Chapter XVIII

15.9K 290 28
                                    

XVIII: Doom


"Rafael Gonzalvez glanced at me?!"

Napantig ang tenga ko sa narinig sa aking likuran. Kanina pa maingay ang dalawang babae sa likod ko, dahilan kung bakit hindi ako makapag-focus sa laro ni Rafael!

"No! Rafael Gonzalvez glanced at me! Hindi sa'yo, girl! Feeling ka!" bato ng kasama nitong babae sa kaniya.

"Don't be so assuming, Iya! Makikita mo mamaya, saakin titingin 'yang si Rafael! I swear!"

"H'wag mo nang ipahiya ang sarili mo, Olyn. He literally smiled at me before serving the ball!"

"What? He smiled at me, hindi sa'yo! Ang sabihin mo, bulag ka!"

Pareho kayong bulag! Saakin siya nakatingin, hindi sainyong mga assumera!

I wanted to articulate those words in front of them,I'm too lazy to do it. Plus, I am certain that Rafael won't look with these two girls behind me unless they initiate conversation with me or strike me unexpectedly.

"Let's see!"

"Ten thousand, Iya, saakin dadapo ang mata ni Rafael mamaya!"

"Okay. I'm up for it. At kapag saakin siya tumingin, dadagdagan mo ng sampung libo!"

"Deal!"

I sighed and tried my best not to hear them, but their voices were really incredible! Napaka-out of this world, hindi tumitigil! I just watched Rafael playin silence play keeping my arms crossed across my chest.

Mukhang nakakalamang sila ng dalawang puntos sa kanilang kalaban. Rafael is the outside hitter, left-side hitter, and one who serves the ball. He moves with the quickness and attention of a cat. Palagi siyang naka-abang sa gilid o sa likod. Mabilis din ang mga mata niya, at kada palo nito ng bola papunta sa kalaban ay mabilis dudugpa sa sahig, hindi na naisasalba pa ng mga player sa kabilang panig.

He's so good at it! Ilang taon na siyang retired. Naalala ko, ang huling kita ko na naglaro siya ay noon pang pumunta ako sa covered court ng village kasama si Pepper. And he called me Lisa! Sariwa pa saakin ang lahat ng iyon!

"Oh, my! Ang galing niya! He scored again!" sigaw ng mga babae sa likod ko na nagpatalon saakin sa aking upuan.

Goodness! P'wede na bang lumipat sa kabila?

I was starting to become annoyed, so I rotated my head to look at them. Wala silang pakialam nang tingnan ko sila gamit ang mapakla kong ekspresyon.

"Hello?" bati pa ng isa at mukhang walang kaalam-alam.

I sighed.

The white team served the ball. Mabilis na nasalo ng kakampi ni Rafael ang bola at bumalik ito sa kalaban. The black team then got ready to block the ball with its two players, but they were unsuccessful. White team launched a fierce attack. Imbis na dumapo kaagad, napalayo ang pagpalo sa bola hanggang sa malapit na itong dumugpa sa labas ng court ng itim. Ngunit itong si Rafael ay mabilis na tumakbo at sinubukan pang isalba ang bola.

The ball was too low to be saved, but my eyes popped when I saw him sliding across the floor in pursuit of it! Naalarma ako nang malapit na malapit nang dumapo sa direksyon ko ang bola. I feared I would be struck by the ball, but Rafael, who was sliding around diverted it back from the court before it could strike me in the face.

Malakas ang pagkapalo niya sa bola na naging dahilan kung bakit nakarating ito sa court ng white team. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Bago siya tumayo ay kinindatan niya ako. He stood up nonchalantly, bumalik sa court at tumalon sa saya nang makapuntos sila dahil napalo ng kalaban ang bola palabas ng court nila.

Carrying the Real Trophy ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon