Freya
Mabilis na lumipas ang oras. Namalayan ko na lang na nagtutulak na ako ng cart dito sa supermarket.
Absent kasi 'yung instructor namin ng 1pm kaya naman napaaga ang uwi ko.
Mabuti nga at hindi nag aya ng gala ang mga kaibigan ko. May quiz kasi kami sa major subject namin bukas kaya sigurado akong mag aaral ang mga 'yon.
Napatingin ako sa cart ko na wala pa ring laman. Ano ba bibilhin ko?
Ang totoo wala naman akong alam lutuin bukod sa pritong sunog hahaha.
Bahala na nga. Dadamputin ko na lang kung ano madapuan ng mata ko.
Nauna akong pumunta sa mga canned goods. Kinuha ko ang lahat ng klase kahit hindi ako pamilyar sa iba. Napadaan din ako sa mga pasta at noodles. Naagaw ng pansin ko ang shin ramen, favorite ko 'to eh.
Inisip ko muna kung anong meron sa kusina namin bago nagpatuloy sa pagdampot.
"Wala na ako maisip," ani ko.
"Mind if I help you?" napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita.
"Papatayin mo ba ako sa nerbyos?"
"Sorry. Sobrang tutok ka kasi sa ginagawa mo kaya hindi ko ako napansin."
"So, kasalanan ko?"
"No, hindi 'yon ang point ko."
"Lumayas ka nga sa harap ko."
Parang kabute 'tong si Artemis, biglang sumusulpot kahit saan.
"Ikaw na nga tinutulungan, nagsusungit ka pa. Give me that, kid," mahina niya akong binatukan kaya lalong sumama ang mukha ko.
Inagaw nito ang cart mula sa kamay ko. Epal.
Hinayaan ko na lang siya ng kumuha ng kahit ano.
Medyo namangha lang ako dahil alam na alam niya kung alin ang kukunin at hindi dapat.
Sabagay, sanay kasi siya tumira mag isa. Magiging kagaya niya rin kaya ako?
Kumuha ako ng maliit na cart at iniwan siya. Kukuha ako ng mga gusto ko hehe.
Kumuha ako ng mga snacks, anything na chocolate. Kumuha rin ako ng malalaking chips.
Baka may mang gate crush sa condo, eh 'di may ipapakain ako.
Nang matapos ay dumiretso ako sa counter para magbayad.
"That would be 834 pesos mam," sabi ng cashier kaya agad kong nilabas ang card ko.
Umalis agad ako sa supermarket dahil nagugutom na ako.
May nakalimutan ba ako?
Parang meron.
Putangina.
Si Artemis iniwan ko. Patay ako nito.
Babalik na sana ako sa pinanggalingan ko pero nakita ko siya na nagbabayad na sa counter. Masama ang tingin nito sa 'kin kaya nag peace sign ako.
Dali dali akong lumapit sa kanya para tulungan siyang ayusin 'yung mga pinamili niya. I mean 'yung pinamili ko! Gosh nakakahiya.
Pinagsasama sama namin 'to sa malaking cart at pumunta sa parking lot.
"Binayaran mo ba 'to?"
"What do you think?"
Sabi ko nga.
Paano ba ako makakabawi sa kanya? Mayaman naman siya kaya wala lang sa kanya 'to.
Eh kung ipagluto ko? Kaso hindi pala ako sanay magluto.
YOU ARE READING
ENCOUNTER (ON GOING)
RomanceFreya Anastasia Collins is healing her heart from her ex boyfriend who cheated on her. She then met this girl who make her question her own sexual orientation, Artemis Winter Salvador, clearly is a walking red flag. But she make Freya crazy over her...