Chapter 2

1 0 0
                                    

Freya

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Eto tuloy nakalutang ako habang nagdidiscuss 'yung instructor namin sa PSYCH 100.

Oo, discussion agad dahil sayang daw sa time. Alam niya kasing maraming events na magaganap kaya mas maganda raw kung matapos agad namin ang syllabus na hinanda niya.

Bakla ang instructor na nagtuturo kaya nagtatawanan ang mga kaklase ko. Magaling kasi 'to magturo, at isa pa, walang filter ang bibig nito. Matanda na raw kami kaya dapat 'di namin binibigyan ng malisya ang ganoong bagay. Hindi raw 'yon malaswa.

Siguro nga hindi, pero iba utak ng iba. Sobrang dumi niyan Sir.

Hindi na rin nakabalik si Tracy kaya naman wala akong maka usap dito. Nasaang lupalop na kaya ang babaeng 'yon?

Pagkatapos lumabas ng instructor namin ay nilapitan ako ng isang grupo ng babae.

"Hi, Freya. Gusto mo ba sumama sa 'min?" tanong nung pinakamaliit sa kanila.

Hindi naman sila mukhang mean girls or bully. Pero ayoko ng kaibigan.

Pero sabi nila mama mas okay raw maraming kaibigan.

Sige na nga.

"Saan ba kayo?" tanong ko.

"Mag mnm lang," sagot nung nakasalamin na babae.

"Mnm?" tanong ko dahil hindi ko alam kung tama ba ang mnm na iniisip ko.

"Mix and match, Freya. Libre ka namin," sagot naman nung babaeng singkit ang mata.

Akala ko 'yung mnm ni Toni Fowler, 'yung masarap na mommy.

"Sige."

Sumakay kami sa dalang kotse ni Charlotte, 'yung singkit na babae. Nalaman ko na rin ang pangalan nila. 'Yung pinaka maliit na katabi ko sa back seat ay si Abigail. 'Yung naka upo naman sa passenger seat na nakasalamin ay si Emery.

Tahimik lang ako buong byahe, ganoon din ang mga kasama ko. After 10 mins ay nakarating na kami sa mall.

Akala ko ay mnm lang talaga ang bibilhin pero nagulat ako ng makitang umaapaw ang pagkain sa lamesa namin.

Iba naman pala ang mnm na tinutukoy nila. Halos lahat yata ng pagkain sa jollibee ay nandito sa lamesa namin.

Nakakatuwa nga dahil akala ko puro sa mamahaling fast food chain lang kumakain ang mayayaman. Siguro trip lang nila dito ngayon.

"Let's eat. H'wag ka mahiya sa 'min Freya. Kami lang 'to," nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Emery.

Mukha silang mayaman pero lowkey lang parang si Tracy.

"Nasaan pala si Tracy? First day pa lang pero nag half day agad,' tanong ni Charlotte habang kumakain kami.

"Hindi ko rin alam. Sabi niya hanap siya ng mommy niya. Hindi na nga nakabalik," malungkot na sagot ko.

"Paano niyo pala kami nakilala?" tanong ko sa kanila.

Hindi naman kasi kami nag pakilala isa isa sa harapan kanina. Kaya nakakapag taka lang na kilala nila ako maging si Tracy.

"We know Tracy since high school, pati na rin 'yung ate niyang babaero. Masyadong matunog ang pangalan nila sa dati naming school eh," napatango na lang ako ng sagutin ako ni Abigail.

Isa lang ang tumatak sa isip ko. Babaero.

"Tell me about Artemis," maging ako ay nagulat sa lumabas sa bibig ko.

"Bakit naman si Artemis? Eh si Tracy kaibigan mo," sabi ni Charlotte.

"Kasi nga kaibigan ko si Tracy, kaya bakit ako magtatanong ng tungkol sa kanya?" sagot ko.

ENCOUNTER (ON GOING)Where stories live. Discover now