Sa malawak na bayan, may isang mag-asawang na nagkaroon ng isang babaeng sanggol. Ang sanggol ay na ngangalang Sierra, siya ay isang maganda at masipag na babae. Kay laging masaya at mabait. Maraming tao ang nagsasabi na siya ang pinakamagandang babae sa kanilang bayan at dahil dito, maraming binatilyo ang gusto ng kanyang kamay sa kasal ngunit tinanggihan lahat nito ng dalaga sapagkat hindi rin pabor ang kanyang itay sa lahat ng mga lalaki na may gusto sa kanyang anak.
Sa hardin kung saan sumisikat ang araw, si Sierra ay nagmamasid mansid sa mga bulaklak na kay ganda. Nang biglang may isang binatilyong sugatang tumatakbo. Nagulat si Sierra sa kanyang nakita, ang binatilyo ay napatigil sa kanyang pagtakbo dahil sa pagod na kanyang natamo dahil na rin sa mga sugat niya at napagdisisyunan na dumaan sa lawa na malapit sa hardin. Nang siya’y malapit na sa lawa ay bigla nagdilim ang kanyang paningin.
Si Sierra ay nanahimik at nanagtataka kung bakit mayroong binatilyong tumatakbo na sugatan. Dahil sa pagtataka ni Sierra ay nilapitan niya ang binatilyo, pagkalapit niya ay naisipan niyang tulungan at gamutin ang mga sugat ng binatilyo sa ilalim ng puno.
Habang ginagamot ng dalaga ang mga sugat ng binatilyo ay napahanga siya sa kagwapuhan nito, matangos na ilong, malambot na buhok, moreno, basta gwapo. Sa paglubog ng araw, umuwi na si sierra ngunit may iniwan siyang tali sa buhok na may mga bulaklak na nakapalibot dito na my nakatatak na letrang S. Pagkagising ng binatilyo, kinaumagahan ay napansin niya ang taling nakasuot sa kanyang pulso, ang mga sugat niya’y hilom na.
Sa sumunod na linggo, ay napag isipan ng binatilyo na dumalaw sa hardin muli. Sa pagdalaw niya, may nakita siyang babae. Ang babae ay nakaupo sa indayog, sa pagtataka ng binatilyo kung sino ang mayari ng tali sa buhok na suot niya, ay naisipan niyang lapitan ang babae upang magtanong “Paumanhin binibini, sapagkat maaari bang magtanong?” tanong ng binatilyo, ang babae ay napatingin sa gawi ng binatilyo “Oo naman” sagot ng babae. Nang napatingin ang babae sa pulso ng binatilyo, ay agad siyang napangiti at naisip na siya ang lalaking kanyang ginamot.
“Binibini, ika’y bay madalas dito sa hardin? Kung gayon, mayroon ka bang kakilala na madalas napunta rito?” Tanong ng binatilyo. Agad naman sumagot ang babae “Ako lang naman ang taong nakakaalam ng hardin na ito” Nakuha nito ang atensyon ng binatilyo “Kung gayon, ika’y ba ang nagmamay-ari ng taling ito?”
“Ay, oo, sa akin iyan” Sagot ng babae. “Kung gayon, ikaw ang gumaling sa aking mga sugat” Ngumiti ang babae at siya’y tumango, ngumiti rin ang lalaki, “Ako si , Arkin Salvador” Sabi ng binatilyo “Ako naman si Sierra de Leon Ramos” Sagot naman ng babae. At simula noon, lagi na silang nagkikita. Nang dahil don ang Ama ni Sierra ay unti-unting napapansin na ang dalaga ay wala sa kanyang silid, kaya na pagdisisyonan niya na iutos sa isang matalik na kababatang kaibigan ni Sierra na nangangalang Ligaya.
BINABASA MO ANG
PARAISO
FanfictionSi Sierra de Leon Ramos, na halos perpekto na ang kanyang buhay, ngunit patuloy parin siyang nag hahanap sa kanyang magiging kasintahan. At sa hindi inaasahan siya ay makakatagpo ng Isang ginoo na magulo ang buhay. Ngunit, sila ba ay mag sasama pan...