9 - Only Wife
Hindi na natuloy ay pag-aalala ni Alessia.
Dahil muling nagising si Kyro sa kanyang kama, mumulat ang kanyang mata.
Naka-abang si Alessia kay Kyro sa kama nito sa may gilid.
Bawat piraso nang kanyang mukha ay tinignan nito.
Matangos ang kanyang ilong, magagandang labi at mapungay nitong mata.
Alam niyang maganda ang itsura nito.
Wala siyang interes.
Ayon sa kanyang ina, ang mga ganitong lalaki daw ay ang pinakamahirap paibigin.
Hindi niya rin ipagkakalat ang paghilik nito sa pagtulog pero natatawa siya.
"Isang kang malaswang babae. Bakit ganyan kang makatingin sa'king katawan?"
Nang-aasar na pahayag ni Kyro pagkatapos gumising.
"Hindi iyon totoo. Isa kang mapagbintang na lalaki. Malinis ang aking konsensya. Hindi kita nais."
Nakangiting sabi ni Alessia sa kanya.
Para namang nabahala si Kyro sa sagot nito sa hulihan.
Nagseryoso ang kanyang mukha.
"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala. Ako'y malakas at makisig. Halata sa iyong mukha na may pagtingin ka sa akin at nag-aalala ka. Huwag kang magsinungaling."
Nakangisi nitong pahayag habang nilalapit niya ang mukha kay Alex.
"Oo, totoo. Ako'y nag-aalala."
Ngumiti si Alessia.
Habang si Kyro ay natameme sa gilid.
"Ayokong mawalan ng asawa."
Banggit niya habang nginunguso si Marga sa likuran.
Akala niya ay nanghihingi ito nang halik.
Nilapit niya ang mukha niya rito.
Balak halikan ang dalaga.
Wala siyang naisip kasi dinikit na lang niya ang noo sa mukha ni Kyro pero hindi niya hinalikan.
"Nandito si Marga."
Bulong niya rito.
Amoy ang kanyang hininga.
"Inihabilin nang inyong ama ang mga asawa ninyo na papasukin sa inyong silid."
Sabi ng lalaki sa gilid ni Marga, na nagpakilalang si Shaun.
"Ako si Shaun, kapatid ni Marga."
Sabi pa nito.
Nakalinya ang tatlong babae.
Mga asawa ni Prinsipe Celestino?
Nagulat si Alessia sa narinig parang siya ay naaasar sa mga tingin nang mga ito sa kanya.
Anong mga asawa?
Isip-isip niya.
Madami pa lang asawa itong si Prinsipe Celestino.
Dagdag pa niya.
Nagkatinginan sila ni Prinsipe Kyro bilang Prinsipe Celestino.
Tinignan niyang muli ang litrato sa gilid na may mukha ni Prinsipe Kyro pero may peklat sa taas nang kanyang noo.
"Hindi ba't mas maganda kung magbagong buhay ka na, Prinsipe Celestino? Hindi mo na kailangan ng mga asawa pa maliban sa'kin."
Para kay Alessia, tama iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/324585056-288-k320577.jpg)
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know (Completed, Mar 2023)
RomanceDate Created: April 22, 2022 Date Finished: March 3, 2023 Theme Song: Everything Has Changed by Taylor Swift ** Kyro Augustus has always been a prince who's obedient to his parents. Destined to marry a princess, Alessia Marcella. But not until a gir...