DRAIVEN'S POV
Bwisit! sabay sipa ng basurahan kaya ikinagulat ng mga tao sa paligid ko.
" Gagantihan kita maghintay kalang at ibibigay ko sayo hinahanap mo" inis na sinasabi ko habang naglalakad patungo sa library, diko den malaman kung ano trip nung tao nayon napaka sensitive diko tuloy malaman kung lalake ba talaga yon or medyo half eh bukod sa height nyang akala mo bubuwit yung asta pa ng pananalita nya napakalambot sa halip na matakot ako sa banta nya mas ginaganahan pakong bwisitun sya.
Nandito na ako sa Canteen ngayon grabe ang daming tao at kumuha ng isang libro sa bag ko para magbasa at kalimutan ang nangyari kanina, sa hindi inaasahan ay nakita ko nanaman ang bubuwit na bwisit sa buhay ko at kumakain pa ito ng fries at siomai, mukhang may chance nako makaganti HAHA nagtago ako gamit ang librong hawak ko dahil papunta sya sa kinaroroonan ko ng makita ko na syang papalapit sa akin ay pinatid ko sya kaya naman napasalpak ito at tumapon ang kinakain nyang siomai at fries.
" Blag!" sa sobrang lakas ng kalabog nya at tumapon ang toyo sa polo nyang kulay puti, naagaw atensyon ito ng mga tao kaya nakatingin silang lahat sa amin.
"Shet! Ano ba bat ba nakaharang yung paa mo dyan bulag kaba?" sabi nito sa akin at akoy natatawa lamang habang nakatakip ng libro yung mukha ko.
"Sinabi ng bul" hindi na nya natapos ang sinabi nya dahil sa nilabas kona ang aking mukha.
"Ikaw nanaman? Wala ka talagang modo hano? " nandilim nanaman ang paningin ko sa binanggit nyang salita.
"Sabi ko naman sayo diba? Mali ang kinatalo mo!" at nakita ko sa mukha nya na parang naluluha ito.
"Ano ba talaga problema mo? Bakit mo ko ginaganito? Wala naman akong ginagawa sayo ha?" pagkakasabi nito sa akin habang kita sa mata nya ang nanggigilid na luha.
"Oh iiyak ka? nasaan na yung tapang mo kanina? May nalalaman kapang tingnan naten kung san ka pupulutin? ilabas mo tapang mo ngayon!" nagsimula ng magbulong-bulungan ang mga tao sa paligid na akala mo nanunuod ng Live Bardagulan
" Alam mo hindi ko expect na may mga taong kagaya mo" banggit nito sa akin na akala mo ay aping-api.
"Ako din diko den akalain na may mga ganyang tao kagaya mo HAHA isang basura! Pwe!" sambit ko sa kanya na ikinagalit naman nito tumayo ito at biglang.
" Plak!" sinampal nya ako ng napaka lakas.
"Walang sinuman ang may karapatang tumawag sakin nyan! Kung may basura man dito ikaw yon! Dahil sa ugali mong patapon!" natigil ako sa ginawa nya sa akin at mga sinabi. Nagulat din ang mga tao sa ginawa nyang pagsampal sa akin.
" Bakla ka siguro hano?" Evil smile " Sa halip na suntok ang gawin mo sa akin ay sampal ang inabot ko sayo?" kita sa mukha nya na natataranta sya umiikot ang mata nya na parang ikinahiya nya ang pagbanggit ko na bakla sya .
"Hindi nako magtataka kaya naman pala kanina habang hinampas moko ng notebook mo ay nagtaka ako na ang hinhin mong gumalaw HAHA! now I know" saka ko sya binigyan ng nakakalokong ngiti.
Umalis na ito kaagad at habang nakatalikod sya ay nakita kong nagpunas ito ng luha sa mukha nya.
"Sabi kona Una palang ramdam kona HAHA!" bulong ko sa sarili ko.
"Oh Tapos na ang Live show pede na kayong bumalik sa paglamon ninyo" sabi ko sa lahat ng Marites dito sa school kaya naman dali-dali silang inalis ang tingin sa akin. Paglabas ko ng Canteen ay may tumatawag sa akin sa bandang likuran ko.
"Draiven! Draiven!" paglingon ko ay si Ken lang pala. Ito si Ken kaibigan ko sya since Elem hehe ito kasama ko sa lahat ng kabugukan kong ginagawa sa Eskwelahan or kahit saan pa man. Kasing tangkad kolang ito na 5'10 yun lang mas maputi sa akin ng bahagya, kulay brown ang mga mata nito at naka Right side ang hawi ng buhok. " Draiven!" pagtawag nya sa akin.. " Ano bakit ba pre?" masungit na sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
TUTORING THE PLAYBOY
RomanceAng istoryang ito may isang Play boy na si Draiven Lars at dahil sa isang Bisexual na lalake ay biglang magbabago ang buhay nya. Sa hindi inaasahang isang pagkakamali ay magbabago ang buhay ni Gray na magiging isang tutor sya ng Play boy at papahira...