Makalipas ang ilang taon, ang dalawang magkasintahan ay ikakasal na subalit bago sila ikasal, kailangan gumawa ni Arkin ng mga gawaing bahay. Makalipas ang ilang buwan, isang araw na ‘lang bago sila ikasal, habang si Sierra ay naghihintay sa kanya kasintahan, natabig niya ang kanilang litrato at ito’y nabasag na nagdulot ng masamang kutob.
Masayang nagising ang dalaga dahil ito na ang araw ng kanilang kasal, nang siya’y nasa karwahe patungo sa simbahan, ang kanyang damdamin ay mabigat ngunit natigil din dahil sa pagsisimula ng seremonya. Nang siya na ang huling maglalakad, may mga luhang nagbabadya sa kanyang mga mata, nang palapit na siya kay Arkin…
May isang malakas na putok ng baril silang narinig at nagulat ang lahat nang biglang bumagsak si Arkin, napasigaw si Sierra ng malakas at napatakbo kay Arkin habang umiiyak “ARKIN!!” sigaw ni Sierra. Lahat ay ng tao sa loob ng simbahan ay nakapalibot kina Arkin at Sierra, habang si Sierra naman ay umiiyak ng malakas “M-mahal!! Kapit l-lang…” niyakap niya si Arkin ng mahigpit sa takot nang siya’y mawawala na. Inabot at nilagay ni Arkin ang kanyang nilalamig na kamay sa namumulang pisngi ni Sierra “...mahal…? Inaantok na ako…” sabi ni Arkin “...sa susunod na habang …buhay uli mahal.. Sana tayo pa rin…” dagdag ni Arkin “sa susunod na habang buhay, ikaw pa rin mahal… hihintayin kita” tumanggong sagot ni Sierra at ngumiti si Arkin sa kanyang sagot “...hihintayin kita sa paraiso… mahal..”
BINABASA MO ANG
PARAISO
FanfictionSi Sierra de Leon Ramos, na halos perpekto na ang kanyang buhay, ngunit patuloy parin siyang nag hahanap sa kanyang magiging kasintahan. At sa hindi inaasahan siya ay makakatagpo ng Isang ginoo na magulo ang buhay. Ngunit, sila ba ay mag sasama pan...