Author's note:
Curse this new writing tool. -_- I was writing 2 hours and it was already a thousand words and when I saved it... walang na save! ugghh!! na frustrate talaga ako kanina. nawalan ako ng gana para magsulat. I even punch the wall beside me. tsss... sorry kung wild si Author ngayon. na badtrip lang ako. hays....
proceed.. :/
————————————————
*Sandy*
Nang kumalma na si Faye ay nakahiga kami sa higaan niya. malaki naman itong kama niya kaya magkasya kami. napatingin naman ako kay Faye, nakatingin lang sa ceiling. maga maga ang mata niya at pulang pula yung ilong. halatang galing sa iyak. nagdesisyon kaming manahimik muna ng ilang minuto..
Di ko talaga akalaing ganito ang mararamdaman ni Faye ngayon. I mean.. she's a strong girl. akala ko chicken lang sa kanya ito. pero nakalimutan kong katulad din niya ako. kasi kahit astigin yan doon sa school kahit anong bara niya doon sa mga lalakeng lumalapit sa kanya, marunong siyang magtago ng totoo nararamdaman niya. hindi siya showy. laging naka pokerface. pero nag-iba nung nakilala niya si Kent at nung ninakaw ni Kent ang unang halik ni Faye.
speaking of Kent. di ko rin akalain na gagawin niya yun sa bespren ko. akala ko di niya magawang paiyakin si Faye. hindi ko pa alam kung ano talagang nangyari dahil pinalabas lang ni Faye ang mga luha niya. siguro kapag ok na siya ikukwento din niya sa akin ang lahat. sobra talaga akong nag-alala nung tinawagan ako ni kuya Gab. ok lang sa akin kung di natuloy yung friendly date namin ni Box.. basta ang mahalaga ay ang bespren ko na nangangailangan sa akin ngayon. lumipas na ang 1 oras ay di pa rin nagsasalita si Faye. nagpasya akong magtanong nalang..
"Faye? ano ba talagang nangyari sayo? bakit ka umiyak?" tanong ko. humarap naman siya sa akin habang hawak hawak niya yung panyo niya. di pa siya nagbibihis ng pambahay... parehas lang kami.
"Maraming nangyari Sandy... mahabang storya." sabi niya.
"kaya nga ako dito matutulog diba? para makinig sayo." daing ko.
napabuntong hiniga siya. "sige na.. ikukwento ko na.. nakakahiya naman sayo." napatawa nalang ako..
"oh sige. start na." sabi ko.
"ok, here it goes.."
—————————————
pagkatapos niyang ikwento lahat na nangyari ngayon pati kahapon ay di ko maiwasang bumangon at umalis sa kama..
"oi saan ka?" tanong ni Faye sa akin.
"uupakan ko lang yung babaeng yun." sabi ko. grabe naman pala talaga yung babaeng yun! di ko siya napapansin dati na naging kaklase pala namin ni Faye yun!
kasi nung time na yun, busy ka sa boypren mo.
oww.... oo nga pala.
"ano ka ba? umupo ka nga!" hinigit niya ako at pinaupo sa kama niya. "kala mo naman alam mo kuns saan yung bahay niya."
"eh di samahan mo ako! batuhin natin ng itlog sa bintana.." pagkasabi ko nun ay binatukan niya ako.
"alam mo kahit ano nalang ang naiisip mo eh. para kang baliw." sabay ngiti niya..
"haha! ok lang. at least napangiti kita.. ayiiee!!" sabay sundot sa tagiliran niya.
"wag ka nga! tsk." agad naman niyang tinampal ang kamay ko.
"Kj. >3< " sabay pout ko.
"tsk. jan ka na nga." sabay talikod sa akin. ay talikod effect ang peg ni atii..?
![](https://img.wattpad.com/cover/36164027-288-k245763.jpg)
BINABASA MO ANG
That Shokoy Stole my First Kiss ✔
Teen FictionAlice Faye Malazarte is just an ordinary girl. She doesn't believe in love and is a man hater. then suddenly, there comes Kent Andre Ferrer who keeps on teasing her until things get serious. -----0-------0-------0-------0------0----- HIGHEST RANK IN...