/capítulo uno/
___________________________
"Puyat ka na naman?"
Gulat akong dumilat at umayos ng upo dahil sa pag-snap ni Ate Ly sa harap ng mukha ko. I rubbed my eyes and lightly slapped my face para magising ang diwa ko. Nasa trabaho ako at kaharap ko ang computer kaya antok na antok ako. Dagdag pa 'yung nakatapat sa aking A.C.
"Pa-headbang headbang ka na riyan, akala ko naging rockstar ka na ng wala sa oras, inaantok ka lang pala!" Komento ni Ate Ly at umiiling-iling pa habang tumatawa. "Bakit ka kasi laging puyat? May boyfriend ka na, 'no?"
Tinawanan ko lang si Ate dahil sa sinabi niya. "Hay nako! Sa daming pwedeng maging rason para magpuyat, boyfriend talaga ang naiisip mo, Ate Ly?" I shook my head.
"E, ano ba, girlfriend?"
"Hindi! Tinulungan ko kasi ang kapatid kong mag-drawing ng mga organs. Sa Anaphy nila 'yun. Ang dami ng pinapagawa sa kanila, halos hindi na nga 'yun natutulog, e!" Pagkwento ko habang minamasahe ang sintido. Sumasakit na ang mata ko kakaharap dito sa computer. Kailangan ko na talaga ng anti-rad glasses.
"Dakilang ate naman pala!" Singit naman ni Ate Risa na may bitbit nang pagkain. Snack time na pala.
Ako lang 'ata ang dalaga rito. Lahat sila ay may mga asawa at anak na, 'yung iba naman ay married pero wala pang anak. Kaya madalas kapag nag-titsismisan sila tungkol sa married life ay hindi ako makaka-relate.
Madalas din talaga akong puyat dahil pag-out ko rito sa trabaho ng mga 4 PM ay magluluto pa ako ng kung anu-anong dessert para mabenta ko online. Minsan inaabot ako ng 10 PM sa pagluluto dahil marami-rami rin ang umu-order. Masaya naman ako kahit nakakapagod dahil at least dagdag sa kita ko 'yun.
Sobrang gastos kasi ng kursong nursing. Kahit free tuition sa UP Manila kung saan nag-aaral ang kapatid ko ay ang dami pa ring kailangan bilhin tulad ng mga libro, sphygmomanometer, stethoscope at marami pang iba. Ako lang ang kumakayod dahil ayaw kong pagtrabahuin ang kapatid ko habang nag-aaral. Gusto kong makapag-focus siya sa pag-aaral niya.
Kaya kahit magkanda-kuba na ako kakatrabaho ay ayos lang.
I did some stretching bago nilagay ang nga gamit ko sa bag at handa nang umuwi. Ako ang huling lumabas sa amin kaya paglabas ko ay naka-upo na sila sa mga upuan sa waiting area, waiting for logout.
"Susunduin kayo ng mga asawa niyo, Ate Ly, Ate Risa?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanila at umupo.
"Oo. Ikaw, sinong susundo sa'yo?" Tanong din ni Ate Risa.
"Wala. Commute lang ako," sagot ko naman. Kung pwede nga lang lakarin ay lalakarin ko talaga. Kaso medyo malayo 'yung apartment namin mula rito.
"Mag-jowa ka na kasi. Nasa tamang edad ka naman na, e. Hindi naman sa desisyon ako buhay mo, ha, at hindi ko rin sinasabing kailangan mo talaga ng lalaki sa buhay pero kasi base on experience lang, mas gagaan ang buhay kapag may katuwang ka." Ate Ly advised me again. Parang silang lahat na yata ang nakakapagsabi sa akin ng ganyan.
Hindi ko naman minasama ang sinasabi nila. Naiintindihan kong gusto lang nilang may katulong ako sa buhay dahil saksi talaga sila kung paano ako nahirapan. Bitbit ko lahat ng responsibilidad na naiwan ng mga magulang ko. Hindi naman sa bitter ako, it's just that I don't need a man. Kaya ko naman. Kaya hindi ko sila kailangan.
Naiba na rin ang topic nang sumali na sila sa usapan nina Kuya Leo at Kuya John, mga security guards dito sa bank. May pinag-uusapan silang tungkol sa basketball. Hindi lang pala about marriage ang topic na hindi ako maka-relate. Lahat yata ng topic nila ay hindi ako makakasabay. Wala kasi akong panahon sa mga bagay-bagay dahil puro ako trabaho.
BINABASA MO ANG
Amòur Lumière
RomanceAn inherently ALPHA female who thrives into the havoc world abruptly unforeseen the ALPHA male who would alter her loathing about the population of male. Will she be able to modify and change her views?