No Pain, No Worries

0 0 0
                                    

There's this classmate of mine na sobrang masikreto sa buhay. Tahimik lang siya sa room at tila laging wala sa sarili. Tipong buong pagkatao niya, tago talaga.

One day, sinubukan kong lumapit sa kanya at kausapin siya. Wala kasi siyang kaibigan ni isa sa school namin kasi ayaw niya raw magkaroon. As in never talaga.

Inaasar na nga siya kasi hindi siya nagsasalita. Pipi raw kumbaga. Kaya ayun, siguro lalo pang nahiyang makipag-interact sa amin.

Umupo ako sa tabi niya at nagsalita, "Naj, 'di ka ba talaga mag-s'share?"

Tinanggal niya ang earphones niya't tumingin sa ibaba. Hindi ako pinansin.

"Huy." Pangungulit ko pa.

Tumingin siya nang matalim sa akin at nagtanong, "Ano bang kailangan mo?"

Oo, inabala ko siya. Curious lang naman kasi ako.

"Ahm, ano... ano kasi..."

"Ano? Wala kang sasabihin? Umalis ka na." Sa halip na isaksak niya ulit ang earphones niya sa dalawa niyang tainga'y kinuha niya na lamang ang kaniyang libro't nagbasa.

"Naj, hindi mo pa rin ba tatanggapin 'tong offer kong friendship?" curious kong tanong at napangiti nang kaunti, malay mo this time, pwede na.

"Hindi pa rin," masungit niyang saad.

"Bakit ba? Sabihin mo. Hindi yung palagi ka na lang tumatanggi sa kung kanino man. Wala ba kaming lugar diyan sa puso mo? Kahit sa kasuluk-sulokan man lang?"

"I don't like to be attached with other people." Malakas niyang ibinagsak ang binabasa niyang libro at humarap muli sa akin.

"Is that an acceptable reason?" tanong ko.

"Yeah, it is. So, stop forcing me to be your friend or whatsoever because I don't wanna be a part of anyone's life. Ayoko nang gulo. No attachments, no pain. No pain, no worries for me." Walang emosyong wika niya at bumalik muli sa pagbabasa.

Naibagsak ko ang kamay ko sa armchair at napasigaw, "You're being selfish, alam mo ba 'yun?"

"Ayokong dumating sa puntong ako na naman ang magmamakaawang may manatili sa tabi ko. Kasi lahat ng mga taong inaasahan ko'y bigla nalang nawala," seryoso niyang tugon at tumayo na sa kaniyang upuan.

Napaisip ako. May history ba siyang kailangan kong malaman? A story from the past na talagang ayaw niyang ibahagi sa kahit kanino man sa mundong 'to? I'll try to find out.

"Hindi naman ako aalis. Pangako 'yan. Try me, wala namang mawawala."

And by that, we bacame friends or should I say, super bestfriends. Hindi na kami mapagkalayo dahil nakuha ko na ang loob niya. For a couple of months, unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit sa ganun. Kung bakit iba ang pananaw niya sa buhay.

Magkabaliktad kami ng mga paniniwala't personalidad ngunit hindi 'yun hadlang para mahulog kami sa isa't isa.

"Thank you for staying in my life. It really means a lot to me, Caleb," nakangiti niyang sambit sa akin at niyakap ako nang mahigpit sa isang parke na gustong-gusto naming pinupuntahan tuwing kami'y masaya o malungkot.

"Sabi naman sa'yo, Naj e, I'll stay. Kahit mahirap man, kahit alam kong ayaw mo, ipipilit ko pa ring ipagsiksikan ang sarili ko para sa'yo. 'Wag kang mawawala, ha?"

"Hindi kita bibiguin. Hindi ako mawawala sa tabi mo. Promise 'yan."

Promise 'yan.

Nagsinungaling ka. Kaya pala ganun.

Sa simula pa lang may mali na.

Ayaw mo ng attachments. Kasi alam mong iiwan ka. Katulad nang nangyari sa nakababata mong kaibigan. Isinisisi mo sa sarili mo ang pagkamatay niya mula sa pagkakabangga kahit na niligtas ka lang niya mula sa kapahamakan.

Tingin mo makasarili ka dahil puro ikaw at ikaw lang ang inintindi ng marami.

Ngayon, nag-iba bigla.

Sa halip na ikaw ang iligtas ko, ikaw pa ang nawala.

Ikaw naman ang nagligtas sa akin.

Alam mo, tama ka. Mahirap nga kapag napalapit ka na sa isang tao. Hindi mo alam kung sino ang pipiliin at uunahin mo. Sarili mo o siya na malaki ang naging parte sa buhay mo.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko nang makita ang katawan mong naliligo ng dugo at wala nang buhay.

"Sana ako nalang ang nawala't hindi ikaw."

Magmula noon, hindi na ako naging malapit sa kahit kanino. That tragedy serves a lesson for me to avoid having a relationship toward others and even an interaction.

Now, I'm also afraid of getting attached with anyone. You're right. No pain, no worries.

Bullets of Hope and Tragedy (COMPLETED)Where stories live. Discover now