Chapter 1

12 3 0
                                    

Bumangon si Alliyah at tiningnan ang kanyang cellphone, 30 minutes nalang bago magsimula yung klase niya kaya pumunta agad siya sa banyo at dali-daling naligo. Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nag-ayos at bumaba agad para kumain, pagkatapos niyang kumain ay agad siyang nag-toothbrush at sumakay ng tricycle papuntang school niya.

Pagkarating niya sa school ay tumakbo siya sa loob ng paaralan papuntang klase niya, eksakto nasa labas siya sa classroom, nasa labas pa ang guro, may kausap. Pumasok agad siya sa classroom at pumunta sa upuan niya.

"Oh andito na pala si imaginary girl," sabi ng isa sa mga kaklase niya na si Danelle. Hindi umimik si Aaliyah, pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya na ang pagsusulat.

"Ah ganun di mo'ko papansinin ha?" sabi ni Danelle kay Aaliyah at kinuha yung kwaderno ni Aaliyah kung saan siya nagsulat.

"Give that back, Danelle!" galit na sabi ni Aaliyah kay Danelle at pilit kinuha yung kwaderno.

"No! Let me read it fir—"

"Danelle Jade! Give that notebook back!" galit na sabi ng guro kay Danelle at agad sinauli yung kwaderno.

"I did not raise my advisory to bully each other! Danelle, go to the principal's office!" galit na sabi ng guro kay Danelle.

"Oooh" sigaw ng buong klase.

"Silence!" sigaw ng guro.

"But Ma'am we were just playing around, right Aaliyah?" tanong ni Danelle kay Aaliyah. Hindi umimik si Aaliyah.

"Looks like she disagrees with you, to the principal's office, now!" sabi ng guro kay Danelle.

"Unbelievable!" galit na sabi ni Danelle at lumabas ng classroom. Sinimulan agad ng guro yung klase.

Tatlong oras ang nakalipas ay recess na, pumunta si Aaliyah sa canteen para bumuli muna ng snacks bago pumunta sa silid-aklatan.

"Isang sandwich at iced tea po," sabi ni Aaliyah at binigay yung bayad sa tindera at pumunta sa silid-aklatan.

Pagkarating niya sa silid-aklatan ay pumunta siya sa mesa kung saan siya palaging umupo at pinagpatuloy niya ang pagsusulat niya.

30 minutes nakalipas ay tapos na ang recess kaya bumalik ulit si Aaliyah sa classroom at nagsimula agad yung klase.

Pagkalipas ng 2 oras ay lunch na, pumunta siya sa canteen, bumili siya ng kakainin niya at pagkalingon niya ay nakita niya yung kaibigan niya na si Ashley.

"Aaliyah!" masayang sumigaw si Ashley kay Aaliyah. Tumako siya papunta kay Aaliyah.

"Ashley! Kumusta na? Sina Tito? Ba't 'di nagsabi na uuwi ka sa Pinas?" tanong ni Aaliyah kay Ashley.

"Andami mo naman tanong, wala bang I miss you diyan? Oh libre? hehehe," sagot ni Ashley kay Aaliyah.

"I miss you, at saka ikaw ang manglibre! ikaw kaya yung galing sa states!" sagot ni Aaliyah pabalik kay Ashley, Natawa ang dalawa at pumunta sa lamesa at kumain.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpatuloy ulit si Aaliyah sa pagsusulat niya.

"Oh? Nagsusulat pa pala bebe ko ah, anong genre ba yan?" tanong ni Ashley kay Aaliyah.

She's A Writer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon