Freya
Maaga akong bumangon dahil balak kong mag jogging sa park. Malapit lang ito sa bahay namin.
Kailangan ko na magbawas ng sama ng loob, este calories.
Tiningnan ko muna ang itsura ko sa salamin. Ang ganda ko.
Nakasuot lang ako ng sports bra at leggings. Kailangan ko pa rin i-maintain 'yung maganda kong pangangatawan kahit hindi na ako sumasali sa pageant.
Nahirapan kaya ako i-achieve 'yung ganitong waistline samahan mo pa ng abs. Nakakamatay na workout ang ginawa ko.
Nakakamiss nga pumunta ng gym pero mas mabuting dito na lang ako sa bahay namin. May sarili na kasi akong gym dito sa bahay, pinagawa nila. Kumpleto lahat ng equipments dito, ako nga lang gumagamit.
Madalas kong gamitin 'yung treadmill, pero dahil gusto ko ng fresh air, doon ako sa park tatakbo.
Nag stretching muna ako ng katawan bago tuluyang lumabas ng bahay namin.
Tulog pa yata sila, 5am pa lang kasi.
Hindi pa masyadong maliwanag pero hindi naman ako natatakot. Mas nakakatakot pa pagmumukha ng ex ko eh.
Naglakad muna ako papuntang park namin. Gaya ng inaasahan, may mga nagjojogging na rin. Halos mga matatanda 'to. Siguro payo ng doctor nila na mag ehersisyo.
Hanggat maaari ayoko ng may kumakausap sa 'kin. Kaya nag suot ako ng earphone at sinalpak sa tainga ko.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagtakbo. Sobrang init na rin. 'Yung pawis ko naglalapot na amp.
Nagpahinga muna ako sandali pagkatapos ay nagpatuloy ulit sa pagtakbo.
Alas otso pa naman ang unang klase ko ngayon kaya ayos lang kung tatakbo pa ko ng isang oras.
Nauuhaw na ako, nakalimutan ko palang bitbitin 'yung tumbler ko. Sa bahay na nga lang ako iinom.
Balak ko na sanang umalis sa park dahil ang dami ng tao. Ayoko talaga sa tao. Hayop kasi ako char.
Bigla kong nakita 'yung taong matagal ko ng iniiwasan. Anak ka talaga ng nanay mo oh.
Nakalimutan kong nakatira lang pala kami sa isang subdivision. Kukunin ko na nga 'yung regalong unit sa 'kin ng ninang ko.
Grabeng pag aadjust 'tong gagawin ko para sa kanya. Dapat siya nga 'yung umalis. Napaka kapal ng mukhang magpakita sa 'kin matapos akong lokohin.
Akala ko naman magtatagal sila ng kaibigan ko, ex kaibigan pala. Pero hindi, pinagpalit agad. Pinaka gago 'yan sa lahat ng gago eh.
Bakit ba kasi naisipan ko na dito mag jogging. Nakakainis ka na Freya.
"Long time no see, Freya," anas nito na agad kong inirapan.
"Don't tell me hindi ka pa rin nakaka get over sa nangyari sa 'tin 6 months ago?" dagdag pa nito na mas lalong ikinakunot ng noo ko.
"Hinding hindi ko makakalimutan kung anong ginawa mo sa 'kin. Kapal ng mukha mong batiin ako ah. Saan ka kumuha ng kakapalan ng mukha?"
"Matagal na akong humingi ng sorry sa 'yo, Freya. I told you it was a mistake. Lasing lang ako no'n. I didn't cheat on you."
"Lolo mo cheat," iniwan ko na 'to dahil nakaka badtrip ang pagmumukha niya.
Pero bigla nitong hinigit ang kamay ko. Nagulat na lang ako ng bigla itong lumuhod sa harap ko.
"Freya, gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako. Let's start again, baby," pagsusumamo nito.
YOU ARE READING
ENCOUNTER (ON GOING)
RomanceFreya Anastasia Collins is healing her heart from her ex boyfriend who cheated on her. She then met this girl who make her question her own sexual orientation, Artemis Winter Salvador, clearly is a walking red flag. But she make Freya crazy over her...