CHAPTER 11: THE AGREEMENT

4 2 0
                                    

GRAY'S POV

"Ha? Baliw kaba? masyado ka naman atang abusado Draiven? Magkano ba yung kotse mo at babayaran ko nalang" pagdidiwara ko sa kanya sabay tulak para makawala sa kamay nya.

"Hmmm..... 1.5 Million lang naman yan Gray so pwede kona ba itong makuha bukas?" napalunok naman ako ng laway at nanlaki yung mga mata ko nung nalaman ko yung presyo nung sasakyan.

Saan ko naman kukunin yung gaanong kalaking pera? Kahiya-hiya na talaga yung inaabot ko dito at hindi dapat malaman nila mama at papa ito. Ayokong may iniisip silang iba ayokong ma stress sila sa akin.

"Ano? Kaya moba? Mukhang namumutla kana ata?" sabay ngisi ng nakakaloko.

"Fine! Sige papayag nako" wala na akong ibang iniisip kundi kapakanan ko at ng magulang ko. Ayokong dumating sa point na malalaman pa nila ang tungkol dito dahil tiyak ay agad silang pupunta dito.

"Ayan ganyan madali ka naman palang kausap simula ngayon lahat ng ipapagawa ko at uutos ko sayo gagawin mo" dahan-dahan siyang lumalapit sa akin habang binibigkas niya yung salitang yan.

"Oo na Satanas kadami mo namang sinasabi" yung maamo nyang awra kanina ay napalitan ito ng nagsalubong na kilay.

"Ayusin mo yung pananalita mo Gray, baka nakakalimutan mo? Kaya kitang ipakulong anytime naalala mo?" natahimik nalang ako sa sinabi niya.

"Saka ang gusto kong itawag mo sa akin ay" huminto ito saglit at tila nag-iisip.

"Ano?" sagot ko sa kaniya.

"Master"

"HAHA! Master? San mo naman napulot yan? Ang baduy ha? HAHA!" natawa naman ako sa sinabi niya.

"Wala kang pakialam! Basta inutos ko sundin mo! Nagkakaintindihan ba tayo Gray?"

"Opo"

"Opo?"

" Opo Master"

"Good Boy, Kung ganyan kalang kabait at masunurin ade wala tayong magiging problema. By the way ang tawag ko sayo ay Pri" nagtaka nanaman ako kung baket ganon tawag niya. Napaka daming alam ng lalaking ito.

"Ano nanaman? May sarili akong pangalan baket hindi nalang yon?" pagtataray ko sa kanya.

"Pri, it means Prisoner tanga mo naman"

"Haysst Sige! May magagawa ba ako kung mag papaalila ako sa isang.."

"Isang ano?" nanlaki naman mata niya.

"Isang gwapo Yieeee" sa sinabi kong ito kitang-kita sa mukha niya ang pamumula nito.

"Lumubay ka Half-half,  mamaya may game akong basketball puntahan moko at kuhanin mo yung dami ko sa motor ko, eto yung susi. Tandaan mo may violation kana kaya wag monang dagdagan pa.

"Napakadami mo namang utos saan ba at anong oras ha?

"Mga 5:30 pumunta kana at dalhan mona din ako ng tubig ha?" umalis na yung mokong habang naka ngiti at iniwan lang akong tulala sa gilid.

"Jusko! mas masahol papala sa calculus na magpapahirap sa akin! Argghhh!!" naghihihiyaw nalang ako sa gilid at wala akong pake kung tingnan ako ng mga taong dumadaan. Nakakainis naman e dami konang obligasyon sa buhay dadagdag pa itong isa na ito.

Naglakad nalang ako pabalik ng room na hindi maipinta ang mukha dahil sa mga nangyari sa akin. Pagdating ko sa room ay busy ang bawat-isa at may kanya-kanyang hawak na reviewer, nakita ko naman si Lester na nagrereview sa gilid kaya naman pumunta ako doon at tinabihan ko siya.

"Oh? Saan ka galing? bat ganyan itsura mo?"

"Wala, hindi lang talaga maganda araw ko ngayon"

"Ano pala yung nangyari sa office? Bat ka nila pinatawag?"

TUTORING THE PLAYBOY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon