Freya
Excited akong gumising ngayong araw dahil may pasok na kami.
Freya college ka na!
Marami akong naririnig na mahirap daw sa college kaya dapat mong enjoyin yung high school life mo. Pero dahil hindi naman naging masaya 'yung high school life ko, dito na lang ako babawi, kung 'di pa ako binabawian ng buhay sa college hahaha.
"Good morning, Anastasia. Ang ganda naman ng anak ko," hinalikan ako ni mama pagkadating ko sa dining area.
"Syempre mana sa 'yo, ma," humalik din ako sa pisngi nito.
Napa wow ako dahil ang daming pagkain sa lamesa. May bacon, egg, hotdog at hindi ko na alam ang tawag sa iba.
Hindi kami mayaman, at hindi ko rin masasabing mahirap kami. Siguro nasa gitna kami o kung tawagin ay middle class.
Si papa ay isang engineer habang ang mama ko naman ay isang architect. Parang destiny talaga sila. Ang ganda tuloy ng bahay namin. Nagtulong sila para matayo 'to eh.
"Where is your husband?" tanong ko rito dahil wala na naman si papa.
"Let's not talk about your ugly father, ayoko masira ang umaga ko," pagtataray nito kaya napanguso ako.
Sigurado akong nag away na naman ang dalawang 'yan. Parang mga aso't pusa eh.
"Nakita ko pala 'yung ex boyfriend mo, may kasamang aso," nabulunan ako sa sinabi ng mama ko kaya agad niya akong inabutan ng tubig.
"Mama naman eh!" sinimangutan ko ito.
"Oh bakit? Nakwento ko lang eh. Hindi ka pa ba nakaka move on sa unggoy na 'yon? Myghad Freya, napaka pangit ng lalaking 'yon."
"Mama, matagal na akong walang paki alam sa kanya. Ayoko ng makakarinig ng tungkol sa kanya please?"
"Sorry, anak. Gusto ko lang naman kasi sabihin na 'yung pinalit sa 'yo eh hipon. Napaka pangit anak."
Nasapo ko ang noo dahil sa panglalait ni mama. Grabe wala man lang filter ang bibig ng babaeng 'to.
"Ma, your words."
"Oh bakit? Totoo naman 'yung sinasabi ko ah. Nakita mo na ba kung gaano ka kaganda, Anastasia? Sobrang ganda mo anak."
Right. I know that I'm beautiful. I've been into pageants way back. 'Yung ex ko nga, supportive pa sa 'kin. Pero sa una lang siya magaling.
Niloko niya ako at pinagpalit sa kaibigan ko. Totoo nga ang kasabihan na, daig ng malandi ang maganda. Hindi ko sinasabi na pangit siya, sabi ko malandi hahaha.
After that, umayaw na ako sa lahat. Gusto ko na lang ng simpleng buhay. Sana nga makuha ko 'to ngayon. I'm looking forward in my college life.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na kinakausap ako ni Tracy.
Papunta kami ngayon sa educ bldg. Mabuti na lang talaga at kaklase ko ang isang 'to.
"What's your problem ba? Share mo naman?"
"Iniisip ko lang kung paano kita papatahimikin. Ang daldal mo eh."
"Ang harsh mo naman sakin," umarte itong nasasaktan kaya nagtawanan kami.
"Do you like someone, Tracy?" tanong ko rito ng makarating kami sa room 104.
"Why? Mukha ba akong inlove?"
"Just asking."
"To tell you honestly. Sinundan ko rito sa MSU 'yung taong gusto ko."
"Follow your dreams yarn?" nagtawanan ulit kami hanggang sa nagdatingan ang iba pa naming blockmates.
YOU ARE READING
ENCOUNTER (ON GOING)
RomanceFreya Anastasia Collins is healing her heart from her ex boyfriend who cheated on her. She then met this girl who make her question her own sexual orientation, Artemis Winter Salvador, clearly is a walking red flag. But she make Freya crazy over her...