| глава шестая | •chapter seis

36 2 1
                                    

/capitulo seis/

"We'll start in 10 mins!"

The director yelled and everybody's getting ready. We're here at the studio kung saan iso-shoot ang commercial ng Eastwest Bank. I'm fixing myself dahil late ako. Buti nalang hindi ako napagalitan. Wala rin ang manager ng Gilas kaya hindi nasira ang mood ko.

While I am putting my eyeshadow, napansin kong may nakatitig sa 'kin sa kabilang side. I saw it in my peripheral vision. Nakakailang na may nakatitig sa'yo habang may ginagawa kaya pinasadahan ko ito ng tingin. I almost rolled my eyes when I saw how Dwight avoided my stare away when I glanced at him.

Tiningnan ko tuloy ng maigi ang mukha ko sa salamin at baka may dumi. "Wala naman," I whispered.

"Action!" The director yelled again.

Ready na ang mga Gilas players para sa mga acting na i-aact at mga lines na sasabihin nila. They're wearing their blue jersey uniform and shoes. Basketball attire minus the ball. Sila ang mauuna kaysa sa 'kin dahil tagline lang naman sa bank ang sasabihin ko. Mamaya pa kasi 'yung conversation namin ni Dwight about steps on how to open an account.

Siya 'yung napili sa role na 'yun dahil siya ang rising star. Kung ako ang papipiliin, ayaw kong siya ang gaganap sa role na 'yun. Nakakailang lang dahil kakausapin ko ng malapitan ang may-ari ng sasakyan na binasag ko. Tapos hindi pa ako pinagbayad, siya pa humingi ng pasensya dahil napagalitan ako ng manager nila. Parang nakaka-guilty.

Pwede naman sanang si Kobe dahil sikat din naman 'yun. Pwede ring si Thirdy, o kaya si Scottie. Bakit si Dwight pa? Bukod sa guilt feeling ko, nakakatakot pa pati ang mga mata niya. Parang suplado.

"In life, it's important to find a person who cares about you," Dwight started his line.

"Cut!" The director yelled. "Dwight, it's not 'a person', it's 'someone'! Don't be so obvious that you badly need a 'person' to care for you," he teased and everyone laughed including Dwight.

"Sorry, sorry," sabi pa niya habang natatawa pa rin sa pang-aasar ng direktor.

Patapos na ako na pag-aayos ng sarili ko. Ako lang ang nag-ayos dahil kaya ko naman. Dati pa noong nasa pageantry pa ako ay kailangan talagang alam mo at marunong ka mag-ayos sa sarili mo. According to our management, 'if you really want to be a beauty queen, you must fix yourself by yourself'. 'Yun ang tumatak sa aming mga candidates noon kaya hanggang ngayon ay dala-dala ko ang natutunan ko mula roon.

"Take two! Action!"

"In life, it's important to find someone who cares about you," ulit niya at sa wakas ay tama na ang pagkasabi niya.

"Who cares about your money," sunod namang nagsalita sa kanyang line si Kobe.

"Who cares about your success," the next line is spoken by Thirdy.

"I am Dwight Ramos,"

"I am Kobe Paras,"

"I am Thirdy Ravena,"

"And I am Scottie Thompson. When it comes to banking,"

"We, the Gilas men, bank, Eastwest!" Sabay-sabay na sabi nila.

"And... cut!" Sigaw ng direktor at pumalakpak. "Very good! Excellent! Good job, guys. One take lang. Congratulations!"

Matapos purihin ng direktor ang mga Gilas ay tiningnan niya muna ang kuha at manghang-mangha naman siya dahil ang ganda raw.

Ako na ang susunod. Kahit sobrang ikli lang ng line na sasabihin ko ay kinakabahan pa rin ako. Hindi ako sanay sa ganito. Nahihiya ako. Matagal na rin kasi simula noong nagpa-pageant ako kaya hindi na ganoon kataas ang confidence ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amòur Lumière Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon