Sa pagbaba namin sa kotse ni Vanessa, kitang kita na namin yung malaking usok galing sa loob. Kagaya ng dati marami paring costumer. Sa pagupo namin sa restaurant ni Mang Tino ay diko maiwasang libutin ang paningin ko sa paligid. Naalala ko tuloy yung mga memories namin dito, halos 3 years nadin nung huling punta ko dito. Best seller parin nila yung mang inasal with garlic rice.
"Anong order ng dalwang binibini" bungad samin ni Mang tino, habang kami ay nakaupo na sa bandang gilid ng grilled resto.
"Long time no see Tay Tino!, Dati parin po, yung masarap at juicy niyong inasal" Vanessa said. "Saka extra rice daw po sabi nung kasama ko" dugtong niya sabay turo sakin. 'Alam na alam ah'
"Hi po, Tay tino" sabay kaway ko sakanya habang nakapatong ang siko ko sa lamesa.
"Oh Dianne kamusta!! mukhang lalong kang gumanda ah" galak niyang sabi.
"Maliit na bagay" ngiti ko sakanya "Nga pala Tay tino, mukhang palaki ng palaki ang negosyo niyo ah" ang ganda ng design lalo na yung mga halaman sa bawat gilid may pagka-nature tuloy yung resto, hindi katulad ng dati halos puti lang ang nakikita.
"Sinuwerte lang" ngiting sagot niya.
"Sinuwerte? Ang sabihin niyo masarap talaga ang pagkain dito" sagot ni Vanessa tapos nag thumbs up pa siya. "Ano po bang secret ingredients niyo, pabulong naman Tay tino" sabay lagay ng kanang kamay niya sa pisngi na parang bumubulong.
"Secret nga ih, bat naman niya sasabihin sayo" pagsingit ko. Nakita ko pang biglang sumama ang tingin niya sakin.
"Joke lang e, bakit bawal ba magbiro ha!" sagot niya sakin at inirapan ko naman siya. "Kaya siguro wala kang boyfriend eh, ang seryoso mo sa buhay" dugtong niya na nagpainis pa lalo sakin.
"Eh ano naman, atleast maganda" sabay hawi ng kaunting buhok sa aking balikat.
"Dika naman nililigawan ni Oliver hon Gutierrez" diin niya sa pangalan. Sakit, kaya inirapan ko nalang siya.
"O sige maiwan ko muna kayo, habang kayo ay nagtatalo" ngiti niya samin. "Babalik din ako kaagad" sabay talikod ni Mang tino saamin.
"Tay tino! Pa-add nadin po ng desert, Halo Halo!!" medyo pasigaw kong sambit, para marinig niya.
YOU ARE READING
His Love Stare Memories ( Stare series #1 )
Teen FictionI don't remember anything about you. But my Diary still remember the tragic past and memories between us. Could I still remember the memories we make in several years? Or we need to accept the fact that we are not really meant to be to each other. U...