Chapter 4

2 0 0
                                    

Paguwi ko may dala nakong 2 burger, pasalubong ko sa kapatid kong pacool.



"I'm home!" I happily said, while taking out my sandals.



"Ansaya mo ate ah, nakita mo si Oliver?" tanong ni leo, habang naglalaro ng PS5.



Diko siya pinansin at pinakita ang supot, na may lamang burger "May pasalubong ako!" masaya kong sabi.



"Wow ate, good mood ah" nakangiting sabi ni leo.



"Syempre naman" umupo ako sa tabi ni Leo. "Para looking young' everyday" ngiti ko, sabay abot ng isang burger kay Leo.



"Mamaya niyo na kainin yan!, malapit na tayo maghapunan!!" sabi ni mama, mula sa kusina.



"Ma, hindi po ako dito maghahapunan!" sabi ko, sabay kagat ng burger.



"Sigurado ka? Adobo itong niluluto ko" my weakness.



"Pero kakain po ako ng kaunti" pagbawi ko.



"Ate, take out mo ko ha" pag request ni Leo.



"FYI reunion yun, hindi birthdayan sa kapitbahay" paglilinaw ko, sabay pingot sa tenga niya. Dadamay pako sa mga kalokohan, daming alam.



"Maa!!! si atee" daing niya.



"Tumigil na kayo sa paghaharutan, at kakain na tayo!" sabi ni mama.



"Mahuli sakanya ang puwet" hamon ko kay Leo, sabay takbo. Pero nahawakan niya agad ang kamay ko at tinulak. Mabilis na hinawakan ko naman ang damit niya sa likuran at tinakpan ang mukha, sabay tulak sa sofa.



Mabilis agad akong nakapunta sa kusina at umupo. "Ma, kay Leo po yung bandang puwet" sabi ko sabay tawa. Nakakatawa yung mukha ni Leo.



"Ang daya" reklamo niya.



"Ang ambagal mo kasi, para kang pagong" pang aasar ko. Habang kumukuha ng kaunting kanin at madaming ulam.



"Oh ayan, adobong puwet" ngiti ko sakanya, pati si mama napangiti.



I smiled widely while eating my dinner, hindi ko pinansin ang kapatid kong masama ang loob na kumakain ng puwet ng manok. Naubos ko na yung kanin, kaya yung ulam naman ang titirahin ko. Kaya lang biglang may kumatok, napatigil tuloy ako sa pagkain.



Bago ako tumayo, I licked my finger. Nagkakamay kasi ako pag favorite ko yung ulam. Tsaka tumayo nako at dali daling binuksan ang pinto. Pagbukas ko bumungad sakin si Vanessa. She's wearing a black bodycon dress partnered with black jacket and black sandals, while her hair is hairdown.



'She looks so pretty and damn sexy'



"Wow ha! Black, Vampire" bungad ko sakanya.



"Rawrr" with action sabay tawa niya. "Oh ito' pinabibili mo" sabay abot ng paper bag.



"Lakas ko talaga sayo, thank you ha" ngiti ko.



"Wala yun. Just call me gorgeous, Vanessa!"with using hand movement.



"Thank you, Giorgina Vanessa" tawag ko sa real name niya na ikinasimangot ng mukha niya.



"Joke lang! pasok kana may mango float na ginawa si mama" sabi ko. "Gorgeous Vanessa" dugtong ko agad, na bigla niyang kinangiti at mabilis na pumasok.



Pagpasok niya binati niya agad si mama. "Hi po tita! may mango float daw po kayo"



"Oo Van, gusto mo bang tikman?" tanong niya. "Maupo ka at ipagkukuha kita" sabi niya at tatayo na sana.



"Naku! wag napo, ako napong kukuha" tanggi niya agad, sabay bukas ng ref. Basta favorite food niya, wala ng diet diet.



Pagkalapit ko sa dining, kitang kita ng dalawa kong mata. Kung paano kainin ni Leo ang adobong manok ko. "Hoy!! sinong may sabing kainin mo yan ha!" sita ko kay leo. "Diba adobong puwet lang ang sayo, bat mo tinitira yan!??" dugtong ko pa.



"Ate naman ihh, wala namang laman tong puwet nato" sabay taas ng puwet ng manok. "Gusto mo din ba kong mangayayat tulad nito, ha!!" pagmamakaawa niya.



'I looked so angry, but deep inside I felt so happy teasing him, with that thing puwet' hahahaha



"Sige kainin mo na nga yan, ano pa bang magagawa ko" kunwaring concern ko at mabilis na pumasok sa kwarto para magayos.



"Thank you ate!! best girl ka talaga" rinig kong sabi ni Leo.



Pagpasok ko sa kwarto, tiningnan ko agad ang oras. It's already 8:32p.m, kaya pumasok nako sa banyo para mag half bath.



After 15 minutes, lumabas nako na naka bathrobe. Nakalimutan kong dalhin at tingnan yung dala ni Vanessa.



I slowly opened and get the outfit I would wear. 'It's a pink flowy puffed dress'.



Ang ganda niya, excited nakong suotin. Kaya niblower ko agad yung buhok ko at sinuot yung dress. 'It fit me nicely'.



I stared at the mirror and see my reflection. 'I'm so......pretty'. Ito ang unang beses na nagsuot ako ng dress. But I don't know. Maybe I wear like this before, pero hindi ko lang matandaan kung kailan at saan.



Narinig ko ang pagbukas ng pinto. From the reflection of the mirror. Nakita ko si Vanessa na nakangiti.



"Sabi kona' bagay sayo ih" ngiti niya. "Makeup-an na kita?" tumango ako.



Habang nimamakeup-an ako ni Vanessa, naisipan kong magtanong sakanya. "Van, nakapagsuot naba ako ng dress dati?" nakapikit kong saad.



"Oo naman, madalas ka ngang magdress pag may mga event nung highschool" sagot niya. "Tapos andaming nakatingin palagi sayo, pag dumadaan ka ng hallway" masaya niyang sabi, kahit diko nakikita. "Ikaw kaya ang muse ng section natin" dugtong niya.



"Talaga?.....andami ko palang nalimutan dati no" sagot ko. "Pero bakit si Oliver lang yung natatandaan ko?" Iminulat ko ang mata ko. "Kung hindi kapa nagpakilala sakin dati nun......siguro? hanggang ngayon hindi parin kita kilala" tumigil si Vanessa sa pagmamakeup.



"Tapos naba??" tingin ko sakanya.



"Ahh....Oo tapos na" sagot niya "Gusto mo, kulutin ko dulo ng buhok mo?"



"Sige, tapos lagyan mo nito" kinuha ko yung ribbon sa drawer at mabilis niya itong kinuha. Sinimulan niya na kong ayusan.



She style my hair, according to what I want. It's a half up, tapos nakatali na yung ribbon sa buhok ko and in the end of my hair it's a bit curly.



"Siguro naman, mapapansin kana ni Oliver nan" saad niya.



I smiled, tapos nakong ayusan ni Vanessa. I just stared in my vanity mirror for 30 secs. Nakatitig lang sakin ang kaibigan ko. Tapos bumaba na din kami.



"Ma, alis napo kami" sabi ko.



Lumingon si Leo at mama. "Wow ate!!, ganda ah" leo teased me, habang naglalaro ng PS5.



Mabilis naman na lumapit sakin si mama. "Ang ganda naman ng anak ko!!" sabi niya, habang nakahawak saking pisnge. "Oh sige, pwede na kayong umalis, basta wag magiinom ha" paalala niya.



"Oo ma, wag po kayo magalala" sabi ko at yumakap sakanya. Tapos lumabas na kami ni Vanessa.



Pagkalabas namin tiningnan ni Vanessa, kung may tao sa bahay nina Marche. Tumingin din ako, wala dun yung kotse niya.



"Hindi yun pupunta" walang gana kong saad.



"Pano mo naman nasabi??, porket ba wala yung kotse niya diyan" she paused waiting for my answer "Nevermind" irap niya, sabay pasok sa kotse.



'Galit ba siya'



Pagkapasok ko, may biglang sinabi si Vanessa.



"He's your first love"


Jelouiva

His Love Stare Memories ( Stare series #1 )Where stories live. Discover now