Sabado na ng umaga ay tulog pa rin si Aaliyah, kumatok si Houston at nag salita.
"Bunso? Gising ka na ba? Papasok ako ha?" pagpaalam ni Houston sa kapatid niya at dahan-dahan niyang binuksan yung pintuan. Nakita niya si Aaliyah, tulog pa rin kaya dahan-dahan niyang isinira ang pinto at bumaba.
"Nak, kain na, si Lia nasaan?" tanong ng ina nila.
"Nandun sa kwarto niya, tulog pa," sagot ni Houston sa kanyang ina.
" 'Yang batang yan nagpuyat na naman kagabi," alalang sabi ng kanilang ina.
"Kain nalang tayo, mag-iwan nalang ako ng pagkain para sa kanya," pag-aaya ng ina nila, umupo si Houston at kumuha ng pagkain. Ilang minuto ay bumaba si Aaliyah, bagong gising lang ito.
"Oh, gising na bunso namin! Halika kana nag-iwan ako ng pagkain para sayo," pag-aaya ng ina nila. Lumapit si Aaliyah sa mesa at umupo para kumain. Havang kumakain si Aaliyah ay nagsalita ang kanyang ina.
"Nagpuyat ka na naman noh?" tanong ng ina nila.
"Wala namang klase ngayon ma eh, nagsulat ako ng bagong kwento," paliwanag ni Aaliyah.
"Sana all pinuyatan ang pagsusulat, di nga ako pinuyatan ni Elaiza," mahinang sabi ni Houston.
" 'Di ka raw worth it puyatan eh, hahaha," natawang sagot ni Aaliyah. Binatok ni Houston ang noo ni Aaliyah.
"Aray ko naman! Ma oh! Si kuya binatukan niya ako!" sumbong ni Aaliyah sa ina nila.
"Kain ka na nga diyan, ikaw rin Ton 'wag mo babatukin kapatid mo! 'Di na kayo mga bata," saway ng kanilang ina. Nagsamaan ng tingin sina Houston at Aaliyah, pinagpatuloy ni Aaliyah ang pagkain niya, at naghugas naman ng pinggan si Houston.
~~~~~~~
Pinagpatuloy ni Aaliyah ang pagsusulat niya.
'Kakauwi lang ni Aaliyah galing klase at nagsusulat ito ng panibagong kwento. Habang nagsusulat siya, tumunog ang kanyang cellphone, tiningnan niya ito, si Wave pala nagtext, binuksan niya ang text at binasa ito.'
'09:30 p.m 08/12'
' Wave
"Aaliyah, may sasabihin ako sa'yo,"
Wave
"Tungkol ito sa katotohanan,"
Aaliyah
Katotohanan?
Aaliyah
Why are you calling me by my name?
Aaliyah
Hello?
Aaliyah
Hello?!
Aaliyah
Wave, answer me! '
![](https://img.wattpad.com/cover/343810312-288-k351929.jpg)
BINABASA MO ANG
She's A Writer (Completed)
RomantikShe's a writer, one that writes about love and death. One day, she meets someone online who says and acts exactly as one of her characters did.