, you may go now." at lumabas na ito.


I sat in chair in a corner. Do I always have to wait for her like this? Wala na akong magagawa kaya umupo nalang ako at naghintay. This is my only chance to escape.


Unknown girl's PoV


Ugh, ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak.


Teka, nasan ba ko? Pilit kong dinilat ang mga mata ko pero sadyang ang hirap talaga.


Try ko ulit. 1.2.3


Aww, ansakit sa mata. Masyadong maliwanag, patay na ba ako?


Nang maka-adjust ang mga mata ko ay ngayon ko lang napansin ang isang lalaking nakatayo sa tapat ko. Ito na ba yung anghel na sinasabi nilang sumusundo sa mga namamatay? Ang gwapo pala.


Nginitian ko ito pero hindi ako nito pinansin. Sadyang snob ba talaga ang mga anghel?


Mabait naman 'to siguro anghel nga eh.


"Mabuti naman at gising ka na" kasi po susunduin niyo na ko?


Gustuhin ko mang magsalita ay nasasaktan ako kahit buksan ko palang ang bibig ko. Ano bang nangyare sakin?


Lumapit lalo yung anghel sakin. Ang gwaaaaapo talaga.


Pagkalapit niya ay inilahad niya ang kamay niya. Teka, dapat ba kumapit na ko sakanya dahil sinundo niya ko at aalis na kami?


Gustuhin ko mang tanggapin iyan ay hindi ko magawa, hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Ansakit talaga.


"Now, pay for my blood" ano raw?


"huh?" success! nagawa kong magsalita pero ang sakit parin


"You heard me right, pay for my blood" hindi ko magets ang sinasabi ni kuyang anghel


Tinry kong igalaw ulit ang buong katawan ko. Hindi naman ako nabigo pero masakit parin.


"Naririnig mo ba ako?" ang sungit naman ng anghel ko


Sa pakonti-konti kong paggalaw ay nagawa kong makaupo ng bahagya. Sa wakas! Pero ansakit ng tagiliran ko sa kaliwa at ang sakit parin ng ulo ko. Anong bang nangyare sa'ken?

Blood type: O-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon