Chapter 6

27 2 0
                                    

Cayenne's PoV

"Ofck, hindi pwede 'to." hay nako, kanina pa niya sinasabi yan at kanina pa ko nahihilo sa pagbabalik-balik niya.

"Di mo nalang sundin si lolo mo, ngayon nga lang daw siya nagrequest sayo diba? Mukha namang madali lang ang hinihiling niya eh" tsaka please lang itigil mo na yang pabalik-balik mo, nahihilo na 'ko. Pero syempre hindi ko na binanggit yung huli, magalit pa lalo yan sa'kin si Bry eh ang sungit niyan.

"Alam mo ba kung ano yang sinasabi mo? Gusto tayong patirahin ni lolo dun sa mansyon!" titira lang pala, ang OA naman ne'to ni Bryce.

"Titira lang pala eh! Ang ewan mo rin minsan Bryce eh, simpleng hiling ni lolo aayawan mo pa" ang kyut kaya ni lolo magpuppy eyes kanina kay Bryce pagkatapos nilang mag-usap hahaha. Nako kung ako yan, napa-oo agad ako ni lolo.

"Psh, fine! Bahala ka" at bigla itong nagwalk out. Adik din 'to si Bryce minsan eh.

Uupo na sana ako't magsisimulang mangalikot ng kung ano-ano mang games dito sa bagong phone na binili ni Bryce para sakin kaso bumalik ito't may hinagis na bag sakin.

"Adik ka talaga no?! Makabato naman 'to!" KJ talaga niya, huhuhu

"Pack your things, pupunta na tayo dun mamaya."

"Agad-agad?" excited naman neto ni Bry

"Oo, agad-agad. Para matapos na 'to"

"Ngayon daw ba agad?"

"Oo, ngayon na kaya magsimula ka na"

"Eh yung gamit mo?" mamaya palalayasin lang pala ako neto, wag naman sana huhuhu.

"Psh, ayos na yung akin"

~~~~~~~~~~~~~

"Malayo pa ba?"

"Not as far as 5 minutes ago" sungit! Excited lang ako makita si lolo eh.

"Edi wow!" I crossed my arms at humarap nalang ako sa bintana. Bahala siya dyan.

Mga tatlong minuto palang ang nakalipas simula ng humarap ako sa bintana ay nakaramdam nanaman ako lalo ng pagkabagot kaya naman ay binuksan ko ang music player netong sasakyan ni Bry.

"Baby come back! Ohhhh~ You can blame it all-" asar naman oh!

"Bryce naman kasi eh! Ang KJ mo naman, kainis!"

"Just, sleep! Hindi ba tayo pwedeng bumyahe ng tahimik hah?!"

"Ang boring mo kasama!" kulang nalang ay pakiramdaman ko kung humihinga pa tong katabi ko eh.

Pagtingin ko sakanya ay tumingin din ito sakin sandali at kumindat.

Oo na! Gwapo sana, kaso ang yabang. Hmmph!

"Trust me babe, I've heard that before. Same name, different face. You will do well. Tsaka bakit ka naman nababagot? Pwede mo namang tingnan magdamag tong gwapo kong mukha. Maswerte ka nga't libre lang eh!" aba! Ang hangin oh, nakarating na ata ako sa SoKor sa sobrang lakas.

Di ko man magets ang pinagsasasabi netong lalaking 'to ay nginitian ko siya ng pasarkastiko na sa tingin ko naman ay napansin niya dahil nagsmirk pa ang loko.

Sa inis ko sinipa ko ang pinto sa tabi ko.

"Hey! Babae tigilan mo yan. Wag mong sipain 'to si Fawn pag nagasgasan siya patay ka talaga sa'kin!" pagbabanta niya.

Matatakot sana ako if I met him the first time today like what happened back in the hospital but nah. SANAY NA SANAY NA KO SA MENOPAUSE NA LALAKING YAN.

Blood type: O-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon