ESPESYAL NA PAHINA

1 0 0
                                    

makalipas ang ilang tao, patuloy paring umaasa si sierra na uuwian siya ng kanyang nobyo. at patuloy paring nag aantay sa Hardin kung saan sila unang nag kita. bawat Araw si sierra ay nag pupunta sa Hardin, para maramdaman ulit Ang presensya ng kanyang irog. "Mahal, apat na taon na nung nawala ka sakin. masakit pero kailangan kong tangapin. masakit mahal ko, kasi nasanay akong nasa tabi kita" umiiyak na sabi ng dalaga "Hayaan mo mahal, kaunti nalang mag kakasama na ulit tayo. Sana pag dating ko sa paraiso anjan ka inaantay ako"

Makalipas ang limang taon, si sierra ay dumalaw ulit sa Hardin. Ang binibini ay naka upo sa indayog, kung saan sila unang nag usap ng kanyang minamahal. Ang binibini ay nag mamasid sa paligid, puno ng makukulay na bulaklak, malalaking puno, lawa kung saan nakatira ang mga isada, at ang mapulang araw na may halong kulay dalandan. Sa pag mamasid ng dalaga ito ay nakatulog sa kanyang indayog. Ngunit sa pag bukas ng kanyang mga mata, may na hagip ito Isang lalaki na kala moy may inaantay. Dahil sa pag tataka niya ay nilapitan niya ito, ng nakita niya kung sino ito may lumabas ng tubig sa kanyang mga mata.

"A-arkin, mahal ko......." saad ni Sierra, hinawakan Niya agad ang muka ng kanyang mahal, Ang kanyang mata ay Isang dike kung mag pakawala ng tubig. "I-i-ikaw nga mahal ko.." umiiyak na saad ni Sierra "binibini ko, Ang iyong muka, hindi parin kumupas ang iyong ganda. Patawarin mo ako mahal kung napag antay kita ng matagal, pero ngayon dito sa paraiso Wala ng hahadlang satin" saad ng binatilyo habang and dalaga ay nasa kanyang mga kamay, yakap-yakap sa ilalim ng puno.

Mahalin niyo ang isat-isa kahit kayo pa ay mag kalayo, dahil Ang tunay na nag mamahalan walang dahilan ang distansiya kasi kung mahal mo, mahal mo talaga.

                  Sierra de Leon Ramos
                        Arkin Salvador

   HIHINTAYIN KA AT MAMAHALIN                 KA DITO SA PARAISO.

PARAISOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon