After naming kumain nila janine, lester, michi, at sam ay pupunta na ako sa Techbuilding para puntahan ang next subject namin. Tiningnan ko yung oras at pasado 3:50 pm na, so 10 minutes nalang at magsisimula na yung klase."Guys so paano una na ako? May klase pa kami e" pagpapaalam ko sa kanila.
"Hoy beh! baka nakakalimutan mong kaklase mo ako halika magsabay na tayo" sabi naman sakin ni Lester.
"Osige Next time nalang ulit ah? Bye na baka mahuli pa kayo sa klase" Janine
"Hoy Gray sumama ka kaya mamaya? Manonood ako ng basketball mamaya 5:30 sa gym kasi maglalaro yung baby Draiven ko" Michi
Shet Potang ina! Manonood siya? Ade makikita niya ako mamaya don habang pinagsisilbihan si Draiven? No! Kailangan kong makagawa ng paraan.
"Ahmmm.... Hindi na may mga gagawin at tatapusin den ako sa calculus e siguro next time nalang" pagpapalusot ko kay michi.
"Ganon ba? Sige next time nalang oh sya bye na" nagbeso-beso na kaming lahat at nagpaalam sa isa't isa.
Habang naglalakad kami papunta sa room ay nag-iisip na ako kung paano koba matatakasan si michi mamaya, sigurado ako na magtataka yon kapag nakitang pinagsisilbihan ko si Draiven. Mag-isip ka Gray! Mag-isip ka.
Nakarating na kami sa room at umupo sa likod syempre sino pa ba katabi ko? Ade si Lester lang naman HAHA buti nga kahit papano may isa akong ka close dito sa room. Inikot ko yung paningin ko at nakita ko nanaman na wala si Draiven dito, baliw talaga hindi pumapasok para sa basketball? Anong klaseng mindset yan?
"Okay kalang ba?" Lester
"Oo naman baket mo naman natanong?" kinakabahan ako sa awra ng tingin ni Lester.
"Hindi ka kasi mapakali tapos yung kilos mopa parang palagi kang natataranta, ano ba talaga problema mo gray?" pagtatanong niya at mukhang seryoso siya this time.
"Wala Les, sadyang madami lang gawain at nakaka stress dami kong iniisip kaya wala den ako sa mood minsan" pagdadahilan ko sa kanya.
"Sure ah? Basta magsabi kalang sa amin kapag may problema ka tutulungan ka namin" nakaka touch at nakakakunsensya dahil nagsisinungaling ako sa kanila.
"Salamat Lester"
Dumating na yung teacher namin at nagsimula ng mag discuss hanggang ngayon nag-iisip paden ako kung paano ako makakalusot mamaya bahala na si Batman need ko mag focus sa discussion kaysa kay Draiven na wala naman akong mapapala.
DRAIVEN'S POV:
Malapit na mag 5:30 pero hanggang ngayon wala paden si Gray, ano kaya trip nung isa nayon? Subukan niya lang talagang hindi ako siputin at magsisisi siya.
"Pare, malapit na mag start yung game focus nadaw sabi ni Coach" sabi nung isa kong ka team.
"Oo Pare may hinihintay lang ako" sabi ko naman sa kanya.
Wala akong tubig at wapa paden yung pamalit kong damit, Oo kahit dipa tapos yung game gusto ko kumpleto na gamit ko para diretso nalang palit after game. Ay syempre yung tubig ang importante dahil palagi akong babad sa game kaya naman need ko ng tubig. May sarili akong tubigan kaya naman yun lang ang iniinuman ko maarte talaga ako at wala silang magagawa don.
"Okay now Let us all welcome the Engineering student from Araullo University" sabi ng nagsasalita at sigurado akong magsisimula na ang game.
"Let's meet the first five of this team starting with
Jersey number 5: Abalos
Jersey number 7: Villegas
Jersey number 1: Palomo
Jersey number 16: Calbay
And last Jersey number 13: Delbalye
BINABASA MO ANG
TUTORING THE PLAYBOY
RomanceAng istoryang ito may isang Play boy na si Draiven Lars at dahil sa isang Bisexual na lalake ay biglang magbabago ang buhay nya. Sa hindi inaasahang isang pagkakamali ay magbabago ang buhay ni Gray na magiging isang tutor sya ng Play boy at papahira...