| в третьей главе | •chapter tres

39 2 0
                                    

/capítulo tres/

___________________________________

"Ate, please... I'm begging you tara na!" Jazzy cried with plea.

Nagpa-panic na si Jazzy at pasimpleng tinatakpan ang mukha niya pati mukha ko. Hila pa rin siya ng hila sa 'kin dahil may iilan nang taong nakatingin sa amin. Buti nalang at umaambon kaya hindi gaano karami ang taong nakiki-usyoso.

"¡No me iré hasta que este gigante divisivo se disculpe!" Sabi ko sa kapatid ko at hinarap ulit ang putanginang driver.

Ang sabi ko ay hindi ako aalis dito hangga't hindi humihingi ng tawad ang kalahating higanteng 'to. Anong akala nila, porket nakatayo lang kami sa gilid ng daan para mag-abang ng masasakyan at sila'y nakasakay sa magarang kotse ay pwede na nila kaming paliguan ng maruming tubig at walang sorry-sorry?! Nagkakamali sila!

"Ate, por favor eso es popular! tal vez nos hagamos virales," bulong na naman ni Jazzy at pilit akong hinihila paalis sa gulo.

Tiningnan ko ang mga mukha nila. Hindi naman familiar sa 'kin kaya iniisip kong nagsisinungaling ang kapatid ko para lang umalis na ako. Ang sabi niya kasi ay sikat ang mga 'to at baka mag-viral pa kami dahil sa ginawa ko.

"Ano, tutunganga ka lang diyan?!" Sigaw ko sa lalaking driver. Hindi pa ako na kuntento at nilapitan ko pa siya para sampalin sana siya. Kaso nahihirapan akong abutin ang mukha niya kaya hinampas ko nalang ang dibdib niya.

"Hey! Namimisikal ka na!" Inawat ako noong lalaking bumaba galing sa front seat.

Pumiglas ako para maalis ang hawak niya sa mga braso ko. "And what do you think your driver did to me?! Isn't it ironic how doltish he is for driving recklessly. Tingnan niyo ako! You, you!" Turo ko sa dalawa pang lalaki. "Tingnan niyo ako! Basang-basa ako dahil careless ka!" Turo ko sa driver. "Hindi ka naman siguro bulag para hindi ako makitang nakatayo rito sa gilid at alam kong nakikita mo rin ang tubig diyan sa kalsada!"

"Ate, please!"

"Tingnan niyo ang uniform ko! Anong susuotin ko bukas knowing my other uniforms are wet! ngayong sobrang basa na nito dahil sa katangahan mo!"

I kept on yelling at him pero wala siyang sinasabi. Nakatunganga lang siya habang nakatingin sa 'kin. Sinisiko-siko na siya noong kasama niya pero hindi pa rin siya gumagalaw. Baliw siguro ang isang 'to.

"Ate, tara na kasi! Sayang lang ang laway mo riyan dahil hindi naman 'yan nakakaintindi ng tagalog," parang bubuyog si Jazzy sa tabi ko na bulong ng bulong!

Pero... ano raw? Kaya pala nakatunganga lang dahil hindi pala ako naintindihan!

Pero paano nalaman ni Jazzy ang tungkol doon? Paano niya nakilala ang mga 'to?

"Paano mo nakilala ang mga 'yan?" Pabulong na tanong ko sa kanya.

"Paanong hindi? Mga Gilas 'yan!"

Gilas?

Muli kong nilingon ang mga Gilas kuno. Hands are on my waist at nakatingala sa kanila.

"Ito ang tandaan niyo. Hindi ako natatakot sa inyo at wala akong pakialam kung grupo kayo ng sindikato!" Isa-isa ko silang tinuro.

Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid namin dahil galit ako! Sobrang galit ako! Problematic ako in terms of financial, pagod ako, masakit ang puson ko at nabasa pa pati ang uniform ko!

Medyo natawa ang isang lalaki dahil sa sinabi ko. Napatakip siya sa bibig niya at tumalikod. Ang isa naman na mukhang mas matanda at mas maliit sa dalawa ay nakakunot lang ang noo habang nakatingin sa 'kin.

Amòur Lumière Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon