Maybe This Time
by Michael Murphy"Teacher Claire!" May isang batalyon ng mga cute at makukulit na kabataan ang sumugod sa'kin. Kanya-kanya silang hawak ng mga papel. "Tapos na po!"
Pilit silang nag-uunahan sa pagpapasa ng art work na pinagawa ko sa kanila kanina. Tignan mo nga naman ang kakulitan ng mga 'to. Kaya ko nga sila iniwan ng gawain sa classroom kasi may pupuntahan at aasikasuhin ako saglit. "Nasaan si Teacher Graziela?" tanong ko habang kinukuha na ang mga papel nila.
"Nasa classroom po! Niiwan po namin!" Humahagikgik at proud pa ang mga batang 'to sa pagtakas nila. Mga kinder students sila at tinuturuan ko.
Napailing nalang ako. Hindi talaga kaya mag-isa ni Graziela ang kakulitan ng mga 'to. "O siya, magsipasok na kayo. Bawal kayo dito, oh." Tinuro ko yung paligid kung saan may construction na gagawin. "Baka mabagsakan pa kayo ng mga woods. Hala, sige, pasok na. Magagalit na ako sa kakulitan niyo."
Mababait naman silang nagsisunod at bumalik sa classroom nila, well, maliban sa pinakamaliit at pinakamakulit na si Yui. Imbes pabalik sa classroom, tumakbo ang bata papunta sa ginagawang building.
Tinawag ko siya pero hindi ako pinansin. Napilitan tuloy akong tumakbo papunta sa kanya. "Yui!" Napasigaw talaga ako kasabay ng pagyakap ko sa bata. May maliit na kahoy kasi na pabagsak sa kanya. Mabuti at naabutan ko siya, at sa kabutihang palad--kung mabuti man nga--ay hindi siya nasaktan, kundi ako.
Pero parang may hindi tama. Tinamaan ako pero hindi ganon kalakas at kasakit. Isa pa, parang hindi lang ako nakayakap kay Yui. Parang may nakayakap sa'kin, pero hindi si Yui kasi maliit siya kung ikukumpara sa nararamdaman ko.
Slowly, I looked up to see who it is. "Uhm."
Humiwalay yung lalaki--yes, lalaki siya. "Nasaktan kayo?" he asked with concern obvious on his face.
Imbes na sumagot ay natahimik ako. This man... I know him, and I'm sure about it. Tumango lang ako at binalingan muna ng tingin ang estudyante ko. "Go back to the classroom, Yui. We will talk later, okay?"
"Sorry, teacher." Behaved siya tumango at lumakad pabalik ng classroom.
"Ikaw? Ayos ka lang?" he asked again kaya napatitig ako sa kanya. Then, he smiled. "Hi."
I neither speak nor move. I was frozen for a while. Tama ba ako ng nakikita? Siya ba talaga 'to? "H-hello." I didn't want my voice cracked. Hindi ko lang talaga ma-control ang nararamdaman ko ngayon. I was too shocked for this.
Nilahad niya ang kamay niya. "Engineer Russell Perez," pagpapakilala niya.
I smiled and gladly accepted the handshake. "Teacher Claire," I also introduced. "Nice meeting you again."
"You still know me. Nice," I said, trying to prevent my smile.
"You remember me, too. That's good."
"How can I forget?" I said meaningfully, trying to send him the quote, I remember the man but not the feelings. "It's nice to know that you already succeeded." I tried my best to sound as formal as I can. Hindi na ako teenager para magpakita ng kilig ko sa kanya kagaya noon.
"Ikaw din," he said. "Congrats dito sa school mo. Masaya akong magtrabaho rito."
"Oh." Muntikan pa akong matulala. "You're the engineer that will replace Engineer Veda."
Nakangiti siyang tumango. "That's a great pleasure."
"Y-yeah." Napilitan akong ngumiti. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Magsasalita palang ako nang tawagin ako ni Teacher Graziela dahil umiiyak daw si Francine. I told her na susunod na ako so I looked at Russell. "I'll see you around."