*Kuya Gab P.O.V*
"hoy Alice... himala atang umaga kang nagising ah. may bisita bang darating? ha? ha?" pag-aasar ko. eh paano, maagang nagising. 7:00 mismong nagising pati si mama nagulat dahil di naman siya nagigising ng maagang maaga kapag weekends.. usually 11:00 am yan nagigising. kaya parang di ako sanay at di lang yan, naglinis pa. nagwalis, naglampaso siya pa nga naghugas ng pinggan na kinainan namin kanina. grabe tong si bunso.. surprisingly masipag ngayon!
"imbis na inaasar mo jan ako kuya, bakit di ka tumulong sa akin at maliligo pa ako! kainis!" sabi niya habang nagwawalis.. tumawa naman ako..
"eh bakit ka nga naglilinis jan?" pagtanong ko.. "may bisita bang darating ha? bibisita ba si Ren? ayiiee!!" pang-asar ko sa kanya ulit. lumingon siya sa akin ng pulang pula ang mukha. nako nako nako, tama nga ang hinala ko.. haha!
"hindi kasi kuya! niloloko mo naman ako eh! darating yung kasama ko sa pag-gagawa ng project! tsk." sabay ligpit sa walis pati sa dustpan.
"asuus! kunwari ka pa... nadedevelop ka na ba kay Ren? kasi bunso, hindi dahil matagal ko na siyang bespren.. mabait si Ren at botong boto ako sa kanya.." ngumiti naman ako sa kanya.. totoo naman kasi, mabait si Ren. kaya ko nga pinahintulot na manligaw siya sa prinsesa namin kasi alam kong aalagaan niya si Alice at di niya papaiyakin. parehas kaya kaming overprotective sa mga little sisters namin kaya may tiwala ako sa kanya..
"tsk.. puro ka Ren ng Ren jan kuya, bakit di nalang kayo? gusto mo siya noh? bakla ka noh kuya?" ngumiti siya ng nanloloko sa akin...
"anong sabi mo ha?!"
"hala ka! sumbong talaga kita kay ate Heidi!!" tumawa siya ng malakas at tumakbo sa taas...
"HOY ALICE FAYE MALAZARTE! PATAY KA SAKIN PAG BABA MO!!!" sigaw ko.. takte talaga tong bunso na 'to! badtrip. bakit ba palaging nakakawawa ang mga panganay sa mga bunso? kapag may gusto, bunso palaging nasusunod.. kapag nag-away, panganay palagi ang sinisisi oh di kaya kapag na broken hearted to si Alice ako ang sisihin ni mama.. hay nako.. buhay panganay nga naman.. matawag nga strawberry ko..
calling strawberryshortcake....
"baby!" masiglang sagot ni Heidi sa kabilang linya... ayiee! kilig naman ako!
"hello strawberry ko! kamusta ka na?"
"ok lang ako, bi.. but, Faye sent me a strange text kasi..." sabi niya. nako. parang alam ko na 'to. pero itatanong ko parin. hahaha!
"ano yun?"
"may crush ka daw kay Ren.. hoy! magtapat ka nga, bakla ka ba Patrick Gabriel Malazarte?!" nalintikan na..
"asuus. papaniwala ka naman kay Alice, bi eh! alam mong di totoo yan.. Ikhaw lh4ng s4pH4T n4.." narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. napatawa naman ako sa jeje accent ko.
"wag mo akong ma jeje jan Riel ah..."
"awee... ngayon ko ulit narinig na tinawag mo ako sa pangalang yan ah.."
"hmm.... sige na, busy pa ako sa pag-tatype ng thesis ko.. mamaya ako tatawag. I love you, Riel.."
"mhmm.. I love you too, strawberry ko.."
binaba na niya ang phone. para akong baliw sa kangingiti dito. eh kasi, kinikilig ako! marunong ding kiligin ang mga lalake pero di lang talaga kami nagpapahalata.. this girl never fail to amaze me and never fail to make me happy.. she's the girl for me.. swerte ko talagang nakilala ko siya.
[A/N:Sa mga gustong malaman ang love story nila Ate Heidi at Kuya Gab... abangan lang. HAHA :)]
Nasa cloud nine na ako nang narinig ko ang boses ni Alice na nagpapasok ng tao sa bahay.. bigla naman akong napalingon.. nakita ko si Ren at may tao din sa likod niya.. nung una akala ko si Sandy, gulat ko nalang na lalake ito.. maporma medyo mataas pero mas mataas parin ako sa kanya.. highschooler at medyo maangas yung mukha ah.. napatayo ako ng de oras ng pumasok na sila.. lumapit si Ren sa akin at nakipag handshake.. yung handshake naming inembento..
BINABASA MO ANG
That Shokoy Stole my First Kiss ✔
Novela JuvenilAlice Faye Malazarte is just an ordinary girl. She doesn't believe in love and is a man hater. then suddenly, there comes Kent Andre Ferrer who keeps on teasing her until things get serious. -----0-------0-------0-------0------0----- HIGHEST RANK IN...