Chapter 3

2 2 0
                                    

Kinabukasan ay maagang bumangon si Aaliyah para maligo, Pagkatapos ay nag-ayos ito ng kanyang sarili at bumaba para kumain.

"Buti naman maaga kang nagising," sabi ng ina nito.

"Syempre, ako pa ba ma, responsible citizen of the Philippines kaya 'tong anak mo," mayabang na sabi ni Aaliyah sa kanyang ina.

"Asus, majority ng ginagawa mo ay irresponsable, umupo ka na nga at kumain na," natawang sabi ng ina niya.

"Mama naman eh," inis na sabi ni Aaliyah sa kanyang ina at umupo sa harap ng mesa.

"Totoo naman yung sinabi ko ah? Eto pagkain mo," nilapag ng ina ni Aaliyah ang pagkain ni Aaliyah. Hotdog at itlog ang ulam nito.

Pagkatapos kumain ni Aaliyah ay nag-toothbrush agad ito, pagkatapos ay kinuha yung gamit niya, sumakay ng sasakyan at umalis.

Pagkarating niya sa paaralan ay bumaba siya sa sasakyan.

"Salamat kuya," pagpapasalamat niya sa driver nila at sunira yung pinto. Pumasok siya at pumunta sa kanyang locker, pagkarating niya sa locker ay tinignan niya ang cellphone niya.

loversmeet • 2 hours ago

You got 1 new message from Zorex!

Agad niya tinitignan ito, binuksan niya ang app at pinindut yung conversation nila.

06:29 a.m 06/03

Zorex

Good morning beautiful!

Don't forget to eat your

breakfast! Please take care

of yourself!

Napa-ngiti si Aaliyah sa nabasa niya at biglang may nararamdaman si Aaliyah na hindi niya nararamdaman noon. Naramdaman niya ang hindi komportable na pakiramdam sa loob ng kanyang tiyan habang binabasa ang text message ni Zorex.

Aaliyah

Good morning too!

Please take care of yourself

too! Kain na din! Good luck

sa school!

Reply niya kay Zorex at pinatay agad yung cellphone niya, Pinilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Bubuksan na sana ni Aaliyah ang kanyang locker ay nakita niya si Danelle, kausap niya ang kanyang jowa na si Miles.

"Miles! What happened? Bakit ang cold ng pagtrato mo sa'kin?!" litong tanong ni Danelle.

"Walang nangyari! Break na tayo! Ginawa mo akong tanga!" galit na sabi ni Miles.

"W-what? What do you mean?" litong tanong ni Danelle kay Miles habang hinawak niya ang braso ni Miles.

"You know what I mean! Bitaw! Tapos na tayo!" galit na sabi ni Miles at hinila yung braso niya, iniwan niya si Danelle sa harap ng locker nito.

She's A Writer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon