#1

12 1 0
                                    

Ang maloko, mawalan at maiwan ang pinakamasakit sa lahat.

Naniniwala ka ba dito? Well, kung madrama ka pwedeng oo. Kung nasaktan ka na dahil naloko, nawalan at naiwan ka na masasabi mong totoo ito. Iba't ibang pagkakataon o karanasan ang makakapagpatunay na masakit ito. Hindi naman lahat ng bagay ay umiikot sa pag-ibig. Pwede kang maloko ng kaibigan o kamag-anak mo.

Maloko - yung maloko ka ng taong pinagkatiwalaan mo. Sobrang sakit nun. Kumbaga, binigay mo lahat e. Nagtiwala ka, nagbigay ng utang na loob tapos malalaman mo, niloloko ka lang? Mapapamura ka nalang kasi hindi mo matanggap sa sarili mo na nagkamali ka.

Mawalan - mawalan ng taong minamahal. Pwedeng namatay, o talagang nawala nalang siya sa buhay mo. Ang mamatayan ng taong minamahal para sa akin ay ang pinakamasakit sa lahat. Kasi kilala mo yung taong yun, malapit sa puso mo at mahal mo. Hindi mo na kayang palitan yung posisyon niya sa buhay mo. Yung naging parte niya sayo, sa pagkatao mo. Wala ka nang ibang magagawa kundi tanggapin at mamuhay ng hindi sila kapiling.

Maiwan - iba't-ibang aspeto ng pag-iwan. Iwan kasi hindi ka na mahal? Yan ba? Ayos lang yan. Kesa naman iwanan ka niya kapag sobrang mahal na mahal mo na siya. Yung naibigay mo na lahat. Kaya mo pa yan! Mabubuhay ka ng wala siya. Pwede ring, maiwan dahil nagpunta sa ibang bansa yung magulang/mahal mo. Ayos lang yan, may rason naman yan kung bakit nila yun ginawa. Kailangan mo lang naman talaga matutonh tanggapin ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay mo. Yun na yun. Masakit oo, pero kaya mo yan. :)

RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon