ELIZABETH
Nagising ako ng maramdamang ko may nakatingin sakin. Pagmulat ko ng mata bumungad sakin ang magandang mukha ni Ashley. Hays kung ito lang din naman ang makikita ko tuwing umaga siguradong hindi ko na gugustuhin pa matulog ulit.
Ng makita nyang gising na ako ay ngumiti na sya sakin. Ang ganda talaga ng ngiti nya.
"Goodmorning" binati nya ako. Pero bigla akong kinilig.
Hoy Ash bakit ganyan ka? umagang umaga pinapakilig mo ako. Nagtago ako ng ilalim ng kumot para hindi nya makita ang pagmumukha ko.
"Hey what's wrong? bakit ka nag tatago dyan?" tinatanggal nya yung kumot sa mukha ko.
"Kinikilig ako sayo. Goodmorning din" sabi ko sa kanya. Aba bakit ko pa idedeny eh halata naman?
Tumawa lamang sya sakin at humalik sa noo ko.
SHE KISSED MY FOREHEAD GUYS!
Hala bakit biglang naging sweet si Ashley? Ano bang meron kagabi? Umalis lang naman ako ng walang paalam diba? Tapos naabutan ko s'ya rito na hinihintay ako.
"Mag ayos kana d'yan. Mag hahanda ako ng breakfast natin." Tumayo na s'ya mula sa pag-kakaupo n'ya sa kama. Napansin kong nakabihis na s'ya ng uniform namin. Siguro ay maaga s'yang nagising.
Ang aga naman n'ya. Kung ganun ay kanina pa ba syang nakatingin sa'kin? Dali dali akong pumunta sa banyo para tingnan ang sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala akong panis na laway. Nakakahiya naman kasi diba? sa ganda kong 'to tapos makikita nya lang akong may panis na laway. Hay nako makapag ayos na nga lang.
Nang matapos akong makapag ayos ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. Naabutan ko si Ashley na nag hahain sa lamesa. Wow ang sarap naman. Sinangag, longganisa, at cornbeef yung niluto n'ya ngayon.
"You're just in time, mine. Umupo kana para makakain na tayo" hala wait ano raw? tinawag n'ya ulit akong mine!!!! Tapos kagabi tinawag n'ya akong baby.
Namumula ang mukha ko habang umupo sa tapat n'ya. S'ya na rin ang nag sandok ng kanin ko at naglagay ng ulam sa plato ko. Ang sweet ng fiancée ko diba? sa'kin ito guys.
Pero habang kumakain kami hindi ko maiwasang isipin yung nangyare kagabi. Celine's back. She's here in the Philippines. Hindi ako tanga para hindi mapansin na nagkikita na sila ni Ashley.
Si Celine ba yung lagi nyang kausap sa telepono? Si Celine ba yung lagi n'yang pinupuntahan kapag umaalis s'ya dito sa bahay?
Pero bakit hindi n'ya sabihin sa akin? Bakit n'ya tinatago? Nasasaktan ako tuwing iniisip kong nag sisinungaling sya sa'kin. Sana man lang maisip n'yang kailangan kong malaman kung nandito na ba yung karibal ko.
"Hey, are you okay? you look like you're about to cry? Panget ba yung lasa ng niluto ko? If you want pwede naman tayong dumaan sa coffee shop before we go to school para dun na lang kumain"
Dahil sa lalim ng pag iisip ko ay hindi ko namalayang lumapit na sa tabi ko si Ashley.
Tumingin ako sa kanya at hindi ako sumagot. Pwede ko bang matawag na cheating yung ginagawa mo sa'kin? May karapatan ba akong magalit sa'yo Ash?
"Shit you're crying. What's wrong?? Please tell me what's wrong. You're worrying me, El" niyakap n'ya ako at tuluyan na akong naiyak. Bakit kasi ang rupok ko pag dating sa'yo Ash.
"About last night, totoo bang nakauwi na si Celine?" i asked her habang pinapatahan n'ya ako. Naramdamang kong napatigil s'ya dahil sa tanong ko. Ilang minuto s'yang natahimik. Dahil sa katahimikang nangyare mas lalo akong naiyak. Sobrang sakit isipin na mukha syang nag dadalawang isip kung magsasabi sa akin ng totoo. It's me, Ash. Kahit masakit mas gugustuhin ko pa rin malaman ang totoo.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
Teen FictionAshley and her friend Elizabeth is engaged but it's arranged marriage, no feelings involved GXG VOTE COMMENT TAGALOG