Nang malaman ni Ligaya ang inuutos sa kanya ay agad siyang nagtungo sa silid ng dalaga at napagtanto niya kung nasaan ang dalaga dahil sa mga bulaklak. Agad siyang nagpunta sa hardin habang siya ay patagong sinusundan si Sierra, may nakita siyang isang binatilyo na palapit sa gawi ni Sierra at doon siya nagpasya na magtago sa likod ng puno, malapit sa kanilang dalawa.
Ang dalawa ay naguusap, sa kalagitnaan ng pag-uusap nila, Si Arkin ay nakapag-desisyon na sabihin kay Sierra ang kanyang nararamdaman “Sierra, may gusto akong sabihin sayo… sana pagkatapos ko, itong sabihin ay hindi mo ako iiwasan. Sierra de Leon Ramos, papayag ka bang ligawan kita?” Tanong ni Arkin, agad nang napangiti si Sierra ngunit bigla itong nawala dahil napaisip siya kung ano ang posibleng gawin ng kanyang Ama kay Arkin.
“Alang-alang rin akong tanggapin ang iyong nararamdaman ngunit ang aking itay ay hindi pabor” malungkot na saad ni sierra “Hayaan mo akong kunin ang loob ng iyong itay para hindi kana mangaba sa susunod na mangyayari” Pag kukumbinsi ni Arkin kay Sierra
Nang dahil sa mga narinig ni Ligaya, hindi niya maitago ang saya niya para sa kanyang kaibigan. Kaso hindi niya rin pwede bigoin ang Ama ni Sierra kaya umalis at nagsumbong siya. At simula noong pumayag ang Ama ni Sierra ay araw-araw nang nililigawan ni Arkin kay Sierra. Isang gabi, ang binatilyo ay nasa tapat ng bahay nila Sierra at hinaharana ang dalaga.
BINABASA MO ANG
PARAISO
FanfictionSi Sierra de Leon Ramos, na halos perpekto na ang kanyang buhay, ngunit patuloy parin siyang nag hahanap sa kanyang magiging kasintahan. At sa hindi inaasahan siya ay makakatagpo ng Isang ginoo na magulo ang buhay. Ngunit, sila ba ay mag sasama pan...