XXIV: Sacrificed
"Azura?"
My initial move after learning the results of my father's surgery was to call her phone.
"Oh, Riki? Kumusta? I missed you!" she exclaimed after hearing me.
"I'm. . . I'm fine," malamya kong sagot.
"Mabuti na lang ay tumawag ka! Marami akong gustong i-kwento sa'yo!"
I let out a big sigh and sat down in this waiting room.
Lumabas ako ng kuwarto ni dad matapos ang nangyari kanina. He asks so many questions and I'm not even sure how to give answers to them. Madalas ay tungkol pa sa kung sino ang ina ko o nasaan ang asawa niya. Paano ko sasagutin ang mga iyon, I don't even want him to remember it.
"How is the annulment procedure going?" hindi ko pagdiretso sa aking pakay.
"Bloody." She chuckled. "Kayo ba? Kumusta ka na? Still going strong with your boyfriend. . . Rafael?"
Natigilan ako.
His name.
My boyfriend.
Rafael.
How many times do I have to tell him lies? Nakakakalimutan ko nang may boyfriend pala ako. Nakakalimutan ko nang nariyan pa pala si Rafael saakin. . . pero ako itong tumataboy na sa kaniya. Ako itong nilalayo na ang sarili ko sa lalaking mahal ko.
I don't know if I can still love him at this point. I've already lost a lot. I already suffered great loss. I lost Ruth, and now I felt like I had also lost my father. Natatakot na akong panatilihin siya sa tabi ko dahil sa mga nangyayari. Ang iniisip ko ngayon, mawawala lang din siya saakin katulad nila. I'm expecting it.
I still love him, yes. But can I go on? With all of this garbage, can I still love him? I'm just so tired. I love him, but I'm tired.
Pagod na nga rin akong mabuhay at gumising sa araw-araw.
"Riki? Nandiyan ka pa ba?"
I coughed fakingly. "Ah, yes! Uhm, still pretty good! Kami pa rin naman hanggang ngayon."
"Oh? Bakit parang nag-iba ang tono ng boses mo sa huli? Ang lungkot mo yata. I assumed you two were completely in love the last time you were here with him. He's whipped for you a lot! Nagkaka-labuan na ba?"
I smiled as I detected fulfillment in her voice. Hindi na siya iyong dating Azura na malungkot at matamlay ang boses kapag kausap mo. She gained her freedom. She gained her happiness and she would never let anyone to take it away again.
Dati, pinagdadasal ko na sana hindi ako mapunta sa sitwasyong nadanasan ni Azura. Ngunit hindi ko inaasahang mas malala pa sa pinagdaanan niya ang pasakit na ibibigay saakin ng mundo.
"Ganoon pa rin. Mahal pa rin namin ang isa't isa, Azura. . ." I sighed. "But I can't continue. I don't know. . . I'm frustrated."
"Huh? You can't continue? Why? Hindi kita gets, Riki! What happened?"
At kung parang dati lang, siya ang nanghihingi saakin ng tulong. . . ngayon, ako naman. Mas mabigat na tulong pa ang kailangan ko mula sa kaniya. Mas kakailanganin ko siya kaysa noong kinailangan niya ako.
"You're a real estate agent before, right? Mayroon kang kaalaman sa pagbebenta ng mga bahay at lupa?" tanong ko na.
"Oo. Bakit mo natanong? May balak na ba kayong ibenta ang bahay riyan sa Laguna?"
"Yes. I need your help."
"Sure! What kind of help can I give you?"
I closed my eyes and recalled all of the earlier occurrences.
BINABASA MO ANG
Carrying the Real Trophy ✓
RomanceBakit kaya hindi na lang gumawa ng perpektong tao ang Diyos? Bakit kailangan may mga taong halos sambahin at may mga taong halos pandirian? Bakit hindi pantay at patas ang mundo para sa lahat? Those are the questions that haunt me late at night. I b...